CHAPTER 1

624 10 1
                                    

CHAPTER 1.

*5 YEARS AGO*

Scarlet's POV.

I am Scarlet Jane Ashburn. I am a fashion designer of my boyfriend/fiance's company. Yep! I am working at my love's company. He is Martin Merez. We've been in a relationship for almost 7 years and he proposed to me 6 months ago. We're still planning for our wedding, yung kasal nalang talaga ang kulang. Nakahanda na yung sarili naming bahay, lupa, mga kagamitan, at yung lugar para sa aming honeymoon.

Sa ngayon ay sobrang busy pa namin para makapag-plano sa kasal. Pero ayos lang, napagusapan na namin ito na tatapusin muna namin ang mga importanteng gawain bago mag-plano sa kasal para wala nang sagabal.

Andito ako sa aking opisina ngayon, gumuguhit ng dresses sa aking sketch pad. May nag-request kasi na isang famous model, hindi ko pa siya nakita in person. Basta yung pangalan niya ay Lia Marie Johnson. Sa states ito nag-momodel at kilalang-kilala ng lahat.

Nakita ko na siya sa magazine isang beses lang. Busy kasi ako kaya hindi ako updated sa mga ganoong bagay. Nakita ko kasi yung magazine na dala-dala ng bakla kong workmate. Wala naman akong nakitang interest sa kaniya kay Ms. Jhonson. Yung mga pinopromote lang ni Ms. Jhonson na mga bagay ang kaniyang gusto.

*Tok tok tok*

Mula sa pagkakasandal ko sa aking swivel chair ay napaupo ako ng maayos nang marinig ang katok sa labas. Nilapag ko sa ibabaw ng aking table ang sketch pad at sketch pen.

"Come in!", Sabi ko.

Bumukas naman ito at bumungad sa akin ang aking fiance na nakangiti.

"Hi wifey.", Aniya.

Tumayo naman ako upang salubongin siya ng yakap.

"May kailangan ka ba?", Tanong ko matapos siyang yakapin.

"Why? Bawal ba puntahan ang soon-to-be wife ko?", Taas kilay niyang tanong.

I chuckles.

"Hindi naman sa ganon. Nasanay kasi ako na sa tuwing pupuntahan mo ako dito ay may kailangan ka.", Sabi ko nang nakangiti.

Hinila ko siya paupo sa visitor's chair at umupo naman ako sa kabilang visitor's chair na kaharap niya lang din.

"I just need your presence. I'm super tired right now.", Aniya at ngumuso pa.

I chuckles.

"Edi sana natulog ka muna.", Sabi ko sa mabirong tono dahilan upang mapasimangot ito.

Natawa ako sa kaniyang itsura. We've been talking for almost 3 hours at sinabayan na rin namin iyon ng lunch. Dito lang kami kumain sa loob ng aking opisina dahil ayaw niya sa cafeteria. He don't like staying in a crowd.

Natulog din siya sandali dito sa aking opisina bago bumalik sa mismong opisina niya.

Napabuntong hininga ako nang mapagtantong mag-isa na naman ako dito sa tahimik kong opisina. Sumapit ang gabi kaya nagsimula na akong mag-ligpit ng aking mga kagamitan.

Gustong-gusto ko na talaga umuwi at matulog. Pagod na pagod na talaga ako.

Tinignan ko ang aking cellphone nang tumunog ito. May message galing sa kaniya kaya binasa ko na agad ito.

=Hi Wifey. I can't take you home. May gagawin pa kasi ako, pahatid ka nalang sa Secretary ko. I love you, take care!=

Napangiti ako sa kaniyang mensahe. Sobrang busy talaga ng isang CEO. Nag-reply muna ako sandali bago pinaloob ito sa aking bag at lumabas na ng aking opisina.

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now