Chapter 29

439 12 0
                                    

Chapter 29

I stared at Aileen and Chelsea while they giving me a malicious look. Mukhang hindi naman nila ko paniniwalaan kahit ilang beses kong sabihin sa kanila na wala kaming balak gawin na masama ni Mark. Wala naman talagang ibig sabihin yung nakita nila kanina.

"I can't believe this. You're making out with Mark? At sa mismong apartment pa natin ah." Chelsea keep on saying. I gave her a glare. Gaga talaga nito! I don't know why I need to defend myself.

Nilapag nilang dalawa yung mga baggage nila habang papasok kami ng kwarto. Sinara ko ng bahadya yung pintuan. Lagi pa namang pasigaw magsalita ang isang 'to kahit magkatapatan lang kami. Nasa labas si Mark, nakaupo sa sofa. Sana hindi niya marinig yung pinaguusapan namin.

"Pwede ba? Tigilan mo yang pagiging green minded mo?" I said while I seat at the edge of the bed. "Nothing happened, okay? You know me, I'm not a whore. I won't invite someone to go at my place just to make out."

"Sabagay."

"What's the meaning of that scene earlier?" I heaved a sigh as I looked at Aileen. "Bakit nandito si Mark?" Lakas magpanggap ng mga 'to! Hindi naman malalaman ni Mark na may apartment kami kung hindi nila sinabi.

"Can we please stop talking about that? Hinatid ako ni Mom dito and all of a sudden, someone knocks on my door and there I saw him." Nagtinginan silang dalawa. Hindi makatingin ng diretso sa mata ko. Galawang guilty. "Its your chance to explain why you tell him about our apartment?"

"I didn't tell Mark. Ewan ko lang dito kay Chels."

"Okay, fine. I tell him. Malay ko bang pupunta siya dito." Sinasabi ko na nga ba e. Napakadaldal talaga ng babaeng 'to.

"Mukhang ayos na kayo ni Mark ah. I thought you're going end the shit contract. Anyare?"

"Nako! For sure, rumupok na naman ang pundasyon." Chelsea exclaimed. I rolled my eyes at her. Palayasin ko kaya sila sa kwarto ko? May sarili naman silang kwarto pero ginugulo nila ko dito.

"I gave him a chance. Let see if things will work out the way it used to be."

"Paano kung hindi magwork the way you expect it?" Huminga ako ng malalim at ibinaling ang tingin sa iba. Ano bang klaseng tanong 'yon? Ni hindi ko alam kung anong dapat isagot.

If things doesn't work out the way I expect it to be, I will let destiny do his job. If things is destined... then it will happen.

Hindi ko sinagot yung tanong ni Aileen. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan nila kong tulala. Wala pang isang minuto may panibago na naman silang tanong.

"Paano na yung Amethyst?" Napahinto ako sa tanong ni Aileen. "Ikaw na nagsabi sa'min na hindi pa nakakamove on si Mark sa babaeng 'yon 'di ba?"

Umiling ako.

"Tapos na sila."

"What do you mean?"

"Tinapos na ni Mark kung ano mang meron sila ni Amethyst." Nagulat silang dalawa sa sinabi ko.

"So kayo na ni Mark?" tanong ni Chelsea habang nakapamewang.

"Hindi pa."

"Hindi pa? So it means, may balak kang sagutin siya?"

I smiled at them. "Well, let see."

"I'm sure, hindi titigil yung babaeng 'yon sa panggugulo sa'yo. Lalo na ngayon na nagiging malapit ka kay Mark."

"I won't let her ruined everything. She's just part of Mark's past."

"Ayan ang gusto namin. Fighter!"

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now