Chapter 15

233 4 0
                                    

ESTELLA'S POV

Maayus naman kami dito sa lamesa. Tanging mga batang pinsan lang ni Ezekiel ang maingay. Si Jessica naman ay nakaupo sa ibabaw ng lamesa. Salamat nalang at hindi dumadakma ng pagkain.

Tahimik kami. Oo, talaga.

"Ouch!" Daing ng lalaki. Malapit lang sya sakin kaya madali ko syang nasisipa. Ngayon lang sya dumaing, siguro sobrang lakas na ng sipa ko.

Tahimik lang kasi ang isang yan pero pag napapalingon sakin ay umiikot ang paningin. Sino bang di maasar? Ang pangit nya.

"Estella.." Mahinang saway ni Ezekiel.

Binelatan naman ako ni Mais kaya muli ko syang sinipa. Hindi na palihim.

"Tumigil na sabi!" Asar na saway ni Anne

Nilingon ko sya saka tinuro si Mais na mayabang. "Sya nauna!" Inis kong turan.

"Ikaw kasi Jonny, kumain ka nalang!" Masungit na saad ni Aiken.

Buti nga. Akala mo ba natatakot ako sa suway ni Ezekiel? Jonny Sin!

"Umayos na kayo, nasa harap kayo ng pagkain." Mahinang sabi ni Ezekiel kaya napairap nalang ako sa hangin.

Bat ba kasi kailangan ko mag adjust sa mais na yan? Tsk!

"Wiii, dito na ang airplane!" Parang tangang saad ni Tyler habang hawak ang kutsara na kunwareng nalipad.

"Kuya Tyler, ayoko na po. Busog na po ako." Reklamo ng lalaking pinsan ni Ezekiel.

"And he's not a baby anymore, he's a bigboy na kaya." Sabi ng kapatid ni Mais na kaninang humawak sa braso ko. Mukhang may galit sa pinsang lalaki.

Umiling-iling nalang ako at hindi sila pinansin. Nang matapos akong kumain ay dumeretso agad ako sa kwarto ko saka nag half bath.

"Hay, buhay..." Pabagsak akong humiga sa kama ko ng makabihis na ako ng pantulog. Hindi pa man nakakatagal sa pagkakahiga ay may kumatok na sa pinto ko.

Kakahiga ko lang oh, gusto ko ng matulog. Pagod kaya ako. Patulugin nyo naman ako!

Kahit nag rereklamo sa isipan ay pinili kong tumayo kahit wala namang ibang choice. Pag bukas ko ng pinto ay tumambad sakin si Avery na buhat si Jessica.

"Uhm-"

"Estella." Pinutol ko ang sasabihin nya, mukhang hindi kasi nya alam kung anong itatawag sakin.

"Ate Estella, pwede ho ba kami dito matulog ni Jessica?" Mahinang tanong nito.

Nginitian ko sya saka kinuha si Jessica sakanya.

"Sure, pasok ka." Saad ko

Ngumiti naman sya pabalik sakin saka pumasok sa loob ng kwarto ko kaya sinara ko na yung pinto. Umupo kami sa kama at ibinaba ko narin si Jessica sa kama ko. Malaki naman ang kama ko, so bakit ako magdadamot kay Avery? Besides, bukod sakin parang wala naman talaga syang pagpipilian.

Kahit hindi nya sabihin, alam kong ayaw sakanya ng mga pinsan nya. Masyado tahimik si Avery dito, siguro hindi sya komportable o sa bahay lang talaga nila sya mahilig mag salita. Nagmu-mukha tuloy syang weird sa mga pinsan nya.

Mukhang mahiyain din ang isang 'to kaya sakin lumapit imbis na sa isa sa mga kaibigan ko.

"Avery?" Tawag ko dito, nakikipaglaro lang sya kay Jessica.

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Where stories live. Discover now