Chapter 53

371 7 0
                                    

Chapter 53

People cry not because they are weak but because they are strong for too long.

"Hindi ka ba hihinto kakaiyak?" tanong ni Chelsea habang inabutan ako ng tissue at hinahaplos ang likuran ko. "Kanina ka pa naiyak. Huminto ka na. Mauubusan ka ng tubig sa katawan niyan, e." Bakas ang pag-aalala sa boses niya.

Ilang oras na ako umiiyak simula nang dumating ako dito mula sa hospital.

Hindi ko maintindihan sa sarili ko. I convinced myself that things happened for a reason, na matatapos din lahat nang ito... pero kahit anong pilit ko ay ayaw huminto non sa pag-agos sa mga mata ko.

Ikwinento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa hospital sa pagitan namin ni Mark. Hindi siya nagsalita o nagbigay ng kahit anong komento mula doon. Hinayaan niya lang ako na ilabas ang nasa saloobin ko.

Panandalian siyang umalis para kuhanan ako ng isang baso ng tubig pagkatapos ay inabot sa'kin 'yon. "Uminom ka muna ng tubig," sabi niya. Nanginginig kong tinanggap 'yon at uminom ng kaunti. "That's enough for now. You need some rest, pagod ka na oh. Magiging ayos din ang lahat. Magigising din si Tita. Pero sa ngayon maligo ka at pagkatapos ay magpahinga ka na muna."

Pumunta na kami sa kwarto niya pagkatapos noon. Yinaya niya ko kumain at pinaghandaan ng pagkain pero tinanggihan ko 'yon. Ayokong kumain dahil parang isinusuka lang ng sikmura ko 'yon. Nahiga na ako sa kama katabi ni Chelsea matapos kong maglinis ng katawan.

Tumayo siya para patayin ang ilaw at pagbalik niya ay naramdam ko ang mainit niyang kamay sa pagitan ng bewang ko para yakapin ako, nakapatong ang ulo niya sa gilid ng ulo ko.

"Good night, sis." Bahadya niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko at ilang minuto lang ay nakatulog na lang ako ng kusa sa sobrang pagod.

Pagkagising ko ng umaga ay maaga akong umalis ng bahay nila Chelsea. Halos madaling araw pa lang 'yon pero kinailangan kong umalis kaagad para kumuha ng mga damit na kakailanganin ni Mom sa hospital. Hindi ko na siya ginising dahil alam kong pagod din siya kaya nagchat na lang ako nang paalis na ako sa bahay nila. Samantalang yung Mom niya ay nasa kabilang kwarto lang.

Bago ako pumunta sa hospital ay kinuha ko na ang mga kailangang damit at gamit ni Mom. Tinignan ko ang phone na nakapatong sa gilid ng drive seat ng kotse ko kung nag-reply sila Kuya James o kung may online pero hindi parin. Dumaan muna ako sa bangko at nag-withdraw sa ATM dahil kailangan ko ng cash. Bumili na rin ako ng gamot na nakalagay sa reseta ng may nadaanan akong botika.

Napakiusapan ko si Manang Rosie na siya muna ang magbantay sa hospital dahil alam kong kailangan ding magpahinga at pumasok ni Eris sa school. Malaking abala na ang nagawa ko sa kanya simula nung gabi na mag-volunteer siya na muna ang magbantay doon. Pumayag naman siya at siya ang naging kapalit ni Eris. Ibinilin ko sa kanya ang lahat ng dapat gawin at ibinigay na rin sa kanya ang number ko para kung sakaling magising na si Mom ay alam ko. Because the last time I went there, she's still not waking up yet.

"Thank you, Eris," I texted him when I leave the hospital. Hindi na ako pumasok sa loob kaya hindi na rin ako nagkaroon ng chance na makita siyang umalis ng hospital matapos kong ibaba si Manang Rosie sa entrance dahil sa pagmamadali.

Dumiretso ako sa school upang asikasuhin ang kailangang ipasa  doon. Kailangan naming mag-revise ng thesis at makapasa ng tatlong final copy bago ang final defense kundi ay hindi kami mapapasama sa lists ng eligible for defense ngunit hindi pa man din kami nakakalahati sa revisions ay hindi ko alam kung matatapos ko pa ba 'to sa dami nang nangyayari sa'kin ngayon.

Things will be the same. Papasok ako sa school at kapag uwian na ay didiretso ako sa hospital sa Tagaytay para may magbabantay kay Mom at may kapalitan si Manang Rosie. Ganon ang naging set up ng ilang linggo. Hindi ako pumayag na i-transfer si Mom sa ibang hospital na malapit sa lugar namin. Para sana mas convenient sa'kin, pero dahil maselan ang lagay ng pagbubuntis niya at ayokong mag-caused pa 'yon ng problema in the long run, hindi ako pumayag.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now