Chapter 26

367 12 0
                                    

Chapter 26

"Napakasinungaling niya! Ang sabi niya sa'kin mahal niya 'ko pero bakit ganon? Bakit nakikipagkita parin siya sa ex niya? Bakit mahal parin niya si Amethyst?"

Para kong sira habang kinakausap si Mario. Alam ko namang hindi sasagot ang isang puppy pero kailangan ko lang talaga ilabas lahat ng galit at inis na meron ako ngayon dahil baka hindi ko mapigilan yung sarili ko at biglang sumabog lahat ng kinikimkim kong sama ng loob.

Ipinatong ko siya sa binti ko. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Siguro naaawa na rin siya sa'kin. Hindi ko na mabilang kung ilang balde ng luha yung iniyak ko simula ng umuwi ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko.

Sinungaling siya! Bakit hindi niya sinabi sa'kin na ex girlfriend niya yung haliparot na Amethyst na 'yon?

Naniwala pa man din ako sa mga sinabi niya. Nadala pa man din ako sa pambobola ng lalaking 'yon tapos ganito lang yung mapapala ko.

"Don't be sad, baby. Mom will always be there for you kahit inabandoned na tayo ng Daddy mo." Himas himas ko yung ulo ni Mario. Mapungay pa yung mata niya dahil kakagising lang niya. "Kaya ikaw, huwag kang gagaya sa Daddy mo ah. Don't be like him--two timer and cheater."

Someone knocks on my door. Ibinalik ko muna si Mario sa loob ng cage niya. As I open the door, nakita ko si Kuya James na nakatayo sa labas ng pinto habang nakasandal yung kamay sa gilid ng pader.

"K-Kuya? Bakit ka nand'yan?"

"I heard you yelling. Hindi ako makatulog dahil sa boses mo. Can you please lower your voice, nakakabulabog ka. Gabing gabi na e."

"S-Sorry, Kuya."

"Teka nga, sino bang kausap mo d'yan?" tanong niya.

I shook my head. "W-Wala kong kausap." Napakamot siya sa ulo niya bago nagsalita. Inaakala siguro ni Kuya James na nasisiraan na ko ng bait dahil nagsasalita na ko mag-isa. Tatawa lang 'yon kapag sinabi ko na kausap ko yung labrador ko.

"Just take a rest. May pasok ka pa bukas. Matulog ka na." He kissed me on the forehead bago siya bumalik sa kwarto niya. Sinara ko na yung pinto ng kwarto ko at dumiretso sa kama para humiga. Pinipilit kong makatulog pero hindi ko kaya. Nakapikit yung mga mata ko pero gising yung diwa ko. Kasalanan 'to ng mga ahas na 'yon e!

Tumunog yung ringtone ng phone ko na nasa side table kaya kaagad ko 'tong tinignan. May nag-message.

Mark:

I already get the files for upcoming basketball league schedules and date. Salamat sa paghatid. I miss you, babe.

Hindi man lang ba siya nakahalata na pumunta ko don hindi lang para ihatid yung files na ipinaaabot ni Ms. Falcon kung hindi para kamustahin kung magaling na ba siya o ayos lang siya pero iba yung nadatnan ko.

Fuck you, Mark! Fuck you to the stars and back!

Hindi na 'ko magpapauto sa'yo! Never again.

--

"Kanina ka pa nandito ah. Wala ka bang klase?" Buti na lang at lunch break nila Chelsea at Aileen, may kasama kong umupo dito sa study area ng Industrial Psychology. Sana lang hindi kami palayasin dito kapag nalaman nila na iba yung course namin.

"I cut my class." bulong ko.

"Oh, my god! Seriously? May sakit ka ba?"

"Wala."

"First time in the history! Ang isang Rio Crizel Mallari Hechanova nag-cut ng class? Imposible." Chelsea exclaimed. Tinarayan ko lang siya. "Ano namang drama mo ngayon?"

Natahimik ako. "Si Mark kasi..."

"Anong meron kay Mark?"

"Pumunta ko sa bahay nila kahapon para ihatid yung files na pinabibigay ni Ms. Falcon tapos nakita ko siya na kasama si Amethyst sa loob ng kwarto niya."

"So that's the reason why you cut your class?" tanong ni Aileen. Tumango ako.

"I hate him! Sinungaling siya."

"Bakit ka ba nagagalit kay Mark? Dahil sa nakita mo siyang kasama ni Amethyst? Malay mo naman may sinabi lang yung tao kaya pumasok siya sa loob ng kwarto."

"Nag-kiss sila ni Mark," Nabigla sila sa sinabi ko. "Nakatayo ako sa likod ng pinto ng kwarto niya. I heard their conversation, I heard everything. He still loved her ex. Mahal niya pa rin si Amethyst."

I turn off my phone para hindi niya ko matext or matawagan. Hindi siguro nasabi ni Ate Diane kay Mark na nag-stay pa ko ng ilang minuto sa bahay nila bago ako umuwi. Ang pagkakaalam ni Mark inihatid ko lang yung files at umalis na ko kaagad.

"Ano naman ngayon? You should be happy. Titigilan ka na niya once na nagkabalikan na sila. Unless...ayaw mong mangyari 'yon," Chelsea exclaimed. "Teka nga, nagseselos ka ba? Oh, my gosh! Sabi na nga ba gusto mo na rin siya e."

"Yeah. I like him."

"What the f? Sinasabi ko na nga ba e," she said. "Alam ba ni Mark?"

"No. Wala kong balak na umamin sa kanya," sabi ko. "He's playing with me. Baka nga tama yung hinala ko...baka ginamit niya lang ako para makalimutan niya si Amethyst."

"Hindi naman siguro magagawa ni Mark 'yon." sabi ni Aileen.

"He already did."

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Chelsea.

"Lalayuan ko na lang muna siya," Mabuti na rin siguro na lumayo na lang muna ko sa kanilang dalawa. Mas makakabuti rin siguro 'yon... I need to stop this habang hindi pa malalim yung nararamdaman ko para sa kanya.

Habang hindi pa ko tuluyang nahuhulog...

"I can't pretend to be his girlfriend. Hindi ko na kayang magpanggap na hindi ako nasasaktan."

"Ang tanong papayag ba siya? For sure, hindi ka niya titigilan."

"I need to end this shit. I need to end the contract."

--

JeraldAlde

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now