Chapter 7

245 4 0
                                    

ESTELLA'S POV

"Oh... I thought you don't want to eat?" He sarcastically asked.

I took a glance on my wrist watch and it's already 1 am.

"Lumayo ka sakin Alessandro." Malamig kong turan.

"What if I don't want to?" Nakangising tanong nya

"Edi sige, maupo ka sa harap ko at panoorin mo akong kumain." Nakangising tinuro ko yung upuan sa harap ko. Hindi naman sya nakagalaw sa kinatatayuan nya.

Sus, mahina.

"Atsaka ang sabi ko, hindi ako kakain ng pagkain na ipinahain mo kasi baka bumula ang bibig ko." Mariin akong sumubo.

Mas gugustuhin kong pagtiisan ang luto ko kesa kainin ang masasarap na pinaluto mo na hindi naman ako sigurado kung safe.

Saka mas ayaw ko naman kumain habang kaharap kayo ng pinakamamahal mong GIRLFRIEND

"Can you please just don't talk to me?"

Mahina talaga ang ulo nya. Akala ko ba 'Alessandro is smart and talented' sa Professor nya pa ng galing yun nung college ah?

Napaangat ako ng tingin sakanya. Napansin ko naman ang pasa nito sa mukha.

Hindi ako umimik na ikinabuntong hininga nya. "Just please stay away from-"

"Ay hala! Ano bang ginagawa ko? Nananahimik akong kumakain dito tas lalapit ka tas sasabihin mong layuan kita. Hibang kaba?" Nakangiwing tanong ko habang nakaturo sakanya ang tinidor na hawak ko.

"Just don't talk  and near me." Mariing saad nya saka tumalikod.

I won't.

Babalik na sya sa kwarto nila ni Ayumi diba?

Biglang nag init ang parehong gilid ng mata ko sa isiping yon.

"The fuck i care?!" I whispered pero traydor parin ang mga luha ko.

Siguro nga Alessandro, kahit magunaw ang mundo si Ayumi talaga ang hahanapin mo at hindi ako.

Tinapos ko na nag pagkain ko saka bumalik sa kwarto ko at nag pahinga.

Iwas dito

Iwas doon

Iwas

Iwas

Walang napansin

Walang pinapansin

Pareho silang anino sa paningin ko, makikita pero hindi kailangan pagtuunan nang pansin.

"Manang!" Abot tenga ang ngiting tawag ko kay Manang

"Oh, Hija? Bakit?"

"Alis ho ako, pag nakauwi na ho si Sandro galing sa work nya tapos KUNG sakaling itanong ako sainyo pakisabi natutulog ako sa kwarto." Ngiting saad ko, gumanti naman ng ngiti si Manang bago sumang-ayon sa gusto ko.

Umalis nako at ilang minuto lang ay nakarating na ako sa disco bar na pagiinuman namin ng mga kaibigan ko.

"Hard drinking ulet?" Tanong ni Aiken, patungkol sa alak na oorderin. Napatango-tango kami.

"Eyy, I missed this place!" Nakangiting sigaw ko, masyado narin kasing malakas ang tugtug sa paligid, hindi kami mag kakarinigan.

"Lagi kami dito, ikaw naman kasi ayaw mo sumama samin e!" Nguso ni Fiona.

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon