Chapter 11

235 4 0
                                    

ESTELLA'S POV

MALI! Walang maganda! Hindi magandang desisyon 'to!

Pabagsak akong nahiga sa higaan, ganon din ang mga kaibigan ko sa tabi ko.

Tatlo! Tatlong bundok ang inakyat namin! sobrang tataas nga at inabot na kami ng gabi.

"Sana pala hindi nalang ako sumama!" Mangiyak-ngiyak na reklamo ni Tyler. Tinawanan nalang namin sya..

Kapagod!

Lumapit sakin si Ezekiel tapos inabutan ako ng tubig kaya napangiti ako. Kanina pa talaga ako nauuhaw

"Ay ano yan? Favoritism? Kaibigan mo rin naman kami, bakit si Estella lang?" Humawak si Fiona sa dibdib nya at umaktong nasasaktan.

Binelatan ko sila saka nilagok yung tubig.

"Sarap!" Binelatan ko ulet sila saka pinunasan ang bibig ko.

Kanya kanya silang sama nang tingin saka mga nagsitayuan para kumuha ng tubig.

Tinignan ko si Ezekiel nang maupo ito sa tabi ko. Hinawi nito ang buhok ko saka tumingin sakin na hindi ko na ikinataka.

Sanay na'ko sa ganyan ganyan ni Ezekiel, bata palang kami ganyan na talaga sya, kung makikita mo syang naglalakad magisa aakalain mong napakalonely nyang tao na ayaw ng kausap pero sobrang caring na kaibigan nyan.

"Ayus kalang?" Tanong nito gamit ang normal na tono nya ng pananalita. 'Mahinahon'

"Ako? Oo naman, pagod lang." Saad ko saka simpleng ngumiti, ngumiti naman sya ng matamis saka niyakap ako na mas ikinataka ko.

Yan, yan ang hindi ko alam kung ba't nya'ko niyakap e hindi naman ganon kalala ang lagay ko para isipin kong nagw-worry sya ng sobra.

"Ezekiel." Napabitaw si Ezekiel sakin ng may tumawag dito.

"M-Mom." Turan ng kaibigan ko at yumuko.

Sinulyap ko si Tita na kasalukuyan palang nakatingin sakin.

Jusko lord nakakatakot parin sya!

"Ezekiel, Apo!" May lumapit sa pwesto namin galing sa likod ni Tita. Isang babaeng halatang may edad na.

Ngayon ko lang sya nakita, baka sya yung Great-Grandmother ni Ezekiel?

"H-Hi, Lola..." Niyakap sya ng Lola nya kaya napayakap ito pabalik.

"Iyan ba ang Nobya mo? Nako ay napaka gandang bata" Mahinang Aniya

Sige po 'La, I'll pretend na hindi po kita narinig, hehehe!

"H-ho? N-no, Lola... She's my friend..." Bumitaw sila sa yakap, kamot batok naman si Ezekiel na lumingon sakin.

"Hi, Hija! Ako ang Lola ng batang ito sa tuhod!" Nakangiting sabi ni Lola at pinat-pat yung ulo ni Ezekiel.

Ang cute

"Hi, po... I'm Estella Cooper... Nice meeting you po." Makikipagkamay sana ako kaso niyakap nya agad ako

"Nice meeting you din, Apo!" Malambing na sabi ng Lola ni Ezekiel.

Hinagod nya ang likod ko bago ako bitawan saka itabi kay Ezekiel

"There! You look good together!" She said then immediately hugged us.

Haaay, parang hinihiling ko tuloy na sana may Lola rin ako

"Hello po, Good evening!" Bumitaw si Lola samin ng marinig nya ang boses ni Anne.

"Oh hello! Kayo ba ang mga kaibigan ni Ezekiel?"

"Ah opo, Lola!" Masiglang sabad ni A.B Tyler saka nila isa isang pinakilala ang sarili nila.

Naitikom ko ang bibig ko ng lumapit sa gawi namin ang Mommy ni Ezekiel.

"Hi, Estella." Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa

Grabe naman po ang pang h-head to toe nyo, Tita!

"Hello po, Good evening..." Nakangiting saad ko saka kunwareng nilingon sa likod ko yung mga kaibigan ko.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko at mariing pumikit saka muling humarap kay Tita at patay malisya syang tinignan.

Baka naman pwedeng magkabuhay yung kisami tapos lamunin si Tita— este ako!

"You look bothered—"

"Ay nako, hindi po, Tita! Nakakaenjoy po dito, kung alam nyo lang po!" Ngiting-ngiti kong putol sa sasabihin nya.

Pasimple kong kinagat ang ibaba kong labi saka patay malisyang ngumiti ng taasan nya ako ng isang kilay

Jusko, Tita! natatanggal pagod ko sayo, pati angas naglaho na!

"This is our house, kaya alam ko." Inismiran nya ako at tumalikod saka lumabas ng kwarto

Napanguso ako sa sinabi nya

Hindi ko naman inaangkin e!

"Sorry about that, kilala mo naman si Mommy... Mainitin dugo" Iiling-iling na saad ni Ezekiel saka naglakad papunta sa mga kaibigan namin na kasalukuyang kinakausap ngayon ni Lola

buti pinamanahan ni Lola ng ugali si Ezekiel, kaurat naman kasi kung na mana ni Ezekiel ugali ng nanay nya, edi pareho nalang kami laging magsisindakan?

Syempre kung na mana ni Ezekiel ugali ni Tita. Bilang isang masungit na dilag, hindi ako magpapatalo kay Ezekiel kung sakali, kahit sa maliliit na bagay pa

pero buti nalang talaga at hindi pinaglihi si Ezekiel sa sama ng loob dahil sobrang haba ng patience nya samin, maganda siguro pagaalaga ni Tito kay Tita nung pinagbubuntis si Ezekiel.

"Halina kayo't kumain, Padating na ang mga Pinsan at Tiyahin nitong si Ezekiel, sinusundon lang ng Lolo nyo" Aya samin ni Lola

Hindi na kami tumanggi dahil mula sa labas amoy na amoy namin ang mababangong pagkain!

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon