Chapter 27

366 15 0
                                    

Chapter 27

Bumalik na silang dalawa sa room nila. Since tapos na yung lunch break, wala na naman akong kasama. Dalawang subjects lang yung klase namin at puro minor subjects lang naman kaya pwede pa kong makahabol kung sakaling may requirements na ipapasa.

Kailangan ko lang talagang mapag-isa. Ayokong makita yung manlolokong 'yon! Baka hindi ko mapigilan yung sarili ko.

Ginabi na ko ng uwi kahapon habang naglalakad ng mag-isa palabas ng village nila Mark. Buti na lang at walang ibang taong nakakakita sa pag-iyak ko dahil sobra yung paghagulgol ko.

Hindi naman niya ko totoong 'girlfriend' pero bakit ganon na lang yung naging reaksyon ko?

I walk straight to my locker room. Iniwan ko yung gamit ko don dahil baka may makahalata na nag-cut ako ng klase. 

Pagsara ko ng locker, nakita ko ang lalaking dahilan kung bakit ako napilitang umabsent.

"Babe, let's talk."

Hindi ko siya pinansin. Naglakad ako at nilagpasan lang yung kinatatayuan niya. Iniwasan kong tumingin sa kanya dahil baka bumigay na naman ako kapag nakita yung asul niyang mga mata at paraan ng pagtitig niya.

Marupok ako pero tama na.

Humarang siya sa daanan ko kaya napilitan akong itulak siya para makaalis don. Hindi ko kayang magtagal pa don kasama siya.

Kapag nakikita ko si Mark, naaalala ko lang yung nangyari kagabi. Kung paano niya sinabi na mahal niya parin si Amethyst.

"Bakit hindi ka pumasok?"

Hinawakan niya yung kamay ko. Ang kapal din ng mukha ng isang to e! May lakas pa siya ng loob magtanong kung bakit hindi ako pumasok.

"Bitawan mo 'ko." Hinawi ko yung kamay niyang nakahawak sa'kin. Naglakad ako palayo. Pinipigilan ko yung sarili ko dahil baka bigla na lang akong sumabog.

Kaming dalawa lang yung tao sa loob ng locker room dahil on going ang klase. Huminga ko ng malalim habang nakatingin sa mga mata niya ng muli niyang higitin yung kamay ko at dahan dahang sinandal sa locker.

Nasa harapan ko siya at damang dama ko yung bawat paghinga niya sa tainga ko. Yung mga titig niya na kulang na lang lamunin ako ng buo.

"A-Ano ba? P-Paalisin mo ko!"

"No. Hindi kita paaalisin hangga't hindi mo sa'kin sinasabi kung bakit ka nagkakaganyan," Bahadya kong tinulak yung dibdib niya pero masyado siyang malakas. "Nandito ka pero bakit hindi ka pumasok kanina?"

"T-Tinamad ako. That's it. Ano bang pakialam mo ha? Pwede kong gawin yung gusto ko ng hindi nagpapaalam sa'yo."

"I'm your body guard kaya kailangan kong malaman kung bakit hindi ka pumasok."

"Pwede ba? Tumigil ka na! Alam naman nating dalawa na lahat ng 'to...lahat 'to part ng pagpapanggap. Hindi mo ko girlfriend at lalong hindi kita boyfriend. Don't act like you care for me. This shit...we're just fake. Kaya. Tigilan. Mo. Na. Ako."

"Iniiwasan mo ba 'ko?" I closed my eyes to control my temper.

"Hindi," diretsahan kong sagot.

"Hindi kita maintindihan. Bigla ka na lang hindi namamansin. Kapag tinatanong kita hindi ka naman sumasagot. I text you or even call you for several times but I can't reached your phone. Ano bang problema? Tell me. Bakit ka nagkakaganyan?"

I heaved a sigh.

Nagulat siya ng sinuntok ko yung dibdib niya. I tried to hold on my tears pero tuwing pinipigilan ko lalo lang lumalakas yung paghikbi ko. Nanatili lang siyang nakatayo, naguguluhan sa ginagawa ko.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now