CHAPTER 6

262 6 0
                                    

CHAPTER 6.

Scarlet's POV.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagluto ng breakfast pati na rin ang magiging lunch ni Hanzo. Habang nag-luluto ako ay naalala ko bigla si Kate. Saan kaya yun galing?

Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at dinampot ang aking cellphone na umiilaw hudyat na may mensahe. Tinignan ko ang screen at nabasa na galing kay Manager ang mensahe. Binaba ko muna ang lunchbox at binasa ang mensahe galing kay Manager.

Message from Manager:
- Good morning Ms. Ashburn. The CEO or owner of our restaurant will arrive tomorrow night. And we need to clean up, no work for today.

Napabuntong hininga ako matapos mabasa ang mensahe. Darating pala bukas ang owner ng restaurant ah. Pero curious ako kung sino yung mayari ng tinatrabaho ko hindi ko pa kasi nakita mula nang magtrabaho ako diyan bilang cashier. Nagtaka nga ako dahil mabilis akong natanggap bilang cashier kahit hindi ako masyadong expert.

"Mommy?"

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang bagong gising na tinig mula sa aking anak. Napalingon ako sa pintuan nitong dining at napangiti nang sumalubong sa akin ang anak ko na nakapantulog pa. Naglakad naman ako palapit sa kaniya at kinarga siya at pinaupo sa stool na may kataasan.

"Good morning honey! How's your sleep?", I said with a smile on my face.

"It's fine Mommy. You know what Mommy? I was dreaming that I'm with my Dad and guess what Mommy? We are playing!"

Kumirot ang aking dibdib sa sinabi sa akin ng aking anak. Hindi ko na narinig ang susunod niyang sinabi dahil binalot na lamang ako ng kalungkutan. Sobrang sakit nang marinig iyon mula sa anak ko. He was dreaming with his Dad who never been by his side since he born.

May side sa akin na gusto siyang hayaan na makita ang kaniyang ama at makasama. Pero may bumabagabag din sa akin dahilan upang magdadalawang-isip ako. What if kukunin niya sa akin si Hanzo? Hindi ako makakapayag non.

"And Mommy, he also said that he is waiting for you too."

Nabalik lamang ako sa reyalidad nang marinig ang salitang yun. Sa salitang iyon na nanggaling sa bibig ng aking anak ay siyang nakapagpatibok ng aking puso. I know it was just a dream pero bakit ang lakas ng epekto non sa akin?

Napahawak ako sa aking sintido at napailing-iling. Kung ano-ano nalang kasi ang iniisip ko siguradong sasakit ang ulo ko kakaisip ng kung ano-ano.

"Mamaya na yan anak. Eat ka muna ng breakfast.", Sabi ko at nagsandok na ng fried rice.

"Wow! Fried rice!", Masaya niyang sambit nang mailapag ko sa kaniyang harapan ang pinggan na may fried rice.

Pagkatapos ko siyang bigyan ng kaniyang kakainin ay saka ko naman nilagyan ang kaniyang lunch box ng pagkain.

Abala lamang ako sa aking ginagawa nang maramdaman ko na may taong pumasok sa dining. Nilingon ko naman agad ito at si Karrie pala.

"Oh Karrie. Magandang umaga sayo!", Sabi ko.

"Good morning Ninang Karrie!", Masiglang pag-bati rin ni Hanzo.

"Good morning inaanak sayo din Scarlet girl!", Bati niya pabalik.

Nagtaka naman ako kunh bakit wala pa si Kate. Palagi kasi sila sabay na bumababa tuwing breakfast.

"Si Kate?", Taas kilay kong sabi.

My Ex Is My BossDove le storie prendono vita. Scoprilo ora