Chapter Seven

1.7K 36 0
                                    

Her Point of View.

Nilapag ko ang dala kong traveling bag at isang maliit na maleta sa sahig na kulay puting tiles dito sa reception area ng Sarreign Hotel and Restaurant. Tinawagan na ako ni Direk B na naikuha niya na ako ng hotel room dito sa Sarreign Hotel at kailangan ko na lang kunin ang room key ko sa reception desk. Hindi kasi ako sumabay sa van nina Direk B dahil mas gusto kong dalhin ang sarili kong kotse at nauna ako sa kanila rito. Nandito ako ngayon sa Ilocos para sa isang photo shoot under Direk B. Kahit ba CEO ako ng EBC, nagtatrabaho pa rin ako bilang isang modelo. Si Direk B ay nakilala ko sa isang Fashion Show Event na naganap sa Dubai at kaagad siyang nagpakilala sakin. Nang malaman niyang nasa Pilipinas ako ay hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na kunin niya ako bilang modelo for her magazine cover. Matagal na namin itong napag-usapan at hindi ako tumanggi dahil mabait si Direk B. Hinarap ko ang babaeng receptionist at kita ko ang pagkamangha niya nang makita ako. I smiled at her.

"Good Morning Ma'am. How may I help you?"

Magiliw niyang sabi sakin.

"Hi Miss. Bernice Damian made a reservation room for Clariza Estebas. Kukunin ko sana ang room key."

Kaagad niyang ni-check ang computer para siguro hanapin ang reservation under Direk B's name. Napangiti siya nang siguro ay makita ito.

"Confirmed Ma'am. It's room 204, 10th floor."

May kung ano pa siyang pinindot doon at inabot sakin ang isang.. room card? Oh. So they're not using a room key? Wow. Bakit pa nga ba ako nagulat? Sarreign Hotel nga pala ito. Kinuha ko ang room card.

"I thought it's a room key. Room card na rin pala ang gamit dito."

She chuckled.

"Do you need help with your luggage, Ma'am? Pwede po ako magpatawa—"

"No need, Claire. Ako na tutulong sa kaniya."

Mabilis kong nilingon ang nagsalita at napanganga ako nang mapagsino ito. He's wearing a dark gray tshirt and khaki shorts. Tanging beach sandals lang ang suot niya. Nakalagay sa magkabilang bulsa ang kamay niya at mataman siyang nakatingin sakin.

"Sir Carriuz! Good Morning po!"

Gulat na gulat na sabi ng receptionist. Tumikhim ako.

"Uhm.. It's okay. Kaya ko naman bitbitin ito."

Nakangiti kong sabi. Kinuha ko na ang traveling bag at ang maliit na maleta pero agad itong kinuha sakin ni Carriuz.

"I'll help you. We are in the same floor. 10 hindi ba?"

Nag-aalangan akong tumango sa kaniya. Binalingan ko ng tingin ang Receptionist para magpasalamat at sumunod na ako kay Carriuz na ngayon ay naglalakad papuntang elevator.

"Are you stalking me?"

Basag niya sa katahimikan namin ng nandito na kami sa loob ng elevator. Kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng elevator.

"No. I'm here for a photo shoot."

Seryoso kong sabi. He chuckled kaya nilingon ko siya nang nagtataka.

"You're so serious. I'm just trying to annoy you. Epic fail pa yata."

I rolled my eyes at saka humalukipkip.

"Sa pagod yata kaya hindi ko mahimigan ang pang-aasar mo."

Mahinahon kong sabi sa kaniya. Because somewhat it's true. Pero the real reason is.. I am not here para asarin siya o ano pa man. Nandito ako to act as if hindi ko alam na nandito siya at nandito ako para sa photo shoot.

The Billionaire's MistressWhere stories live. Discover now