Chapter 51

315 9 0
                                    

Chapter 51

Nagising ako ng may tumatamang sinag ng araw sa mukha. I roam my hands on my bed expecting that Mark would be beside me, but I was wrong.

Napabalikwas ako habang inaabot sa side table ang phone para i-check ang notification o messages ko.

Pero wala akong nareceived na kahit ano.

Maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok sa school. Kahit na malungkot ako, hindi hihinto ang mundo dahil lang sa hindi ako masaya.

I do warm bath. I just wear a mini skirt and sleeveless black tank top. Dumiretso na ako kaagad sa school after non.

Pangalawa ako sa magrereport, medyo maaga akong nakarating sa school. 30 minutes early than the said time. Mas maganda na 'yon para may time din ako magbasa at i-review ang ire-report ko sa subject na Taxonomy.

Kaysa mag-stay ako sa condo, I think it is way better to stop over thinking. Para hindi ko na maisip yung nangyari kagabi. Para akong masisiraan ng bait sa mga thoughts na walang tigil sa isip ko.

I need to focus dahil terror ang professor sa subject na ito. For her, everything should be done perfectly.

After 30 minutes of waiting, ilang minuto lang dumating na rin yung professor namin dala ang bag niya na Lacoste ang brand, kasama ng student teacher na may bitbit na laptop at projector.

Naunang nag-report si Andrea, I must say she exceeded our professor's expectation dahil nakangiti ito throughout her discussion. Halata rin naman na pinaghandaan niya 'yon dahil maganda ang presentation at nag prepare pa siya ng video para ipanood sa klase. Lalo tuloy akong kinabahan habang naririnig ang boses niya at kung paano siya puriin ng professor namin because she'd done it well.

Nakailang buntong hininga ako, nanlalamig ang kamay habang naglakas loob na maglakad sa unahan para i-prepare ang mga kailangan sa report ko. I must at least do better than what Andrea did, way better.

Nagpalakpakan ang lahat matapos 'kong maayos na nai-present ang report ko. Tumayo din sa upuan si Ms. Perez, bakas ang tuwa sa mga mata at ngiti niya. She gave me and Andrea a round of applause for doing great in her class.

Sa wakas, nakahinga din ako ng maluwag nang matapos ko ito. I prepared for this for two weeks. Sinigurado ko na magagawa ko ng ayos ang assigned topic sa'kin dahil ayokong mapahiya sa harap kapag nagkataon na pumalpak ako.

Nakabuti rin na ilang linggong hindi bumibisita si Mark sa condo dahil naka-focus ako sa mga dapat gawin ngayon linggo. Dahil kung palagi siyang nand'yan, I will be distracted and we will end-up making out in my place.

Naalala ko na naman siya.

This is the only subject we have for this day dahil buntis yung next professor at malapit nang manganak kaya absent, naka-leave. Nagsigawan ang ilan sa mga kaklase ko habang palabas ng room. Parang mga bata!

Andrea and I initiated to bring the projector and laptop to Ms. Perez's faculty room. Magaan lang naman 'yon at nakakahiya naman kung siya pa ang magbibitbit pabalik kung kami ang gumamit. Wala din kasi yung ST niya para sana siya ang magdala. May next subject daw na tinuturuan.

Nagpasalamat si Ms. Perez matapos naming mailapag ang mga gamit sa ibabaw ng table niya. Kaagad din kaming umalis, pinauna ko na si Andrea dahil may pupuntahan pa 'ko after this.

Hindi ako mapapakali hanggang hindi ko siya nakikita ngayong araw. Baka may nangyari nang masama doon.

I walked directly at Annex Building I kung saan madalas silang mag-practice ng basketball. Walang tao. May mga bola at other equipment na ginagamit nila for stretching pero wala kahit isang tao. I decided to go back pero pagkatalikod ko, I accidentally bumped to someone. Pagtingala ko ay si Line.

Prank Gone Wrong (Contract Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now