Chapter 47

171 3 0
                                    

Anne's POV

"Akin na! Wag ka ngang epal!" Inis na sigaw ni Tyler habang inaagaw ang phone nya kay Theo.

"Hey Cutiepie, I like you since the day I saw you in the park, please meet me there at 12 midnight, let's watch fireworks together. PS: Don't tell to your boyfriend." Malakas na pag-basa ni Theo sa screen ng phone ni Tyler habang nakalagay ang palad sa mukha ni Tyler.

Napa-iling-iling nalang ako nang tumawa sila Aiken.

"Trip pala neto may boyfriend, e! Eww mang-aagaw!" Mataray na saad ni Trixie na sya namang ikina-nguso ni Tyler

"ANG PANGIT MO- ARAY! PUT-"

"One more noise, Tyler. I will rip your tongue out." Mahinahon pero seryosong saad ni Ezekiel saka binalik ang paningin sa halaman na katabi nya.

Napa-nguso nalang si Tyler at hinimas nalang ang pisngi nya na tinamaan ng unan na binato sakanya ni Ezekiel.

Grabe talaga si Ezekiel. Nakakatakot sya. Tahimik syang tao, kapag nag-sasalita naman mahinahon. Mahinahon yun para saming kilala sya pero pag sa ibang tao, it's serious and full of authority. Kapag naman sumigaw na sya parang pumapasok sa kaloob-looban ng katawan mo and it will sent chills down to your spine that can make you shiver.

I remember when I first met him... I was just a kid back then. He gave me cold stares that made my knees trembled. His cold eyes and emotionless face gives me fears. I thought he's a kid monster.

When I heard him spoke for the first time just confirmed that he's really a kid monster. It's cold, matured and full of authority. Feels like he's just a pretend kid. Pakiramdam ko kasi he's not in my age.

Na surprise nga ako ng malala nung nakita ko sila ni Estella. The way he talks to her is just shocking. It's sweet and happy. Para bang lahat ng makakanood sakanila ay ititigil ang mga sari-sariling ginagawa para lang panoorin silang dalawa. Ezekiel is like a normal kid, ngumingiti and tumatawa kahit mahina lang, at iba rin ang boses nya noon, walang bakas na coldness and authority. Mahinahon yun but maliit katulad ng mga normal na bata.

We're friends for years but I'm aware that Estella is special to him. Lahat ng lagi nyang ginagawa kay Estella ay hindi naman nya laging ginagawa samin, yung iba nga ay kay Estella lang talaga nya ginagawa.

Pero syempre manhid at eengot-engot itong Estella namin, akala nya normal lang yun. Hindi nya napapansin na binibigyan sya ng special treatment ni Ezekiel since mga bata palang kami.

I took a glance on the girl that peacefully sleeping.

"Hey, Sweetie. Magiging okay din sya. Alam mo namang matibay pa yan sa matibay!" Biro ni Aiken.

Pinunasan ko ang pisngi ko ng may tumulong luha mula sa mga mata ko.

"Wag mo nga akong tawaging Sweetie, kadiri!" Pagtataray ko kay Aiken na syang ikina-tawa nya.

Umirap nalang ako. Kung ano ano kasing tinatawag nya sakin! Halatang hindi loyal ang Ungas!

Muli kong nilingon si Estella. Namumutla sya at hindi pa rin nagigising.

Tuwing iniisip ko na muntik na syang mawala samin, para akong paulit-ulit na tinatamaan ng gawa sa yelong palaso ng pana.

Yun nga lang pananakit ni Alessandro sa kaibigan namin, hindi na namin matanggap lalo't wala kaming magawa. Yun pa kayang mawala sya ng tuluyan samin? Hindi pwede. Sakanya kami nag-umpisang lahat, marami na kaming pinagsamahan. Para kaming mawawalan ng isang paa kapag nawala si Estella o kung sino man samin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Where stories live. Discover now