Chapter 30

114 2 0
                                    

ESTELLA'S POV

SUNDAY!

Natatawa ako kapag naalala kong iniiwasan ako ni Alessandro dahil sa kahihiyan ginawa nya, bakit nga daw kasi nya ako niyakap? Hahaha

Matapos kong maligo ay nag black sports bra, jeans and brown blazer ako. Sinuot ko na ang shoulder bag ko at nag sunglasses na rin.

Huli kong ginawa ay pagb-blower ng buhok bago ako lumabas ng kwarto. Sakto namang pag-labas ko sya ring labas ng lalaki sa pinto sa kwarto nya.

"Sandro!" Naka-ngiting tawag ko pero umiwas sya nang tingin. Tumakbo ako papunta sakanya bago pa sya makababa ng hagdan.

"What now, Estella?" He sighed.

"Wala kang pasok?" Naka-ngiting tanong ko pero hindi parin nya ako nilingon.

"Ano sa tingin mo?" Tanong nito.

"Sungit mo naman. Bihis ka, may lakad kami. Sama kita! Masaya dun!" Ang energetic ko grabe!

"Kayo nalang-"

"Bawal tumanggi!" Pinihit ko sya paharap sa pinto nya at naglakad habang nakahawak sa likod nya kaya napilitan syang humakbang. Binuksan ko yung pinto ng kwarto nya at tinulak sya papasok dun saka naka-ngiting sinara yung pinto.

Mahigit trenta minutos ay lumabas na ulit si Alessandro. He's wearing black cargo pants and black oversized T-shirt.

"What?!" Iritadong tanong nito ng mapansing tinitignan ko ang kabuoan nya.

Napahawak ako sa chin ko saka hinubad ang sunglasses ko at marahang sinuot sakanya. Pumalakpak ako pag-tapos.

"Yan! Bagay!" Masaya kong sambit na ikina-ismid nya. Hinawakan ko nalang ang kamay nya at hinila pababa ng hagdan. Lumabas na rin kami ng bahay at dumeretso sa kotse nya.

Ilang minuto ay nakarating kami sa mall at sya namang salubong samin ng mga kaibigan ko.

"Bat kasama mo yan?" Masungit na tanong ni Aiken. Bumuntong hininga si Alessandro at nang tinalikuran kami ay agad ko rin syang hinila dahilan para tumigil sya.

"Kasama ko sya, problema?" Taas noong sambit ko.

"Estella." Mariing bulong ni Alessandro.

"What on earth are you doing, Estella? You know naman na hindi kami goods dyan!" Sambit ni Kiesha at umirap.

Lumapit naman si Tyler at biglang umakbay kay Alessandro na syang ikinalayo ng ulo ni Alessandro sakanya.

"Wag na nga kayong maraming sinasabi, tara na!" Sabi ni Tyler at bumitaw kay Alessandro at naunang mag-lakad.

Nice one AB. Tyler!

Hinila ko na si Alessandro, hindi sya pumalag pero rinig ko ang pabulong na pag-mumura nito.

"Tara, bowling!" Aya ni Tyler kaya tinanguhan nalang namin.

Si Ezekiel ang unang humawak ng bowling ball.

"Magaling yan si Ezekiel." Bulong ko kay Alessandro habang nakatingin kay Ezekiel.

"I didn't ask!" Giit nito.

Sungit!

Pinagulong na ni Ezekiel ang bola. Sumigaw ang mga kaibigan ko ng walang matirang bowling pin.

Maliit na ngumiti si Ezekiel at lumapit samin. Inapiran ko naman agad ito na syang ikina-tawa nya ng mahina.

"Hey, Alessandro? Why don't you try?" Nakangising sabi ni Theo kaya sinamaan ko sya nang tingin.

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Where stories live. Discover now