CHAPTER 3

271 8 0
                                    

CHAPTER 3.

Scarlet's POV.

Nanginginig ako ngayon sa aking tinatayuan. Hindi ako makagalaw at nag-hahalo-halo ang aking nararamdaman ngayon. Galit at sakit. Gusto kong sampalin siya pero nanginginig ang aking kamay at nanghihina rin ang aking tuhod.

Para akong ninakawan ng lakas ngayon.

"Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit sobrang busy mo?!!", Sigaw ko sa galit.

Naramdaman ko ang pamumuo ng aking mga luha. Nanggalaiting nilingon ko ang babaeng kahalikan niya kanina at hindi naman ako makapaniwala nang makilala ang mukha nito. Napatawa ako ng pagak at marahas na pinunasan ang luhang lumandas sa aking pisnge.

"Seriously Ms. Lia Marie Johnson?", Ani ko.

Yes! This fr*aking model was flirting with my fiance! She is! The one who requested to make a dress for her!

At sa wakas ay nakita ko na rin sa personal ang modelang ito! I was very surprised right now. Hindi ko naman rin inakala na kalandian niya ang fiance ko!

"Don't say anything Ms. Ashburn. You don't know everything----"

"Anong hindi ko alam?!! I saw it already!!! Sa lahat-lahat ng pwede mong landiin bakit yung fiance ko pa?!!", Pagputol ko sa kaniyang sinabi.

"Don't shout at her Scarlet!"

Hindi naman ako makapaniwalang napalingon sa taong sumingit. Kitang-kita ko kung paano naging blangko ang expression nito habang nakatingin sa akin. Napatawa ako ng pagak at hinawakan ang aking kamay at tinanggal doon ang singsing na nasa aking middle finger.

"May sasabihin sana ako sayo eh.", Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

Tumingin ako sa kaniya muli at nakitang nakatingin siya sa hawak kong singsing na tinanggal ko na sa aking daliri.

"Kung niloloko mo lang naman ako, huwag na natin ipagpatuloy yung kasal.", Sabi ko at tinapon sa kaniya ang singsing.

Mariin ko naman na nilingon ang malanding famous model 'kuno'. Dinuro ko siya.

"And you! You will regret this! You will pay for this!", Madiin kong sambit bago tumalikod at nagsimula nang maglakad palabas ng opisina.

Nang makalabas ako ay pabagsak kong sinarado ang pintuan. Napapikit ako nang hindi man lang niya ako pinigilan. Nagsimula na akong humikbi habang naglalakad sa hallway.

Sumalubong sa akin ang kaniyang Secretary. Huminto ako sa kaniyang harapan habang malamig na nakatingin sa kaniya.

"M-ma'am-----"

*PAK*

Natabingi ang kaniyang mukha sa lakas ng sampal na aking iginawad sa kaniya.

"Isa ka pa. Traydor ka rin. Alam mo na pala na ginag*go lang niya ako pero hindi mo man lang sinabi sa akin at sinuportahan mo pa ang g*go mong Boss?!", Galit kong sambit.

Hindi ito nakasagot kaya nilagpasan ko na lamang siya. Sumakay na ako sa elevator at napatingin ako sa taong tumatakbo papunta sa aking gawi. Pero huli na dahil sumara na ang elevator.

Ang lakas naman ng loob niya upang puntahan ako! At ano?! Magpapaliwanag siya?! Wala nang saysay ang paliwanag niya, nakita ko na! Kitang-kita ng mga mata ko kung paano sila naglandian ng mode na yun!

Sa likod ng kagandahan, may tinatago pa palang kalandian!

Napapikit ako ng mariin at sunod-sunod na nagsilandasan ang aking mga luha. Napalakas ang aking hikbi at napaupo ako sa sahig.

My Ex Is My BossOn viuen les histories. Descobreix ara