Chapter Six

1.7K 37 0
                                    

Her Point of View.

Hindi ako kaagad nakagalaw pagkapasok na pagkapasok ko sa aking opisina. Gulat na gulat pa rin ako sa nakikita ko. Kahit na mag-iisang linggo na ang ganitong bungad sakin kada pagpasok ko sa opisina ay hindi ko pa rin magawang masanay. Napalingon ako sa gawi ng opisina ni Koraine at iniluwa nito si Koraine na ngayon ay nakangiti sakin nang makahulugan. I sighed.

"Again?"

Tanong ko kay Koraine. Tumango siya sakin. Kinuha ko ang isang maliit na basket na punong-puno ng puting tulips. At hindi lang isang basket na maliliit kundi halos aabot ito ng benteng maliliit na basket ng puting tulips ang nagkalat dito sa opisina ko. I rolled my eyes sabay nang pagbuga ng hangin dahil nagsisimula na akong mairita sa mga bulaklak na ito. Ibinaba ko sa sahig muli ang maliit na basket at binalingan ng tingin si Koraine.

"Koraine, ipakuha mo ang mga bulaklak na ito at ipalagay sa lobby. Ipamigay sa bawat empleyado na uuwi mamayang hapon ang mga ito."

Tumango siya at ngumiti.

"Noted, Miss."

Umalis na siya sa harapan ko at lumabas ng opisina. Dahan dahan akong naglakad papunta sa aking swivel chair. Ipinatong ko sa aking mesa ang bitbit kong bag at kinuha mula roon ang cellphone ko. Napaupo ako sa swivel chair habang ni-dial ang number na nakasulat sa card na nakuha ko roon sa basket ng puting tulips na kinuha ko. Sa pangatlong ring ay sinagot ng kabilang linya ang tawag ko.

"Carriuz speaking."

Pormal niyang sabi sa kabilang linya na naging dahilan ng pagtaas ng isa kong kulay.

"So it's you? Mr. Sarreignto. May balak ka bang magpatayo ng flower shop sa dami nang pinapadala mong bulaklak sa opisina ko for more than a week already?"

Narinig ko ang kaniyang pagtawa.

"Did you like the flowers?"

Umirap ako kahit na alam kong hindi niya naman makikita ang pag-irap ko.

"What is it this time, Mr. Sarreignto?"

"You liked me but you still call me Mr. Sarreignto? You can call me Love, Babe, Honey, sweetheart at marami pang iba. Just not, Mr. Sarreignto. Papayag naman ako."

Napasinghap ako. Malapit nang buminggo sakin ang lalaking ito.

"Mr. Sarreignto, tulad ng sinabi ko sayo noon. I like you but I don't want to be your mistress."

"You're not my mistress. Gagawin kitang legal."

"Huh! Legal mistress, ganoon ba?"

Tumawa siya.

"Come on, Clariza.. Just one dinner date  and I'll stop sending you flowers."

Tumaas ang kilay ko.

"Mr. Sarreignto ipapaalala ko lang sayo hindi ako ang kakambal ko. Kung inaaya mo ako ng dinner date dahil sa—"

"It's not about Rizalyn. I said I like you and you said you like me too. What? After you told me that you like me, ayaw mo na sakin?"

"You're married."

Mariin kong sabi. Alam kong nagsisinungaling si Carriuz sa sinabi niyang gusto niya ako. The reason why he keeps bugging me is because iniisip niya talagang ako si Rizalyn. My private investigator told me na pinasusundan ako ni Carriuz at naghahanap siya ng impormasyon patungkol sakin. I am just lucky na ang kinuhang private investigator ni Carriuz ay sa agency na pinagtatrabahuan ng private investigator ko kaya namimislead niya ang ni-hire nitong private investigator. Nasa akin pa rin ang awa ng tadhana. Sa totoo lang plano ko naman talagang akitin si Carriuz at gamitin ang mukha ko para makuha ko ang loob niya at puso niya. Pero hindi ko magawang mag-take advantage sa ginagawa niya ngayon dahil ayaw kong mapalapit siya sakin habang iniisip niyang ako si Rizalyn. Dapat mahalin niya ako bilang si Clariza Estebas. That way, mas masisira at masasaktan ko sila ni Akeisha.

The Billionaire's MistressWhere stories live. Discover now