Chapter 6

236 4 0
                                    

HANZO DAWSON'S POV

"Mr. Cooper..." Ngayon lang ako nahiya ng ganto sa buong buhay ko. Ang galing ng anak mo, Alena.

"I'll trust my daughter. That's her decision pero oras na may mangyaring masama ULIT sa anak ko, pare-pareho ko kayong itatapon sa kulungan." Malamig na saad ng ama ni Estella at galit na binitawan ang kwelyo ko saka dumeretso papasok sa kotse nito.

"I swear, Alena.." I whispered

"Do what you need to do, Hun. Estella doesn't deserve this." She coldly said.

____________

"MOM?! AREN'T YOU GOING TO STOP YOUR HUSBAND?!" Alessandro yelled pagkatapos ko syang pagbuhatan ng kamay.

"AREN'T I GOING TO STOP YOUR DAD?" Mariing tanong ni Alena. Nagulat sya ng sampalin sya ng nanay nya. "AREN'T I GOING TO STOP YOUR DAD?! NILATIGO MO YUNG ASAWA MO, TAO KAPA BA?!" Halos maiyak si Alena I immediately hugged her.

Gulat naman tumingin samin si Alessandro. "I'm very disappointed on you, Alessandro. Hindi ka namin pinalaking ganyan." I seriously said, still trying to hold my emotions. Alessandro just nod his head.

Hindi kita pinalaking ganyan, Anak. Halos mapuno ng pasa ang buong likod ng batang Cooper.

"M-Mom."

"STOP CALLING ME MOM! YOU ARE NOT MY SON ANYMORE! WE'RE TRYING TO SAVE YOU FOR BEING POOR, ALESSANDRO BUT YOU DISAPPOINTED US! HINDI MO MAN LANG BA NAISIP NA BABAE AKO?! ANO SA TINGIN MO ANG MARARAMDAMAN KO KUNG GINAWA SAKIN NG DADDY MO YUNG GINAWA MO KAY ESTELLA?!" Muling napatungo si Alessandro ng muli syang sigawan ni Alena.

"P-please, Mom... Stop being like this-"

"Sige nga, anak! Anong mararamdaman mo kung latiguhin ko si Ayumi sa harap ni Estella while begging for her life?!" Hindi sya naka imik. "See?! Mabuti nalang mabait yung bata! Mabuti hindi ka nya pinakulong kahit pa halos patayin mo sya sa harap ng GIRLFRIEND MONG WALANG GINAWA KUNDI SULSULAN KA!"

"MOM!!"

"Baket, Alessandro?" Nabaling ang paningin nya sakin. "Tinuruan kaba namin maging ganyan?" Malamig kong tanong na muling ikina-tungo nya. "Naging ganyan ka lang simula nung mabarkada ka at makilala ang babaeng yon, Alessandro. Tingin mo ba pag wala ka ng pera didikitan ka pa ri  nya?"

"YES! BECAUSE SHE LOVES ME SO MUCH-"

"Siguraduhin mo." Bumuntong hininga si Alena "Malaki kana Alessandro, alam mo na ang tama at mali" Alena coldly said. "Simulan mo nang tumayo sa sarili mong paa dahil mula ngayon hindi kana makakakuha ng suporta samin, hindi ka narin makakapag-trabaho pa sa sariling kumpanya ng pamilya mo." Muling saad ni Alena bagay na ikina-gulat ni Alessandro. "Let's see if the golddigger will stay when there's no more gold to dig."

ESTELLA'S POV

Ilang araw lang ay pinauwi na 'ko agad ng doktor, bagay na pabor din sakin.

"Are you really sure about this? I told you, Estella ,you can stay in our house!" Arte ni Kiesha, nginitian ko lang sya.

Inalalayan nila akong bumaba sa van saka pumasok sa gate.

"Ma'am, okay ka lang po?" Tanong ni Manong Guard.

"Mukha ba syang okay?!" Inis na tanong ni Fiona kaya napatungo si Manong, napa iling-iling nalang naman ako.

Naging highblood ata sila simula nung tumungtong sila sa ospital.

Pag bukas ko ng pinto, deretso akong nag lakad. Napatingin naman ako kala Alessandro at Ayumi. Hindi ko na sana sila papansin at aakyat nalang sana sa kwarto ko kasama yung mga kaibigan ko pero napansin kong wala ng mga alahas ang umiiyak na si Ayumi.

"Pfft. What did you asked me again? Who's poor? Woah..." Nakangising akong umiling-iling.

"Now, you're literally poor. No joke!" Mapangasar na saad ni Kiesha na syang ikinahagulhol ni Ayumi.

"Pfft, Sensitive." Saad ni Anne saka tumawa.

"Girl, ang pangit nya nga umiyak!" Saad ni Fiona habang nakatingin sa kawawang aso na nakaupo nanaman sa kandungan ng magaling kong asawa.

"Agree!" Si Trixie.

"Tama na yan, tara na umakyat. Hayaan nyong damahin ng isang model ang maging mahirap." Nakangising saad ko saka humakbang na sa hagdan.

Kwinento sakin ni Tita yung ginawa nila kay Alessandro. Well, maybe that's good for him. Instant karma.

______________

Sabay sabay kaming napa lingon sa pinto ng may kumatok.

"Ano nanaman ba? Hindi pa man lang tayo nag iisang oras dito ah." Naiinis na bulong ko.

"It's either Alessandro or Ayumi." Saad ni Anne at nag bilang ng dalawang daliri.

"Ako na mag bubukas?" Si Theo.

"No, ako na. I'll punch his face if I see him standing in front of me." Malamig na turan ni Ezekiel na ikina Woah namin dahil we know Ezekiel and he's no fan of violence.

Pinanood naming mag lakad si Ezekiel at mag bukas ng pinto.

"Ma'am Estella, time to eat na daw po..."

"Wooh! Akala ko yung demonyo na e!" Natatawang saad ni Theo at kunwareng nakahinga ng maluwag.

What the fuck? Time to eat.. Seryoso? Ano ako bata?

"Sino may sabi?" Tanong ko sa maid.

"Si Sir Alessandro po-"

"Pakisabi sakanya DIRECTLY, na ayokong kumain ng pagkaing ipinahanda nya. kaya kong pakainin mag isa ang sarili ko. Baka mamaya mamalayan ko nalang na bumubula na bibig ko." Nakataas ang isang kilay kong sabad, napatango naman ang maid saka umalis.

"Bakit ba kasi hindi ka nalang mag file ng annulment?" Tanong ni Kiesha.

"I'm pretty sure, you heard what I've said to Ayumi. It still need 5 years to file an annulment since almost 2 years palang kami, and for what ba?"

"Para sayo, para sa sarili mo. Tutal sainyong dalawa sya naman talaga yung mas kailangan. Dapat nga sya mag habol e."

"Mag habol? Darating tayo dyan, Kiesha. Hindi nga lang ngayon."

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Where stories live. Discover now