Chapter 43

59 2 0
                                    

ESTELLA'S POV

Naka-tingin lang ako kay Alessandro habang kumakain ng niluto nyang carbonara. Tinitignan nito ang itsura nya sa malaking salamin sa sala.

Naka-cargo pants si Alessandro at manipis na long sleeve polo. Naka-bukas rin ang dalawang butones nito. Naka shades pa, alam na agad kung san ang lakad.

Lakas maka-teenager!

Hindi ko na sya pinansin at kinain nalang ang pagkaing nasa harap ko habang naka-upo sa lamesa.

Pagkauwi ni Alessandro ay pinagluto nya ako. Ayoko naman kumain ng rice kaya carbonara nalang ang niluto nya. Tapos umakyat sya ng kwarto nya tapos bumaba ng ganyan ang itsura. Hindi nya sinabi kung anong meron at hindi rin ako nag-abalang mag tanong.

Narinig ko ang yabag ng paa patungo sakin. Maingay yun dahil sa suot nyang sapatos.

Hinalikan ako bigla ni Alessandro sa noo. "Pagkatapos mo, matulog kana, okay?" Malambing na aniya. Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkain ko. "Okay... Maaga pa naman para matulog..." Bawi nya nang mapansing hindi ako sang-ayon sa sinabi nya. "Don't worry about me, Baby... Maaga naman akong uuwi. You want something? Dadalhan kita." Malambing na turan nya ng hindi ko sya pansinin.

Gusto ko ng... mag bihis!

"Wala, Sandro. Okay lang ako." Sagot ko saka ininangat ang tingin sakanya at ngumiti.

Napa-buntong hininga sya, mukhang na s-stress na hindi malaman ang gusto ko.

Tagaaaal!!

"I'll go ahead." Nasabi nalang nya at muli akong hinalikan sa noo saka naglakad na paalis.

Tumayo ako at at sinundan sya nang tingin. Nang maka-labas ito sa pinto ay sya namang guhit ng ngiti sa mga labi ko.

Sumubo ako ng isa pa sa carbonara saka ako naglakad papunta sa hagdan dahil balak ko ng mag bihis.

Ang totoo, hinihintay ko lang syang umalis, mwehehe! Ano bang akala nya? Sya lang may lakad? Ang lagay, sya lang hapi hapi? 'Di uy!

_______________

"Andun sila!" Turo ni Tyler sa grupo ng mga lalaki na may mga kasama ring mga babae.

Tumango nalang kami at lumakad papasok ng club. Bahagya pang tumaas ang gilid ng labi ko habang naglalakad.

"Tyler, Pre!" Naka-ngiting kumaway samin si Tatchi, kinawayan naman sya pabalik ni Tyler. Lahat ng kasama ni Tatchi ay lumingon samin, pwera sa isang babae at isang lalaki na naghaharutan.

Kunot na kunot ang noo ng lalaki at halatang hindi natutuwa sa babae. Ang babae naman ay ngi-ngisi-ngisi sa lalaki at halatang tuwang-tuwa naman sa attitude nito.

Tuluyan na kaming nakalapit sa pwesto nila. Umapir si Tyler kay Tatchi na syang ikina-gulat ni Alessandro pag-tingin sakanila.

Dahan-dahan syang lumingon sa gawi kung saan kami naka-tayo ng mga kaibigan ko. Napa-cross arm nalang ako habang naka-taas ang isang kilay nang dumapo na sakin ang paningin nito.

Surprise!!

Nakita ko ang pag-taas baba ng adams apple nito at kahit hindi sya naka-dikit sa katabing babae ay umusog ito palayo.

"Upo kayo!" Naka-ngiting turan ni Leo.

Sinunod nalang namin sya at na-upo ako sa tapat ni Alessandro. Pabilog parin ang sofa at may mini-table sa gitna katulad nung una namin silang makasama sa table. Na-upo si Ezekiel sa tabi ko pero hindi ko sya pinansin. Nasa harap ko lang ang paningin ko.

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Where stories live. Discover now