Chapter 41

69 3 0
                                    

ESTELLA'S POV

Ako ngayon ang nag d-drive ng kotse ko. Pinaki-usapan ko nalang si Manong na wag sabihin sa Dad ko dahil baka batukan ako non ng hard.

Tumigil ako sa McDonald's drive thru para bumili ng pagkain na dadalhin ko kay Alessandro.

May kasalanan daw kasi ako sakanya dahil sa pagpapa-pasok ko sa KAIBIGAN ko sa bahay namin kahapon at kailangan ko RAW bumawi sakanya, tss.

Wala naman akong ideya kung pano ako babawi bukod sa pag-punta sa trabaho nya ngayong lunes at dalhan sya ng pagkain.

Nadamay pa sa kaartehan.

"Thankyou, Ma'am!" Masiglang bati ng crew sakin matapos nyang i-abot ang paper bag na may order ko

"Thankyou." Naka-ngiting turan ko saka nag drive na.

Mag aalas dose palang at hindi naman masyadong traffic kaya madali rin akong naka-punta sa Dawson's Company.

Maingat akong nag park saka ako lumabas ng kotse dala ang paper bag.

Nang maka-pasok ako sa building ay agad akong nag-tungo sa private elevator.

Naaalala ko si Leviathan! Sino ba namang makaka-limot sa mas bata sayo na pinagkamalan kang bata?! Tuwing sasakay ata ako sa private elevator na ito ay sya ang maalala ko. Dinaig pa trauma -,-

Bumukas ang elevator sa ika-pitong palapag at sya namang gulat ko ng pag-labas ko palang ay bumungad sakin si... Hindi ko matandaan ang pangalan nya! Yung babaeng pinsan ni Leviathan!

"Oh, I never thought I would see you again." Sarkastikong turan nito saka natawa.

Baliw.

"Andito ka pa pala? I thought sinesante kana." Takang saad ko.

Nung huling kita namin, narinig ko sabi ni Alessandro sakanya didn't I tell you to pack your things-kineme

"Anong sabi mo?!" Galit na tanong nito.

Ay shet, may naalala ako!

Naka-ngiti akong lumapit sakanya at dalawang beses syang sinampal na syang ikina-gulat nya.

Bago pa sya makapag-react ay tumakbo na agad ako paalis.

Ganti ko yun sa pag-sampal nya sakin! kwits na kami!

Hinihingal akong pumasok sa pinto ng opisina ni Alessandro at isinarado rin agad ang pinto.

Pag-tingin ko kay Alessandro ay naka-kunot ang noo nya habang naka-upo sa swivel chair nya at may kaharap na laptop. "Baby? What are you doing here?"

Kumunot ang noo ko dahil sa kung pano nya ako tawagin!

Anong bini-baby-baby mo dyan?!

Bago pa ako makapag-salita ay narinig ko na tumunog ang pinto na nasa likuran ko. "ARAY!"

"YOU BITCH!" Napa-angat ang tingin ko sa babaeng naka-sabunot sa buhok ko nang sigawan ako nito

Aray ko! Matatanggal ata ang buhok ko!

Mariin lang akong napa-pikit dahil sa higpit nang pag-hawak ng babaeng pinsan ni Leviathan sa buhok ko! Pero agad din akong napa-mulat ng may narinig akong humampas sa unahan ko. Pag-mulat ko ay bumungad sakin si Alessandro na madilim ang aura at naglalakad palapit samin!

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon