Chapter One

3.2K 57 1
                                    

Her Point of View.

It's an elegant church wedding. Motiff pa lang ng kasal alam mo na kaagad na kilalang tao ang mag-iisang dibdib ngayonv araw. Marami rin ang mga Reporters sa labas hanggang dito sa loob. Maraming tao at halos hindi mapagsino ang mga dumalo. Tumaas ang kilay ko. The wedding is really happening huh? As if. Walang nakapansin sakin dahil sa halos magsiksikan ang mga tao dito sa loob ng simbahan. I am wearing a red long dress at may mahabang v-line cut sa harap. Yes. I look gorgeous, I know. But I am not here to gain attention but I just want to see the two persons who's getting married today. At dahil may katangkaran naman ako at nakasuot ako ng five inches, it's not that hard to see the two of them. Guess tapos na ang homily ni Father dahil nagpapalitan na ng vows ang dalawa. Tumaas ang kilay ko. Wala namang espesyal sa vows nila. They've said the same thing eh. Praktisadong praktisado. The man looked unhappy while the woman looks like she won a lottery. Tss. Hanggang ngayon isa pa rin talaga siyang martir!

When Father said that he may kissed the bride saka pa lang humarap ang lalaki at nakita ko ang paglaki ng mata niya nang magtama ang tingin naming dalawa. Well, this is not part of my plan. Ang sabi ko manunuod lang ako. I should get out of  here. Agad akong tumalikod at naglakad na palabas ng simbahan. Alam kong nakilala niya ang mukha ko pero sigurado akog mababaliw siya kakaisip kung kathang isip lang ba ako o totoo. Gusto kong tumawa ng malakas. Sige lang. Mabaliw ka lang. Mabaliw ka lang kakaisip Carriuz Sarreignto! Dahil mas babaliwin pa kita kapag talagang nag-krus na ang mga landas natin. For now, tatakutin muna kita at gigisingin ang natutulog mong konsensya!

I sipped my coffee habang ineenjoy ang pagbabasa ko sa librong hawak ko. Pagkagaling ko sa simbahan ay dumeretso ako sa Cafè na ito. Syempre nagpalit na rin ako ng damit. Sinadya ko lang suotin ang long dress na iyon para sa kasal nila. Of course! I should be happy diba? Yung parehong demonyo nagawang makapasok ng simbahan at nagpakasal pa. Tss. Sa kotse na rin ako nagpalit ng damit at binitbit ko ang libro na ito para may mabasa ako dito sa loob ng Cafè.

My phone ringed at tumaas ang kilay ko nang mapagsino ang tumatawag. I answered it and put the phone in my ear.

"Yeah?"

"Hindi mo naman ginulo ang kasal noh? Nag-aabang ako ng balita."

Pagak akong tumawa dahil sa sinabi niya.

"Lor, I will never ruin their wedding. Hindi magiging matagumpay ang plano ko kapag umeksena ako habang hindi pa sila kasal."

"Hmm.. Kungsabagay. Nasaan ka na pala? Nandito ako sa main branch ng EBC. Pupunta ka ba?"

"Wag na. Sa meeting na lang para mas formal."

"Okay. If you say so. Pero nasaan ka nga?"

I rolled my eyes kahit alam kong hindi naman niya makikita ito.

"Just a near Cafè dito. Pauwi na rin ako."

"Alrighty. Mag-iingat ka."

"Okay. You too. Bye."

"Byeee!"

I sighed. Nilapag ko ang phone ko sa mesa at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa. Nawala ang focus ko sa pagbabasa nang may naramdaman akong presensiya sa gilid ko. Tumigil ako sa pagbabasa at tinignan kung kaninong anino itong naaaninag ko. I looked up para mapagsino at isang pamilyar na mukha ang lumantad sakin. Hindi siya nagbago for the past nine years! Seriously? Kung may nagbago man sa kaniya.. iyon ay ang pananamit niya at may kulay na siya ngayon sa buhok!

"Ri-Riza?"

Napaawang ang bibig ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Come on Riza! Don't look at her as if kilala mo rin siya!

"I-I'm sorry. What? Do I know you?"

Naupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko at nakangiting tinignan ako. She's still the same. Feeling close.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon