Chapter 54

377 9 0
                                    

Chapter 54

I felt like everyone lied to me. I felt like they didn't tell me the truth and all this time, I was comforted by lies.

Hindi sila naging honest sa'kin. Para akong tanga na umasa. Na naniwala sa lahat ng mga salita at pangako ng taong nasa paligid ko.

Pinaikot-ikot nila 'ko sa palad nila.

All along, I thought I pranked him, but in my horror, that's opposite of what I'm expecting.

I was being set-up with his stupid plan.

And I'd let myself drowned into it. For one year. Fucking one year got wasted.

Halos ilang minuto akong nanatili sa sahig ng kalsada. Basang basa ang suot kong itim na dress. Kada lipas ng oras ay paunti-unting lumalakas ang ulan na dahan dahang dumadampi sa mukha at katawan ko. Wala akong paki kung magmukha akong tanga na nakasalampak doon at walang ginawa kung hindi umiyak. May sugat ang tuhod pero hindi alintana.

Manhid na ako sa sakit.

Parang panaginip parin ang lahat ng nangyari ngayon gabi.

Ang hirap i-proseso sa utak ko ang mga nalaman, ang mga narinig. Hindi matanggap ng puso ko. Ang hirap tanggapin.

Nahinto ako nang huminto ang ulan sa ulunan ko. Tumingala ako nang mapansin 'yon. Napansin na may nakatayo sa tabi ko.

Si Eris.

"What happened?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Patuloy lang ako sa paghikbi. Napansin niyang may dumudugong sugat sa tuhod ko kaya nataranta siyang tumitig sa'kin at hinaplos ang likuran ko.

"Halika na. Umalis na tayo dito," sabi niya habang inaakay ako patayo ngunit huminto siya nang mapansin na hindi ko kayang makatayo.

Tumingin lang ako sa kanya habang walang lakas na magpatuloy pa.

Tumabi siya sa akin at saka niyakap ako. Unti-unting tumutulo ang luha ko.

Nagkalat ang make-up sa mukha ko pero hindi ko na 'yon pinansin. Sobrang lugmok ko at hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumangon o kung gugustuhin ko pa bang bumangon.

"Let's go. Magkakasakit ka niyan, e," inakay niya ako at inalalayan hanggang sa makarating kami sa gilid kung saan nakaparada ang kotse niya. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at pagkatapos ay pinatay ang aircon sa loob.

Habang ako? Patuloy lang sa pagtangis at mistulang pulubi na giniginaw.

Nakaupo lang ako doon katabi niya. Tahimik sa loob. Hindi kami nagsasalita. Tanging hikbi at iyak ko lang ang tunog na nagmumula sa'kin ang maririnig.

Hindi niya ko pinatahan. Hindi siya nagsalita. Paminsan minsan ay napapansin ko ang pagsilip niya sa pwesto ko at malungkot na pinagmamasdan ang kalagayan ko.

"Ayoko munang umuwi," sinabi ko kanina sa kanya na pupunta kami ng hospital pagkatapos ng party pero sa lahat ng nalaman ko, hindi ko alam kung kaya kong harapin si Mom at ang pamilya ko.

Nagsinungaling sila sa akin.

Hindi sila naging tapat.

She once told me that we shouldn't have secrets with each other pero ano 'to? Bakit niya tinago sa'kin lahat ng iyon?

"Where do you want to go?" alanganin niyang sagot.

"Kahit saan," walang buhay kong sagot.

Ayokong umuwi muna kila Chelsea. Ayokong makita niya 'ko sa ganitong kalagayan. Dahil kilala ko siya, kapag nalaman niya ang nangyari sa'kin at kung paano ako napahiya ngayong gabi ay gagawa siya ng paraan para ipagtanggol ako. Ayoko na mas lumala pa 'to. Ayokong mas bumigat at gumulo pa lalo ang sitwasyon.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now