Chapter Seventy-four

982 28 1
                                    

Three Days before the incident..

Her Point of View.

"She's what?!"

I rolled my eyes. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Magiging ganito siya kapag sinabi ko sa kaniya lahat.

"Relax.. Riz. Makinig ka lang."

"You expect me to listen kung may ganito na palang nangyayari at ngayon mo lang sakin sinasabi?!"

"Rizalyn.. calm down okay? Ano ba naman 'tong Bridal Shower natin! Di niyo man lang ako sinabihan na Confession pala ito!"

"Kesa magdala tayo ng mga lalaki rito diba? At least may kakaiba sa gabing 'to! Hahahaha!"

I chuckled. Oh well.. malakas din talaga sense of humor ni Sirene. Ugh. Who would have thought na magiging kaibigan ko rin sila? Wala.. of course.

"So Carriuz and you.."

Tumango ako.

"It was part of the plan. Kailangan naming gawin iyon para maisip ni Lianna na may ginagawa kami behind Riz's back."

"That kiss.."

"Was just part of the plan. Mas totoo, mas maganda ang magiging reaction ni Riz. Minamanmanan ni Lianna ang bawat galaw niya. Kaya nang makabalik ako ng Pilipinas, Lianna visited me."

"And asked for your help?"

Si Agatha ang nagtanong. I twitched my lips.

"More like.. force me to be her ally. And so.. I did."

"I can't believe you Clariza!"

"Riz.. she needs to be caught. Para matigil na siya sa mga kahibangan niya!"

"At paano kung mapahamak ka?!"

"Hindi ako mapapahamak. Right Cali? Ven?"

"Yes. Everything was planned, Rizalyn. All we need to do is to do it."

"What do you mean do it? Do what?"

Litong lito na si Rizalyn at hindi alam ang gagawin.

"May plano si Lianna na sirain ang kasal ninyo. Pero I suggested another plan na kaagad niyang sinunggaban."

"What plan? Wala na akong maintindihan!"

Hysterical niyang sabi. Tumayo ako so that I could get their attention.

"Kikidnapin ka sa araw ng kasal niyo. Panigurado akong tauhan niya ang magiging driver ng bridal car mo. Hindi matutuloy ang kasal dahil kinidnap ka. Cali, Venus and Argo will be our eye outside. Sila na rin ang magpaplano kung paano mahuhuli si Lianna. We just have to do some acting."

"Paano? I don't think papayag ang parents niyo sa ideyang ito. Maraming mga bisita panigurado."

"As much as possible.. kailangan tayo lang ang mga nakakaalam. Maging ang pamilya namin at ni Carriuz ay hindi pwedeng makaalam. Para maging makatotohanan ang kasal at hindi mag-iisip si Lianna ng kahit ano."

"How sure are you na gagana ang plano mong 'to?"

Tumikhim si Venus at siya na ang sumagot sa tanong ni Rizalyn.

"Because Lianna is crazy and can easily be manipulated. Hindi niya alam ang realidad sa hindi and it's too hard for her to see the consequences and possibilities. Ganoon na kalala ang sakit niya sa utak."

"Oh my god.."

Hindi makapaniwalang sabi ni Agatha.

"Pero.. hindi ko hahayaan na ikaw ang kidnapin nila Riz."

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon