Chapter Forty-one

955 23 3
                                    

Her Point of View.

"That damn bitch!"

Ramdam ko pa rin ang sakit ng sampal sakin nang Clariza Estebas na yun! At hinding hindi ko palalampasin ang ginawa niya.

"It's your fault. Inakusahan mo ba naman nang walang sapat na pruweba? Kung hindi ka ba naman kasi tanga."

"Shut up! Alam kong siya ang babaeng yun! I won't buy her alibi! Siya yun!"

"Instead of being so threatened, why don't you just focus on your husband?"

"At ano?! Hahayaan ko na lang ang ginawa sakin ng babaeng yun?! Iyon ba?!"

Tumayo siya at humarap sa bintana.

"Ako na ang gaganti para sayo.. Akeisha. All you have to do is be a good wife to your husband. Hindi ba't dapat nga pinaghahandaan mo ang nalalapit na kaarawan ng kaniyang Ina?"

I rolled my eyes.

"Why don't we just kill her? Tutal nagawa naman nating patayin si Riza bakit hindi na lang pati siya?"

"She's doing fine. Hindi naman na kayo ginagambalang mag-asawa. Bakit ba takot na takot ka sa Clarizang yan?"

"Hindi siya si Riza. That's why."

"Your point is? Matapang siya? Malakas siya? Hahaha! Now you're being coward? Sa babaeng petite at anghel ang mukha?"

Inirapan ko siya at humalukipkip.

"I am not a coward. Baka ikaw? Dahil alam ko namang kaya hindi mo siya pinapakialaman dahil sa nararamdaman mo sa kaniya."

Pagak siyang tumawa.

"Anong klaseng nararamdaman ba? She's not Riza. Si Riza lang ang mahal ko."

"Talaga ba? Eh bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol sa kaniya sa simula pa lang ha?! Hindi sana tayo aabot sa ganito kung sinabi mo lang sakin na may kakambal pala si Riza!"

"Bakit? Dahil ipapapatay mo rin siya tulad nang ginawa mo kay Riza?"

"Oo! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pang-ta-traydor mo sakin!"

Umismid siya.

"Ikaw ang unang nag-traydor, Akeisha. Pinangako mo sakin na hinding hindi mo sasaktan si Riza. Kung alam ko lang na si Riza pala ang nakasakay sa kotseng yun, sana hindi na lang kita tinulungan!"

"Don't be so dramatic! Hindi bagay sayo. Riza is just your obssession. Hindi mo siya mahal."

"So you're telling me now na ang nararamdaman mo kay Carriuz ay isang tunay na pagmamahal? Huh! Nagpapatawa ka ba? You're a psychopath!"

"And you are too! Kung may kriminal man sating dalawa ngayon, ikaw yun! You killed your own brother para lang makuha ang posisyon niya! You're acting clean when the truth is you're dirty as fuck!"

Marahas niya akong hinawakan sa leeg at pahampas na sinandal sa pader. Ugh. This psycho!

"I did that for you! Lahat ginawa ko para lang marating mo ang posisyon na kinalalagyan mo ngayon! I even killed the real Rendez Heiress para sayo! Si Riza lang ang hiningi kong kapalit sa lahat ng ginawa ko para sayo pero hindi mo sakin binigay!"

"Na..sa...saktan ako Argo!"

"At mas masasaktan ka pa kapag may ginawa ka kay Clariza! I'm warning you, Akeisha. Don't touch her!"

Hinawakan ko ang leeg ko dahil pakiramdam ko hindi pa rin ako makahinga.

"Wag na wag niya lang tatangkaing agawin si Carriuz sakin then she'll be fine, Argo."

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon