Chapter Twenty-five

970 24 0
                                    

His Point of View.

"Now you're visiting me on my office?"

Pinaningkitan niya ako ng mata and I just smirked. Niluwagan ko ang neck tie ko dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos. I really hate neck ties!

"Saan ka galing?"

I chuckled. Wow. What a question. I'm surprised.

"Sa bahay ko."

Maiksi kong sagot. Naupo ako sa swivel chair ko at nagsimulang isa-isahin ang mga papel na nasa mesa ko.

"Wala ka sa bahay natin! Buong weekend!"

Now, she's angry. Nilapag ko ang hawak kong mga papel at saka siya tinapunan ng tingin. She's furious, I can see that. I know how patient she is for the past months. Hindi siya nagsasalita o ni-confront ako sa mga napapansin niya. I know she's trying to be a good wife or at least a wife to me.

"That's why I said 'sa bahay ko'."

Padabog siyang naglakad palapit sa office table ko at tinukod niya ang dalawang kamay niya doon at masama akong tinignan.

"You invested at EBC! I saw you with her!"

Kumunot ang noo ko. Kaya pala lately, napapansin kong parang laging may nakasunod na kotse sakin kaya most of the time I'm using two to three cars lalo na kapag magkikita kami ni Clariza.

"May masama ba dun? I'm her investor. We just talked about business."

Kalmado kong sabi sa kaniya. She can't shake me with what she just saw. Actually, kahit yata isapubliko niya pa ang mga nakikita at nalalaman niya about us, I don't think kakabahan ako. I smirked.

"You're married! You are married to me, Carriuz Sarreignto!"

"Alam ko. Bakit mo ba sinasabi yan? Para maalala ko o maalala mo?"

"To warn you, Carriuz. Hindi mo alam ang kaya kong gawin!"

"It's sounds a threat not a warning. But.. I am not threatened."

"Hindi ako nagbibiro, Carriuz."

"Tingin mo ba nagbibiro ako?"

Tumayo ako at nilagay sa nagkabilang bulsa ang kamay ko. I sighed.

"Akeisha.. Akeisha.. Akeisha.. don't threatened me with your sloppy words."

Naglakad ako palapit sa kaniya at kita kitang ko ang galit sa mga mata niya at pagtitimpi. Ngumisi ako.

"Hindi mo alam ang kaya kong gawin."

"Tingin mo ba mananatiling nakatayo ang EBC kapag kumalat sa publiko na may relasyon kayo?!"

"May relasyon ba kami?"

Nagulat siya sa tanong kong iyon. I smirked.

"I told you.. don't threatened me with your sloppy words. Nakita mo lang kaming magkasama inisip mo na kaagad na may relasyon kami? Nagpapatawa ka ba?"

"At paano kapag napatunayan kong may relasyon nga kayo ha?! Alam ko Carriuz! Alam kong magkasama kayo sa Venesia Island! One of my friends saw you two!"

Tumango tango ako.

"Iyon lang ba? Dig more, Akeisha. Mas marami ka pang malalaman."

Ngumisi siya.

"At kapag nalaman ko na lahat, sisiguraduhin kong babagsak ang EBC!"

"That is.. if you'll have the guts to let everyone know that I don't love you and I never treated you as my wife. Your choice."

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon