Chapter 26

151 4 0
                                    

ESTELLA'S POV

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko saka pumunta sa kwarto ni Alessandro. Pag bukas ko ng pinto ay natutulog pa sya. Tumingin ako sa wall-clock at pasado ala-singko palang. Tahimik akong lumabas sa kwarto.

"Hey? Niña, right?" Lumapit ako sa maid. Nginitian nya ako saka tumango. "Please, kapag ayaw parin lumabas ni Alessandro, paki-dalhan nalang ng pagkain. Kapag hinanap ako paki-sabi umalis ako kasama ko mga kaibigan ko. Hindi ko sure kung kelan ako makakauwi." Bilin ko.

"Sige po, Ma'am..."

"Atsaka eto yung number ko, call me kung may importanteng bagay kang sasabihin." Sabi ko matapos ibigay sakanya ang calling card ko.

"Yes, Ma'am."

"Pasuyo ah? Salamat."

"Aye, aye, Ma'am! Ingat po!" Kinawayan ko sya pabalik ng kumaway sya matapos akong maglakad palabas ng bahay.

Pag dating ko sa gate ay nag bow sakin si Manong guard. "Magandang araw po, Ma'am. Hindi nyo ho ba gagamitin ang kotse nyo?" Tanong nya habang binubuksan ang gate.

"Hindi, Manong. Hinihintay po kasi ako ng mga kaibigan ko."

"Ah ganon po ba?" Tumango lang ako sakanya.

Nakangiti akong nagpaalam nang mabuksan na nya ang gate. Tumakbo ako sa malaking van na nakaparada sa tapat mismo ng gate. Bumukas yung pinto kaya madali nalang akong pumasok.

"Excited?" Natatawang tanong ni Fiona.

Umirap ako. "Ano ba kasing ka-abnormalan nanaman ang naiisip nyo at inaya nyo akong pumunta sa sakura ng madaling araw?"

"Sus, ayaw mo? Sige bumaba kana." Nangaasar na turan ni Anne.

Sus, pasalamat ka nasa tabi mo si Aiken, kundi nasapak na kita sa mata.

"Good morning." Lumingon ako sa nasa passenger seat.

"Uy, Good morning!" I greeted Ezekiel back with a sweet smile.

Hindi na ako nag taka nang makita ang family driver nila Ezekiel sa driver's seat. Sasakay kami ng eroplano at kailangan may mag uwi ng van.

Sino ba kasing masasamang kaluluwa sumapi sakanila at biglang nag-aya na pumunta sa japan na para bang trenta minutos lang ang oras papunta dun gamit ang sports car.

"Woooh! Sasakay na ulit tayo ng eroplano!" Masayang bulalas ni Tyler at mukhang sobrang excited, di man lang nabakasan ng inaantok.

Mahigit 20 minutes ang byahe papunta sa airport at nang makasakay na kami ng eroplano ay naupo ako sa tabi ni Trixie. Nasa gilid sya, gustong-gusto kasi pumwesto sa bintana. Uupo sana ako sa isa pang gilid dahil tatluhan yung upuan pero dahil nakita ko si Ezekiel sa likod ko, naupo nalang ako sa gitna. Umupo narin sya sa tabi ko.

Inilagay ko yung bag ko sa ilalim ng upuan sa harap namin. Mga backpack lang ang dala namin para sa mga pampalit namin. Ang sakin ay tatlong pampalit lang ang inilagay ko sa bag ko dahil hindi naman daw kami magtatagal dun. Yung phone ko nasa shoulder bag ko naman pati na credit card ko.

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon