Chapter Fifty-four

758 31 1
                                    

Her Point of View.

I woke up because of sudden move. Agad akong bumangon nang mapagtantong nasa kwarto ako ng penthouse ni Carriuz and he's just beside me. Sinipat ko ang oras sa relo ko and it's just around 3:32am. Nilapat ko ang palad ko sa noo ni Carriuz na ngayon ay mahimbing na natutulog. I need to know if he's still burning hot. Napabuntong hininga ako ng mapagtantong wala na siyang lagnat. He's fine now. Sana lahat. Iwas na iwas akong magkalagnat dahil for some reason, medicines and cold water can't take my fever away. It would last for three days pa. Yeah. That long. Mabuti na lang hindi rin naman ako ang klase ng tao na sakitin at mabilis mahawaan ng sakit. Bumangon ako at dumeretso sa may closet ni Carriuz. I need to find something para makapagpalit ako. Hindi na ako nakapagpalit kanina pagkadating namin dito dahil inasikaso ko na siya kaagad. Maybe Carriuz should change his clothes too. Nabasa na yun ng pawis for sure. Nakakita ako ng mukhang oversized tshirt and a boxer. This will do for me. Wala akong nakitang pambabae and I don't expect him to have women clothes unless nambababae siya. Dumeretso ako ng banyo para magbihis. Natagalan ako sa banyo kaya nang lumabas ako ay napatalon ako dahil nakita ko si Carriuz na nakatayo na at nakatingin sa akin.

"You're awake.."

Pagwawalang bahala ko sa gulat na naramdaman ko.

"Nagulat ba kita?"

He asked. I chuckled at saka tumango tango bilang sagot. He smiled at me.

"Kailangan mo magpalit ng damit dahil natuyuan na ng pawis yan. You need to sleep again. It's still early."

Nakatitig lang siya sakin and he didn't say anything kaya nakaramdam ako ng kontinv hiya.

"I don't have clothes at.. nakita ko 'to."

He smirked.

"Yeah. You look good with that clothes on. I should probably buy some."

Tumawa ako. Now he's teasing me. Naglakad na ako palapit sa kaniya at naupo sa gilid ng kama at nakatitig pa rin siya sakin. I rolled my eyes.

"Oh please Carriuz! Magpalit ka na ng tshirt and stop staring at me!"

Pagak siyang tumawa habang naiiling. He's so weird. Hindi siya nagsalita ng kung ano at sinunod na lang ang sinabi ko. Nakita ko ang pagpasok niya sa banyo and that's when I decided na mahiga na sa kama niya and tried to sleep again dahil sa totoo lang inaantok pa ako ng sobra.

Kumunot ang noo ko nang maramdaman kong may kamay na nakapatong sa tiyan ko at may humahalik sa pisngi ko hanggang sa likod ko. Iminulat ko ang mata ko at napasinghap ako nang mapagtantong si Carriuz iyon. Nakatulog ako o nakaidlip lang? I don't know. Carriuz is still giving traces kisses from my cheeks to my neck at naipulupot ko na ang isa kong kamay sa batok niya.

"Carriuz.."

"Hmm.."

"What time is it? Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Tumigil siya sa paghalik sakin at inangat ang kaniyang mukha para magpantay ang mga tingin namin.

"Yeah. Thank you for taking care of me, Love."

Napangiti ako. I kissed him on his lips pero kaagad ko rin inilayo ang labi ko sa kaniya nang maramdaman kong umawang ang labi niya.

"You're welcome. What time is it?"

"6:22am. It's still early at wala ka namang pasok ngayon."

He said. Oo nga pala. Sunday ngayon. Balak ko sanang bisitahin sina Mama sa Tagaytay pero anong oras na rin kaya baka hindi ko na magawa.

"What are you thinking?"

"Nothing. Iniisip ko lang kung kakayanin ko pang bumyahe papunta ng Tagaytay para makita sina Mama at Papa."

The Billionaire's MistressWhere stories live. Discover now