Chapter Thirty-nine

921 23 0
                                    

Her Point of View.

"Miss.. The meeting will start at 10 a.m. Ready na po ang room at nandoon na rin po ang board of members."

Tumango ako. Sinipat ko nang tingin ang relo ko at nakitang limang minuto na lang bago mag 10. Tumayo na ako at naglakad palabas ng opisina ko. Nakasunod lang sakin si Koraine. Pumasok ako ng Board meeting room at agad na nagsitayuan ang lahat to greet me. I smiled at them kahit ramdam ko ang kaba. I just look intimidating pero kung alam nila, ako 'tong naiintimidate sa kanila. Nagsimula na kaagad ang meeting. The meeting took two hours. Kaagad na lumapit sakin si Carriuz at nginitian ako.

"The presentation is good. If you need anything just tell me, Miss Estebas."

Nginitian ko siya.

"Thank you, Mr. Sarreignto. Ang akala ko ay hindi ka makakadalo ngayon dahil.. sa nababalitang you're spending your time with your wife?"

Ngumisi siya at saka marahang tumango.

"I have to. I'm surprised na pati iyan ay alam mo."

Tumawa ako.

"It's all over the news, Mr. Sarreignto."

"Right."

Hindi na humaba pa ang usapan namin at nagpaalam na ako na babalik na sa opisina ko at kaagad na pumayag si Carriuz dahil kailangan na rin niyang bumalik sa opisina niya. Marahas akong bumuntong hininga nang makaupo ako sa swivel chair ko.

"Miss.."

"Hmm.."

"Uhm.. I know this is a bit personal pero.."

Nagmulat ako ng mata at sinipat ko ng tingin si Koraine na tila nagdadalawang isip kung itutuloy niya ba ang sasabihin niya sakin o hindi.

"Just ask.."

Sabi ko sa kaniya. Marahan siyang tumango at saka inayos ang kaniyang tindig.

"Napansin ko lang po na tumigil na sa pangungulit si Mr. Sarreignto sa iyo at kanina po.. walang bahid ng inis o tampo ka po sa kaniya. Uhm.. Alam ko po kasi na—"

"Alam mo na patago kaming nagkikita ni Carriuz at madalas siyang bumisita at magpadala ng bulaklak sakin noon?"

Kinagat niya ang kaniyang labi at saka tumango. Ngumiti ako sa kaniya.

"We decided to end everything, Koraine. We are both adult. Sabihin na lang natin na ang pagiging shareholder niya ang dahilan kung bakit pinili kong mapalapit sa kaniya ngayon at ganoon din siya sakin. It's all about business."

"Oohh.. I'm sorry Miss.."

Umiling iling ako.

"You don't have to say sorry, Koraine. Besides, I never treat you as my secretary. You are a friend to me. Kaya hindi ko rin tinago ang anuman mula sayo."

Nag-aalangan siyang ngumiti sakin. I sighed.

"Alam mo? Gutom na ako. Kain tayo?"

Lumiwanag ang kaniyang mukha dahil sa sinabi ko kaya marahan akong natawa.

"Sige po. Mag-o-order po ako nang—"

"No. Sa Cafeteria na tayo kumain."

"Huh? Sigurado ka Miss?"

Tumango tango ako.

"Yes. Tara?"

"Sige po."

Is this really the cafeteria? Ang laki! Sobrang linis pa. Maraming tao pero dahil malaki ang space hindi siksikan. Maraming napasinghap at napatingin sa entrance nang makita akong pumasok. Nauna si Koraine at nakasunod lang ako. May ibang bumati sakin at nginitian ko sila at bumati rin. Ako ang pumili ng table namin at si Koraine naman ang pumila para kumuha ng pagkain. Nakita kong nilapitan siya ng isang crew sa cafeteria at nakita kong umiling si Koraine. Nang papunta kami rito sinabihan ko si Koraine na wag tatanggap ng special treatment dahil lang sa kasama niya ako. Alam ko naman kasing mangyayari ang ganito.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon