Chapter 33

93 5 0
                                    

ESTELLA'S POV

Naka-nguso lang ako habang naka-tingin sa cp ko kung san andun ang mga kaibigan ko at dun pa sila nag talo-talo.

Hindi ko alam kung bakit pa sila tumawag e mag-kakasama naman sila, gusto lang ata nilang ipakita sakin ka-abnormalan nila nang ma-stress ako at lalong sumama ang pakiramdam ko.

Speaking of pakiramdam, uminom parin ako ng gamot kagabi. Wala naman talaga kasi akong plano! Hindi ko inintindi ang sinabi nya, hindi ako nag set ng alarm. Natulog nalang ako ng mahimbing. Pero sadyang kakaiba ang mood ng halimaw na yun at halos wasakin na ang pinto ng kwarto ko kagabi! Binulabog ang tulog ko, natunugan atang wala akong planong sundin sya, hmpk!

Feeling lonely ako ngayon, thankful ako kanina na nag video-call ang mga kaibigan ko, pero kanina lang yun, ngayon binabawi ko na!

"Estella, para kang pato dyan!" Puna ni AB. Tyler

"Ano ba? Wag mo nga akong pakelman!" Naka-ngusong turan ko. Hindi ko rin naman mapigilan lumabi dahil nakadapa ako at nakapatong ang chin ko sa unan. "ANG BORINGGG!"

"Mabait naman kami, gusto mo sunduin ka namin dyan?" Ani Anne. Inilingan ko nalang sya.

Pupunta ako mag-isa, pero first! Kailangan ko munang magpa-alam kay Alessandro the great monster!

Madali lang naman yun kasi nakuha ko naman na ang number nya kay Manang, sobrang tanggi pa nga nya kasi bilin daw sakanya ni Alessandro na wag na wag ibibigay sakin kahit bagyuhin pa ang bahay na 'to at tangayin ng tubig dahil sa tsunami! Pero no one can resist my charm biro lang kaya ayun, nasaakin parin ang huling halakhak HA HA HA!

"Hoy beh, katakot ka naman! Anong ngini-ngiti-ngiti mo riyan?!" Nabalik ako sa ulirat ng mag-salita si Fiona.

Epal, nag momoment ako e!

"Wala! Bye na, hintayin nyo nalang ako dyan!" Saad ko.

"Teka! May sakit ka pa hoy! Susunduin ka nalang namin!" Ani Trixie

Umiling ako saka tumayo sa kama ko. "Kaya ko, saka magpapa-alam pa ako ano! Babu!" Umalis na ako sa call saka inumpisahang maligo. Nang matapos naman ako ay nag sandong puti ako saka short na puti atsaka naman ako sumuot ng hoodie na pink.

Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan ang number na binigay sakin Manang.

Busy ata!

Antagal nya sumagot! Nang sagutin nya ang tawag ay ilang sigundong tahimik ang kabilang linya.

"Hello? Who's this?" Rinig ko ang iritadong boses ni Alessandro.

Lagot, mukhang busy nga!

"A-ano..." Humugot ako ng malalim na hininga "Sandro, si Estella 'to."

"What the hell?! San mo nakuha ang number ko?!" Shit, umiinit ata ang hangin kahit malayo sya. Halimaw talaga.

"Kay Manang-" Nagulat ako ng tumunog nang tumunog ang phone ko. Pinutol nya ang linya!

Bwisit na yun!

It-text ko palang sana sya kaso naunahan nya na ako.

From: Sandro🦖
Message: Don't try to call me again! I'll block your number now!

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon