Chapter 8

231 5 0
                                    

ESTELLA'S POV

"Hoy! Picnic 'to! Bat may alak?" Hinablot ni Fiona yung beer can ni Tyler na syang ikina-nguso nya.

We're here at the park.

"Wag kang kill joy, Fiona." Nakanguso parin si Tyler pero inirapan lang sya ni Fiona.

"Wag ka kasing makulit, Tyler. Pete's sake andito tayo para mag saya, walang alak alak." Anang Kiesha

"At andito rin tayo para mag PICNIC hindi para makipag yakapan ha." Mariin kong saad, napabitaw naman si Kiesha kay Theo.

"Hey, dude. There's an ice cream vendor right there." Turo ni Aiken.

"And?" Ezekiel.

"Go buy some ice cream, Ezekiel!" Ani Trixie habang naka-kunot ang noo

"Ayoko."

"Eze-"

"Stop. Ako na." Prisinta ko saka tumayo.

Malapit lang naman si Manong sa pwesto namin.

"Hi, Manong!" I glance at the cones. "Manong mag kano yung pinakamalaki?"

"Bente pesos, 'Ne."

Ngumiti naman ako. "Eight na tig-bente, Manong." Sabi ko kay Manong Vendor at sya naman ikinatango nito.

Kada tatlong matatapos nya ay pinupunta ko na agad sa pwesto namin at binibigay sakanila.

"Napaka ganda mong bata, siguro ay napaka swerte ng mapapangasawa mo." Napangiti ako ng mapait.

"Oo naman ho. ako lang ata yung malas sakanya." Pabulong kong saad sa huling linya at kumuha ng one thousand sa bag ko. "Here Manong, keep the change. Thankyou!" Saad ko bago naglakad papalayo.

"So Estella, kamusta sa mansion ng feeling Mafia?" Tanong ni Fiona at tumawa pa sya.

"Getting better. Hindi ko narin naman sya halos nakikita dahil madalas yun sa trabaho nya." Kibit-balikat ko at nagsimulang kainin ang Ice cream ko.

Kelan nga ba ako huling kumain ng ice cream?

"Mabuti naman kung ganon." Tyler said then pasimple syang nag labas ng beer can.

"Ano ba yan Tyler?! Sabing bawal nga e!" Natawa kami ng binato ni Trixie ng pakwan yung hawak na beer ni Tyler kaya nabitawan nya yun na syang ikinahaba muli ng nguso nya.

Tsk, tsk, tsk.

____________

"What if mawala ka bigla sa barkada, Trixie?" Inosenteng tanong ni Aiken at binuksan yung flat screen TV.

"What if may mapangasawa si Anne na mas gwapo at mabait sayo?" Balik ni Trixie kaya tinaliman sya nang tingin ni Aiken.

"Oo nga, Aiken. What if makahanap ako ng mas gwapo-"

"Anne!" Inis na suway nya kay Anne na ikinatawa namin.

"Tara nalang mag videoke!" Masayang saad ni Kiesha ng buksan ni Theo yung videoke.

"Hoy gabi na, baka mabulabog yung buong village" Iiling-iling na saad ko pero di nila ako pinansin.

Wow, mga feeling famous.

Nag labas sila ng beer kaya di nako tumutol. Gusto ko rin mag pakalasing, malimutan man lang na hindi ako pinili. Ay actually wala naman ako sa choices.

Nag umpisa na kami at habang tumatagal ay painit nang painit ang pakiramdam ko. Malamang, hindi man lang mga nag yelo. Dinaig pa mga broken hearted na seryosong nag lalasing tas may susundo sakanilang lalaki tas sasabihin. "Baby, that's enough. I'll take you home. You're already drunk." Wushuu, lason.

"Hoy! Kanino 'tong blank space ha?!" Sigaw ni Fiona sa mic.

Lasing na sya.

"Samin yan!" Agaw ni Theo sa mic na nasa kamay ni Fiona.

"Pwede naman kunin ng maayos, diba? Parang aagawan naman." Sungit ni Fiona.

"Nice to meet you, where you been? I could show you incredible things" Panimula ni Theo.

Aba, ano 'to?

"Hoy di ako na inform na may duet na mangyayari dito ah!" Sigaw ko sakanila.

"Oo nga, mga lason kayo!" Kunwaring naiiyak na sigaw ni Trixie.

"Magic, madness, heaven. Sin!" kanta ni Kiesha na nag sabay pa sila ni Theo sa last part

"Saw you there and I thought. Oh, My God! look at that face.
You look like, my next mistake." Kanta ni Theo at hinaplos pa ang mukha ni Kiesha.

Sige. Ang goal ko for this night ay mainggit sa gedli. Tama!

"Love's a game, wanna play?" Nakangising kanta ni Kiesha.

"WOOOHHHHH!" Sigawan namin

Tatango-tango naman si Theo habang nakangiti

"New money, suit and tie." Hinila ni Kiesha yung kwelyo ni Theo dahilan para mas umingay ang paligid "I can read you like a magazine."

"Ain't it funny rumors fly, and I know you heard about me. So hey, let's be friends."  Medyo nilapit ni Theo yung mukha nya kay Kiesha

"I'm dying to see how this one ends." Tinulak ni Kiesha yung dibdib ni Theo pero halos mapa O ang bibig ko ng higitin ni Theo ang Baywang ni Kiesha

"Grab your passport in my hand""

"I can make the bad guys good for a weekend.." Ngisi ulit ni Kiesha na ikina-ngiti ni Theo habang umiling-iling

"SO IT'S GONNA FOREVER!!" Sigaw na kanta namin.

Hays, malakas talaga chemistry ng dalawang yan.

"Shot mo." Inabot sakin ni Tyler yung chaser kay tinongga ko na yun.

Wooh! Aliw! Makapag ilang araw nga muna dito. Wala naman mag hahanap saken sa bahay.

"Shot!" Sigaw ni Tyler saka binigay ulet sakin yung chaser.

"Teka lang, nagkaka-duyaan na ah! Kakainom ko lang e!" Nguso ko, umiling-iling naman sya.

"Hindi kaya! Shot mo na oh!"

"Madaya ka! Kakainom ko nga lang, tanong mo pa kay Ezekiel!" Turo ko kaya Ezekiel, natatawa naman itong umiling-iling.

Lah, baliw!

"Dali na Estella-"

"Ilayo mo saken yan Tyler, kundi sasamain ka." Banta ko kaya labag sa loob nyang tinongga yung laman ng chaser.

Yan, mag dusa ka! Dadayain mo pa ako ah.

"KANINO 'TONG SULUTERA?" Sigaw ni Fiona sa mic, patungkol sa sunod na kanta sa videoke

"AKIN YAN!" Sigaw ko. Binato naman nya sakin yung mic

Bastos!

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Where stories live. Discover now