5th Paper

3.4K 90 7
                                    

5th Paper

What?

Hindi na kami nagpatumpik tumpik pa at kanya kanyang aral na ang ginagawa namin. Ngayong linggo na ang kinasusuklaman naming last hell week ng high school life namin. Hindi lang sa ayaw namin ng exams at pasahan ng maraming requirements kundi ayaw din naming matapos ang oras na 'to. Sure, we think college will be fun. But there is nothing more fun than being with them girls.

Mamayang dinner ay paguusapan na namin ni mama at magdedesisyon kung ano ba ang mangyayari sa akin sa kolehiyo. Kinakabahan ako dahil takot akong sabihin ang gusto kong mangyari. Gusto kong mag-Maynila pero tiyak akong hindi ako papayagan. Ang kawalan nila ng kasama ni Nil sa bahay ang lagi niyang katwiran. Labag man sa loob ko pero may parte rin sa sarili ko na ayaw humiwalay sa kanila.

"Iyang si Jesca, hindi ko 'yan pagma-Maynilain. Nasa ibang bansa na nga si Wilbur, mawawalan pa ba ako ng kasama?" Masayang naguusap sina mama at Tita Lai sa kusina nang bumaba ako.

Habang naghahain ako ay inihahanda ko na rin ang sarili ko sa kung anong pwedeng mapagusapan mamaya. I can still try and convince mama to let me go, but it wouldn't be too easy. Pakiramdam ko ngayon ay agad na akong pinagpapawisan kahit wala pa ako sa sitwasyon.

"MedTech ba ang kukunin ni Jesca? Bakit hindi mo paluwasin? Bibihira naman dito ang may magandang facilities na maipo-provide para sa gano'ng kurso, Ciela."

Napangiti ako sa sinabi ni Tita Lai. Nako, ang mag-inang iyon talaga ang nagbibigay sa akin ng ngiti. Balita ko ay pupunta rin mamaya rito si Drian dahil gusto ni Tita na sabay sabay na kaming maghapunan. Si Kuya Jarvy din yata ay pupunta pero hindi pa sigurado.

Dinala ni mama isa isa ang bowls ng ulam sa mesa habang ako ay naglalagay ng mga utensils sa tabi ng bawat plato. Nagprisinta na akong tawagin si Nil para makahinga sandali.

"I need a break from college talks!" Huminga ako nang malalim nang makarating ako sa sala. Nakatawa si Kuya Jarvy nang makita ko siya.

"Really? Hindi pa man nagsisimula ang college life mo kailangan mo na kaagad ng break? Oh, c'mon Jesca!" Itinaas niya ang kamay niya para sa aming usual high five.

"Palibhasa kasi wala ka ng problema. Sunduin ko lang si Nil sa taas, nasa dining area na sila." Sumuntok ako ng mahina sa tyan ni Kuya Jarvy bago tumaas.

Wala nang katok katok ang nangyari bago ako pumasok sa kwarto ni Nil. Naabutan ko siyang naggagawa ng homework niya sa kama. Aba, himala!

Humiga ako sa parte ng kama niya kung saang walang gamit. Ilang minuto pa ay pinagsisipa na ako ng magaling kong kapatid.

"Oy, Nil. Kakain na, bumaba ka na!" Sabi ko matapos ko siyang paulanan ng suway.

"I'll be down in a minute."

Ginulo ko ang buhok niya dahil sa pagi-ingles niya.

"Galing ah! Manang mana sa magandang ate!" Akma pa sanang hahalikan ko siya sa pisnge pero sa kamay niya dumapo ang labi ko.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon