Chapter Thirty

995 24 2
                                    

Her Point of View.

"Wala na po byahe, Ma'am tsaka Sir. Sa laki ng alon ngayon, hindi na po babyahe ang mga bangka."

Halos manlumo ako sa sinabi ng lalaki. Pang limang tao na siyang tinanong ko kung makakabyahe pa kami pero puro hindi na ang sagot nila. Nag-ring ang phone ko at tila nabuhayan ako ng loob ng makita ang pangalan ni Venus. Kaagad ko itong sinagot.

"Ven!"

"Are you still in Isla Seryansa? We can't go there, Clariza! Ang laki ng alon. Wala nang byahe papunta diyan!"

"Shit."

Ang tangi kong nasabi nang marinig ang sinabi ni Ven.

"Do you have money? Walang byahe by land going here and there."

"Unfortunately, wala ngang byahe by land." Nilingon ko si Carriuz. I sighed. "Carriuz is with me."

Tahimik lang sa kabilang linya. I waited for Venus to speak.

"Ven.."

"I wanna talk to him."

Nag-alangan pa ako pero inabot ko kay Carriuz ang phone ko.

"Ven wants to talk to you."

Kinuha niya ang phone ko at nilagay sa tenga niya.

"Yeah?"

Si Carriuz. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Venus pero kita kong hindi yata maganda dahil nakakunot ang noo ni Carriuz habang nakikinig lang sa sinasabi ni Ven.

"I'll take care of her. You don't have to tell me, Ven."

Eh? Ano pinag-uusapan nila.

"I can handle it. We'll be fine."

Binigay niya sakin ang phone ko.

"Ven.."

"You'll be fine. Bukas na kayo bumyahe. Ang sabi ng isang bangkero dito may mga room rental naman diyan lalo na at pista daw ngayon diyan."

"I.. I can't go back there?"

I heard her sighed.

"Yes. Bukas ng umaga pa kayo makakauwi kapag hindi na malalaki ang alon. May LPA daw kaya mataas ang alon."

"Shit."

"You'll be fine, Clariza. You're with him."

"Where's Agatha and Sirene?"

"We're here!"

Rinig kong sigaw ng dalawa sa kabilang linya. I chuckled. I feel at ease, at least.

"Update us, Clariza. Okay?"

"Clariza! Enjoy your date! Hahahaha!"

Napapikit ako. Damn. They're teasing me right now.

"Fine. Ingat kayo."

"You too. Bye!"

Nagpaalam na ako and I ended the call. Hinarap ko si Carriuz na nakahalukipkip at nakatingin lang sakin.

"This is your fault! Ang bagal mo kasing kumain!"

Ngumuso siya at tila ba nagpipigil ng tawa.

"May LPA lang kaya mataas na ang alon kahit hindi pa naman hapon. It's not my fault. It's still early."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala akong damit! Wala rin ako malaking perang dala!"

He sighed. He reached for my hand at saka niya ako hinila.

The Billionaire's MistressWhere stories live. Discover now