Chapter 25

472 17 1
                                    

Chapter 25

Two days ng absent si Mark. Hindi ko alam kung anong nangyari sa lalaking 'yon. Bigla bigla na lang hindi napasok. Wala tuloy nambwibwisit sa'kin sa room. Wala kong makausap dahil siya lang yung pinagtyatyagaan kong kausapin kahit nakakainis siya minsan.

I miss him.

"Bakit hindi mo na lang kasi tanungin kung bakit siya absent?" sabi ni Chelsea habang kumakain ng slice ng cake.

Nasa cafeteria kami. Minsan na lang kaming magkasamang tatlo nila Aileen dahil bantay-sarado ako kay Mark tuwing nandyan siya.
May advantage din naman pala na wala siya; I can freely do what I want.

"Duh? Nag-iisip ka ba? Babae ako. Lalaki dapat ang unang mag-initiate" I exclaimed. "Ayokong isipin niya na nag-aalala ko noh."

"Hindi ba?"

"Hindi!" I can't text him at tanungin siya kung anong nangyari sa kanya. Hindi kaya ng dignity ko. Pwede ko namang tanungin si Ate Diane but for sure, sasabihin niya din kay Mark na nag-chat ako sa kanya.

Hihintayin ko na lang siguro na pumasok siya.

"Ano kayang nangyari don? Hindi naman siya nag-text kung bakit two days na siyang absent." bulong ko. Binatuhan nila ko ng malagkit na tingin mula sa kinuupuan nila.

"Hindi pala na-miss ha." Aileen said

"Ang labo mo rin talaga, sis. Kapag nandyan si Mark, bwisit na bwisit ka kasi madalas ka niyang kulitin pero kapag wala yung tao, hanap ka naman ng hanap," Chelsea said. "Baka iba na 'yan ha. Pretend girlfriend for real na ba?"

"Asa ka pa. H-Hindi mangyayari 'yon!" sabi ko. "Malabong mangyari, kasing labo na maging puti ang buhok ng uwak."

"Ehem! In denial." sabi ni Aileen habang nagpapanggap na nauubo. Kaibigan ko ba talaga siya?

"Huwag magsalita ng tapos. Baka bukas makalawa, malaman na lang namin ni Aileen na kayo na." pangaasar ni Chelsea.

"Sana nga," bulong ng mumunting isip ko.

"Totoo bang lumipat pa talaga siya sa section niyo para lang mabantayan ka?" tanong niya.

"Yeah."

"Iba! Patay na patay sa alindog mo si Mark. Maganda ka?"

"I know right." I said sarcastically.

Nagsitawanan sila sa reaskyon ng mukha ko. Nahinto kami ng lumapit sila Line at Bridge sa table namin. May hawak hawak silang tray na may lamang sandwich at juice.

"Hi, Chelsea!" bati ni Line. Umupo siya sa tabi ni Chelsea. Halata yung pamumula ng pisngi niya dahil sa ginawa ni Line. Mukhang may hindi sila sinasabi sa'kin ah.

"G-Good Morning, Aileen," bati ni Bridge kay Aileen. Instead na sagutin siya nito, yumuko lang siya at hindi man lang makatingin ng diretso sa mata ni Bridge. Mga malanding nilalang na 'to! Mukhang mauuna pang magka-love life sa'kin. Gaya ni Line, umupo din si Bridge sa upuan malapit kay Aileen.

"Hey, Rio!" bati sa'kin ni Line.

"Hi." tugon ko.

"Long time no see. Bigla kang nawala ng party ko. Saan ka nagpunta? What happen?" Halos mabulunan ako sa sunod sunod na tanong ni Line sa'kin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya ako umalis ng birthday party niya ay dahil kay Amethyst, ang haliparot na babaeng humalik kay Mark.

Naku! Tuwing naalala ko kung paano niya lingkisan si Mark kumukulo na yung dugo ko. Huwag lang siya magpapakita sa'kin dahil kakalibuhin ko talaga siya. Malanding 'yon!

"Ah...a-ano kasi...s-sumama yung pakiramdam ko kaya umalis na 'ko. Hindi na ko nakapagpaalam kasi ayoko kayong istorbuhin."

He nodded. Mukhang napaniwala ko naman siya sa sinabi ko. Bumalik na siya sa pagkain ng sandwich niya samantalang si Bridge nakayuko lang. Parang mas gusto niyang kausapin yung sahig ng cafeteria kaysa makipag-usap kay Aileen. Shy type talaga.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now