Chapter Thirty-seven

898 30 0
                                    

Her Point of View.

Humakbang ako paatras. He knew? All along he knew who I really am? Kailan pa? Paano?

"Alam kong ikaw 'yan Riza. Alam kong nagpapanggap ka para maghiganti dahil sa pagkamatay ng kakambal mo. Alam ko na iniwan ka ng mga magulang mo."

Mahinahon niyang sabi. Humakbang siya palapit sakin at ako naman ay humahakbang paatras. Nanginginig ang buo kong katawan.

"You're not hiding either. Rizalyn Clariza Estebas pa rin ang pangalan mo but you're just using your second name kaya iyon na ang tumatak sa mga taong nakakakilala sayo."

"The moment I saw you for the first time, alam kong ikaw 'yan. I just got confused dahil may mga bagay sayo na wala sa Riza na nakilala ko. But then, it didn't stop me from knowing the truth."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"I just want to protect you as Clariza. Pero hindi ko inakalang malalaman kong ikaw si Riza habang pino-protektahan kita."

"Ba-bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit hindi mo sinabi sakin na alam mo na? Bakit kailangan mo akong protektahan?"

Marahas na bumuntong hininga si Carriuz.

"I've waited for you to tell me the truth, Riza. And it's much easier to protect you."

"Protect me from what?!"

"Protect you from the people who wants you dead!"

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. Protect me from the people who wants me dead? Bakit? Sinu-sino naman ang mga yun?

Carriuz reached for my hand. Pilit kong gustong iwaksi ang kamay niya pero masyado siyang malakas.

"Riza.. kakampi mo ako hindi kaaway. I will never hurt you. Heck! I would even die for you!"

Masama ko siyang tinignan.

"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay akong kakambal ko! Tinext mo na magkita tayo at may susundo sakin! Pinilit ako ni Clariza na siya na ang pupunta! She died Carriuz! She died!"

Umiling-iling siya.

"I've waited for you. Hinintay kita sa ilog. Hindi kita tinext na may susundo sayo. I lost my phone, Riza. Naghintay ako."

"Bakit hindi ka pumunta nang malaman mong namatay ako? Bakit hindi mo ako hinanap kung ganun?!"

"I did. Pero hindi kita nakita. Sa loob ng siyam na taon, hinanap ko ang pwede mong paglibingan pero wala akong makita! Wala akong makita dahil hindi ka naman pala talaga patay."

"I can't believe you.. Ang daming tanong sa utak ko Carriuz!"

Tumango tango siya.

"I understand. I'll explain everything, Clariza. I'll explain everything once we get back to Manila. Please.. trust me."

"Sino ang may gustong patayin ako, Carriuz?"

Nag-aalala siyang tumingin sa mga mata ko. Niyakap niya ako at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Tila ba yung naipon kong pangungulila ay unti-unti nang napupunan dahil lamang sa mga yakap ni Carriuz.

"I still don't know kung sino pero may hinala na ako. Binalak ko talagang makasama ka dito sa Masbate dahil gusto kong sabihin sayo ang alam ko."

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. Malungkot siyang ngumiti sakin. Pinunasan niya ang mga luhang kumawala sa mga mata ko kaya napapikit ako.

"Not now. We need to rest. Sasabihin ko lahat pero wag ngayon. Magpahinga ka muna."

Tumingala ako. I wrapped my arms around his waist.

The Billionaire's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon