CHAPTER 4

267 7 0
                                    

CHAPTER 4.

Third Person's POV.

"That j*rk!! How dare them to betrayed you?!", Galit na sigaw ni Kate at napatayo sa bench.

"All this time niloloko ka lang pala ng mga h*yup na yun?!!", Dagdag pa niya.

Hindi na lamang umimik si Scarlet sa naging reaction ng kaniyang kaibigan na si Kate. Kakatapos niya lang sabihin dito ang nangyari kanina. Gigil na gigil siya ngayon at kating-kati na ang kaniyang mga paa na puntahan ang mga yun at bugbogin.

Alam niya kung paano magalit ang kaniyang kaibigan na si Kate. Hindi naman din niya mapigilan na sabihin dito ang ginawa ni Martin sa kaniya.

Napapunas siya ng kaniyang luha at hinawakan ang kamay ng kaniyang kaibigan upang pakalmahin.

"Hayaan mo na, Kate. Desisyon niya iyon kaya wala dapat siyang pagsisihan.", Mahinang sabi niya na ikinairap naman ni Kate at padabog na umupo pabalik sa bench.

"Ghurl! Don't stop me! I need to teach him a lesson!", Sabi nito na inilingan lamang ni Scarlet.

"Just let them be. Ang Dios na ang bahala sa kanila.", Mahinang sabi niya dito sa kaniyang kaibigan.

Marahas na bumuntong hininga si Kate at hinawakan ang kaniyang kamay at tinignan siya sa mga mata.

"Don't you worry ghurl. I'm on your side. I can help you to stand up again and let us going to show him the person he wasted.", Seryosong sabi ni Kate.

Niyakap siya nito kaya napayakap nalang din siya pabalik sa kaniyang kaibigan. Sobrang sakit sa pakiramdam niya na sinayang lamang ni Martin ang pagsasama nilang dalawa. Mas pinili pa nito ang kaniyang ex kesa sa fiancee niya na halos ilang taon silang nagsama. At ang mas nakakalungkot lang ay hindi alam ni Martin na magkakaanak na pala sila ni Scarlet.

Iniisip palang ni Scarlet na habang lumalaki ang kaniyang anak ay hindi nito kilala o makasama ang ama nito. Sigurado siyang tatanungin siya ng kaniyang anak paglaki nito tungkol sa kaniyang ama. At masasabi niyang hindi siya makakasagot diyan.

Dalawang oras na nakaupo sila sa bench at inaya na siya ni Kate na umuwi na.

"Let's go na ghurl. Nagugutom na ako. Oh my gosh! I remember right now, hindi pa pala ako nakakain ng pananghalian!", Maarte nitong sabi at napahawak pa sa magkabila niyang pisnge.

Napailing na lamang si Scarlet dahil umandar na naman ang maarte nitong ugali.

"Dumaan muna tayo sa restaurant ghurl!", Walang preno nitong sabi at walang pasabing hinila ang kaibigan nito.

Malapit lamang ang restaurant dito sa park kaya naglakad na lamang sila.

Nang makapasok sila ay agad naman nilibot ni Scarlet ang kaniyang tingin at nagsisi yata siya na pumasok pa dito. Napahigpit ang kapit niya sa braso ng kaniyang kaibigan kaya napatingin sa kaniya si Kate na nagtataka. Agad niyang sinundan ang tingin nito at napa-smirk nang makita ang dalawang naglalandian sa di-kalayuan ng mesa.

"J*rk!", Mariin na bulong ni Kate.

Napabitaw si Scarlet sa braso ng kaniyang kaibigan nang bigla itong naglakad. Hindi niya alam kung saan ito pupunta at nanatili lamang siya sa kaniyang tinatayuan at hinintay ang kaniyang kaibigan kung saan ito patungo.

Pero hindi niya inaasahan ang gagawin nito.

*PAK*

Sa isang sobrang lakas na sampal ay napalingon ang mga tao sa gawi nina Martin. Napatakip naman si Scarlet ng kaniyang kamay sa bibig nito dahil sa gulat sa ginawa ni Kate.

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now