Chapter 38

62 3 0
                                    

ESTELLA'S POV

Nandito ako ngayon sa isang restaurant kasama ang mga kaibigan ko.

"Hindi mo parin talaga pinapansin si Alessandro, 'no?" Biglang saad ni Tyler at parang batang hiningop ang spaghetti.

"Hoy, papansin ka ba?! Kita mong hindi na nga nya inaalala!" Singhal ni Trixie saka kinutongan si Tyler na syang ikina-daing nya. Mangiyak-ngiyak naman nyang tinignan ng masama si Trixie.

Napa-buntong hininga nalang ako saka kumain ng sushi.

"Estella." Napa-lingon ako kay Ezekiel nang tawagin ako nito.

"Ilayo mo nga saakin ang green na lugaw na yan!" Inis kong turan nang ilapit nya sakin ang bowl na may spring risotto raw!

"Estella-"

"Hindi mo ako mapipilit!" Putol ko sa sasabihin nya habang salubong ang dalawang kilay ko. Napa-buntong hininga nalang sya.

Umorder din sya ng lugaw na green dati tapos gusto nya ibigay sakin e ang weird nga ng itsura! Kung gusto nya kumain non, sya nalang ano!

"Sige na, kainin mo na, Estella! Si Ezekiel kaya ang mag-babayad ng bill!" Puna ni Anne.

"Edi ikaw kumain! Sige kakainin ko kapag kinain mo!" Tumayo ako at kinuha ang bowl ng green na lugaw saka inilagay yun sa tabi ng plato ni Anne.

Tinignan lang yun ni Anne at hindi man lang nag-abalang hawakan ang kutsara. Siniko nya ang katabi nya kaya napa-tigil sa pag subo si Aiken sa pagkain nya. "Kainin mo raw."

Mahina akong natawa dahil sa pag-pasa nya non kay Aiken.

Hinawakan ni Aiken ang kutsara at hinalo yun pero binitawan nya rin agad. "Malagkit, Mahal. Ayoko!" Umiling-iling si Aiken na parang bata.

"Sus, parang ayaw talaga sa malagkit." Biglang parinig ni Theo kaya nabato sya ng kutsara sa pisngi ni Fiona.

"Eww ka!" Nandidiring saad ni Fiona, tinawanan naman sya ni Kiesha.

"Hey." Nilingon kong muli si Ezekiel nang tawagin nya ako.

"Hmm?" Tanong ko saka sumubo ng sushi.

"Ang kalat mo kumain." Yun lang ang sinabi nya saka bumalik na sa pag-kain nya. Napa-nguso nalang ako. Mukhang hindi naman kasi yun yung sasabihin nya!

"Akala ko pa naman sasabihin mo na sakin kung pano gumawa ng banana ice cream." Naka-ngusong saad ko.

"Never." Yun lang ulit ang sinabi nya

Napaka damot talaga!

Nag-tatampo kong inalis ang paningin ko sakanya saka naka-ngusong kumain nalang.

Matapos namin lumabas sa restaurant ay napag-desisyonan namin na mag club.

7pm palang naman kaya pumayag na ako, 10 or 11 nalang ako uuwi. Sana naman ay wag na akong hintayin ni Alessandro!

Pag-pasok palang namin sa club ay agad na may naka-pukaw ng atensyon ko!

Malas!

"ALESSANDRO!" Biglang sigaw ni Tyler kaya napa-lingon samin si Alessandro at mga kaibigan nya!

Sobrang malas!

Ngumunot ang noo nya nang makita ako!

Pinaka malas!

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Where stories live. Discover now