Chapter 1

454 7 0
                                    

ESTELLA'S POV

"SANDROOO I'M HOME-" Napatigil ako sa pag sigaw nang matamaan ng mata ko ang babae at lalaki na nag lalampungan sa sofa dito sa living room.

Nakaupo pa si Ayumi sa kandungan ni Alessandro habang naghahalikan.

Umiba ako ng dereksyon tungo sa hagdan at nag tungo sa kwarto ko, saka ako umupo at binitawan ang mga pinamili ko.

"Tch. Sayang naman 'tong binili kong si Spiderman. Limited edition pa naman 'to." Patungkol ko sa laruang hawak ko na gustong gusto ni Alessandro. Pandagdag sa collection nya sa kwarto nya.

Napatayo ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ma'am Estella, pinapatawag po kayo ni Sir Alessandro." Nginitian ko lang yung katulong at nag bihis saka nag tungo sa baba.

"Oh?"

"Tch. We're hungry." malamig na turan ni Alessandro

"And?" Bored na tanong ko naman.

"Ipag-luto mo kami!" Saad ni Ayumi habang nakataas ang isang kilay.

Hindi na ako sumagot at dumeretso nalang sa kusina.

Anong silbi ng mga Maid kung ako rin pala ang papagawin at anong alam ko sa pag luluto? Goodness gracious.

"Hindi ka makakaluto Hija kung titignan mo lang ang kalan." Napanguso ako sa sinabi ni Manang.

"Eh Manang hindi naman po ako marunong mag luto e.." Nakangusong saad ko parin.

"Hayaan mo at tuturuan kita." Napangiti nalang ako sa sinabi ni Manang.

Manang isa kang life saver!

_____________

"Yuck! What kind of food is this?!" Halos mapa-ngiwi sa diri si Ayumi at idinura yung pagkain.

Tch. Sana nilagyan ko nalang yan ng lason para hindi ko na kailangan pagtiisan yang masama mong mukha!

Sinigang yung niluto namin ni Manang, gusto ko sanang turuan nya ako mag luto ng hipon kaso allergic nga pala si Alessandro sa shrimp.

Allergic pero yung laging naka dikit sakanya mukhang hipon na may lahing salabay.

"Oh Hijo? San ka pupunta?" Tanong ni Manang nang tumayo si Alessandro.

"I lost my appetite." Malamig na saad nya saka tuluyang umalis sa dining.

Sus aarte nyo! buti nga pinagluto pa kayo e.

Sumunod si Ayumi kay Alessandro at humawak sa braso nito. "You know what, babe? Let's just eat somewhere."

Half hipon, half higad.

"Yeah, let's go."

bago pa sila makaalis ay nakita ko ang pasimpleng ngisi ni Ayumi saakin, kahit wala syang sabihin alam kong gusto nya nanamang ipamukha sakin na sya ang panalo ngayong araw. actually hindi, araw araw pala.

Humaba ang nguso ko na syang ikinahalakhak ni Manang.

"Hay nako, Hija. Halina't tayo nalang ang kumain." Manang said kaya naupo nalang kami..

"Masarap naman ah." Nakakunot ang noo na saad ko nang matikaman ko ang niluto ko

"Shh, hayaan mo na at maarte lang talaga ang nobya ng asawa mo.." pabulong na saad ni Manang

"Ay Manang, agree.." sabay kaming natawa matapos kong sumang-ayon sakanya

Hay buhay... Pakiramdam ko ako pa ang kabit. Goodness.

_________

"ESTELLA!" Napatingin ako sa lamesa na may mga taong sumigaw sa pangalan ko.

"Hiiiii!" Agad akong nagmadaling pumunta sakanila habang hindi maitago ang abot tenga kong ngiti.

"Oh my god! Long time no see!" Saad ni Anne, bumeso ako sa kanilang lahat.

"Wala e, buhay may asawa." Kibit balikat ko.

"Ano? Kamusta na maging asawa ni Alessandro Dawson? Kaya pa ba?" Tanong ni Kiesha at ininom ang drinks nya.

"Kaya pa? Ewan, Sis. Grabe na 'tong sumpang 'to." Saad ko saka sumubo ng cake.

"Ouch, don't tell me hindi ka parin nakatikim ng heaven?" Natatawang tanong ni Fiona

"Anong heaven, bakla? Impyerno baka." Saad ni Trixie. Natatawa naman akong tumango-tango.

"Agree, Trix."

"Estella." Tawag sakin ni Ezekiel nilingon ko naman ito at tinaasan ng dalawang kilay. "San galing yang pasa mo?" Tinuro nya yung pasa ko sa balikat. Naka sando kasi ako kaya kitang kita.

"San pa ba, Pre?" Tanong ni Aiken kay Ezekiel.

"Never naman yan sinaktan ng daddy nya, prinsesang prinsesa kaya yan." Saad naman ni Theo.

"Kay Alessandro galing yan 'no? Oo o yes?" Tanong ni Tyler habang naka turo sakin. Nakangiti akong napailing-iling kaya napangiwi sila.

"Ano sa tingin mo?"

"Wow? Di mo pa birthday may pa regalo nanaman ah? Sweet talaga nya." Sarkastikong saad ni Trixie habang naka-kunot ang noo.

"Sira, anong pa birthday? Oras oras ko nga atang sinasalo kamao non." Iiling-iling na saad ko

"Yikes! Ayoko na talaga mag asawa!" Si Kiesha.

"Same Kiesha, same!" Si Anne. Halos bumagsak naman ang balikat ni Aiken at Theo kaya napahalakhak kami.

"Tara mall?" Aya ko.

"G ba! basta manlilibre ka!" Tsk. Mga buraot parin.

"Ano pa nga ba?"

MY EX-HUSBAND ALESSANDRO (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon