Chapter Thirty-four

882 32 0
                                    

Her Point of View.

"Long time no see!"

Tumawa ako at saka ako kumaway sa kaniya. Agad akong naupo sa high chair at tinukod ang siko ko sa counter aisle.

"How are you, Dom?"

"Just fine. You're alone?"

Tumango ako.

"Busy lahat ng mga kaibigan ko. Lor just got back from masbate at mas ginustong matulog. So.. yeah. I am alone."

Natatawa kong sabi. Tumango tango siya.

"Drinks?"

"Rum, as usual."

"Wanna get drunk tonight?"

"Hmm.. pwede rin."

Napailing iling siya pero kaagad niya rin naman ginawa ang drinks ko at binigay niya sakin ng matapos. Nag-thank you ako at naging busy na siya sa iba pang customers. Napatingin ako sa dancefloor pero konti pa lang ang tao. May nag-set up ng stage kaya napakunot ako ng noo and I just realized na friday pala ngayon. May live band dito every friday night eh. Lor called me awhile ago para sabihin na nakabalik na sila from Masbate at bukas na lang daw kami mag-usap kung ano ang nangyari doon. After ko sa Cafè ni Cali ay dito ako dumeretso dahil hindi ko gustong umuwi nang maaga. Mararamdaman ko lang na mag-isa ako and I don't want that. Ayokong mag-isa. Niyaya ko sina Venus, Agatha at Sirene pero mukhang busy silang lahat. Walang nag-reply sakin maliban kay Venus na sinabing may gagawin daw siyang importante kaya hindi niya ako masasamahan. Ayos lang naman. Biglaan naman kasi ang pag-aya ko. Yung mga yun pa ba? Kailangan mag-plano ahead of time para maisingit sa schedules nila. Ganoon din naman ako pero madalas talaga bakante ako kapag gabi. Unless.. kasama ko si Carriuz. Right. Naisip ko na naman siya. Napailing ako. Domerio was still busy at ako naman ay nakikinig lang sa banda na kumakanta na sa ngayon. Lumapit sakin si Dom nang ako na lang ang naiwan sa bar counter.

"Another rum?"

"Yes please."

Nakangiti kong sabi. Humarap ako sa kaniya para panuorin ang ginagawa niya.

"Wala kang girlfriend?"

I asked. Siguro kasi pang-tatlong baso ko na ng rum 'to kaya medyo nawala na ang hiya ko. Ngumiti siya at saka umiling. Umismid ako.

"Wala? Di nga?"

Tumawa siya.

"Curious?"

"Of course! You're almost perfect, Dom. Hindi ako maniniwalang wala kang girlfriend! O'sige! Kahit fling?"

"Hmm.. fling? What do you mean by fling?"

He asked. Ngumuso ako. Hindi niya alam yun? Where is this guy all along?

"You're acting like in a relationship pero wala kayong label."

Tumaas ang isa niyang kilay.

"Just like fuck buddies?"

Inirapan ko siya.

"Magkaiba yun, Dom. Fuck buddies are just there for sex. Fling is somewhat more intimate."

"Oohh.. well.. I don't have one."

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"So.. fuck buddies lang?"

Tumawa siya kaya napanguso ako.

"What's funny?"

"You're drunk."

"Tipsy lang. Masyado kang advance."

Tumango siya and he twitched his lips.

"How about you? Nay boyfriend ka?"

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon