Chapter 15

570 18 2
                                    

Chapter 15

Matapos makuha ni Eris yung stuffed toys sa slot machine, patuloy lang kami sa paglalakad habang hawak niya yung kamay ko.

Nasa kabilang side yung dog stuffed toy na nakalagay sa paper bag na may tatak na Tom's World. Pulang pula na yata yung buong mukha ko dahil tinitignan na kami ng mga tao sa paligid habang naglalakad kami papunta sa isang fast food restaurant.

Inakala yata nila na boyfriend ko si Eris dahil may isang grupo ng babae ang nag-uusap at todo ang titig sa'min.

"Tignan mo, girl! Ang gwapo ng boyfriend niya, oh! Yummy ha!" sabi ng babaeng naka-maroon na shirt habang nakatingin sa'min ni Eris.

"Tanga ka talaga! May girlfriend na yung tao tapos gusto mo pang sulutin don sa girl!"

"Hindi ko naman aagawin teh! Nagwa-gwapuhan lang ako. Masama ba 'yon?"

"Sus. Ganon din 'yon. Malandi!"

Alam kong naririnig ni Eris yung pag-uusap ng mga babae pero wala paring emosyon yung mukha niya.

Wala kong nagawa kung hindi yumuko na lang dahil hindi ko matanggal yung mahigpit na pagkakahawak ni Eris sa kamay ko.

Ilang minutong nagtagal 'yon hanggang sa pumasok kami sa fast food restaurant. Malagkit siyang tumingin sa mga mata ko. Parang may kung ano na hindi ko maipaliwanag dahil hindi ko mapigilan yung sarili ko na pagmasdan yung brownish niyang mga mata, yung perpektong hubog ng mukha niya.

Bakit ang gwapo niya?

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya.

Nakatulala parin ako habang nakatingin sa kanya.

"Ikaw."

Sumilay ang mala-demonyong ngiti sa labi ni Eris na nagulat sa isinagot ko.

"Huh? A-Ako?" He grinned.

Agad akong natauhan sa isinagot ko sa kanya. Ano ka ba naman Rio? Nahahawa ka na sa kabalastugan ni Chelsea!

"I...I-I mean, I-Ikaw yung bahala sa oorderin natin," paliwanag ko kaagad. Nakakahiya yung sinabi mo, Rio!

"Ah..." bulong niya. "Akala ko gusto mo ko-"

"May sinasabi ka, Eris?" pagputol ko sa sasabihin niya.

"W-Wala," he chuckled.

"Ahm, Eris."

"Y-Yes?"

"Ito yung bayad ko." Inabot ko sa kanya yung 500 pesos para sana pambayad sa oorderin naming food dahil nakakahiya naman kung siya pa yung sasagot non 'di ba.

Pero sa halip na kunin niya at hinawakan niya yung kamay ko at isinara 'yon kasama ng pera na dapat ibibigay ko sa kanya.

"Keep that. Don't worry, my treat," ngumiti siya. Ilang minuto akong napatingin sa kanya bago muling magsalita.

"Pero-"

"No buts."

Pulang pula na yung pisngi ko sa paraan ng pagtitig niya sa'kin.

"Hahanap lang ako ng table natin."

He nodded.

Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko at naghanap ng available table na pwede naming makainan. Mukhang kailangan ko na yata munang umiwas kay Chelsea. Nahahawa na ko sa kagagahan ng babaeng 'yon e. Nakakahiya talaga yung isinagot ko kay Eris. Jusko!

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon