Chapter Fifty-two

789 25 0
                                    

Her Point of View.

"Lor.."

Ngumiti siya at kaagad na naupo sa couch. Lumapit ako sa kaniya.

"Uhm..It's me Cl—"

"Clariza. Yes, you are. I'm sorry hindi ako nagpasabi na pupunta ako ngayon."

"You don't have to, Lor. This is yours."

"No. It is never mine. Kay Riza 'to. Pinatayo niya dahil.. sayo."

"Lor.."

Winagayway niya ang kaniyang kamay sa harap ko. Iminuwestra niya ang bakanteng couch sa harap niya at kaagad naman akong naupo. Nandoon pa rin ang ngiti niya habang pinagmamasdan ako.

"Bakit nga ba hindi ko napansin na ikaw yan at hindi si Riza? That slapped you did to Akeisha was already a hint."

Napalunok ako. Ngayon ko talaga pinagsisisihan na wala akong pasensya lalo na kay Akeisha. It's just so hard. Mabuting tao ako pero hindi kasing buti ni Riza. I can't just be like her. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga.

"I understand everything. I understand you decision to keep it from me. But.. my heart is still not healed."

"I understand Lor. And surely, Riza will understand."

"I am here to inform you that I will appoint Riza as R. Empress Clothing Line new CEO next week kasabay ng celebration ng anniversary ng REC."

"Napag-usapan niyo na ba 'to ni Riza?"

"No. That's why I am here to inform you. Please.. let her know."

"Lor.. you two should talk."

"We should really talk but.. not now. I'm planning to go to Paris after REC Anniversary. Matagal nang plano at dahil alam kong nasa maayos na kalagayan naman na si Riza, it's time to say goodbye."

"Sigurado akong hindi papayag si Riza na umalis ka, Lor."

"Alam niya ang plano kung 'to..she'll surely understand."

Hindi ako nakapagsalita. Dama ko ang pangamba at sigurado akong magiginv mahirap ito para kay Riza kapag nalaman niya.

"Ikaw ang naging pamilya ni Riza sa loob ng siyam na taon, Lor. You've been her shoulder, her strength. Ikaw ang pumilit sa kaniyang umusad at magpatuloy. Leaving her will break her whole self. She never lied to you Lor. At hindi niya rin plinano itago sayo ang totoo. I did.." Tinuro ko ang sarili ko. "Ako ang nagsabing wag na muna sabihin sayo ang totoo. Natakot ako Lor. Natakot ako para sa kakambal ko. She almost died! Binaril siya ng isang tauhan ni Akeisha ng nasa Masbate siya. Ayaw niyang itago sayo kahit ganoon na ang nangyari dahil pinagkakatiwalaan ka niya but I insist. I did."

"Alam ko. Believe me, Clariza.. masaya akong buhay ka. Masaya akong magkakasama na kayo. Masaya ako para kay Riza. That's why I want to leave..Having me here will just remind her of her dark past. I was one of those people who tried to harm her, Clariza. Pero dahil hindi ko magawa, kinupkop ko siya at itinago kay Akeisha."

Umawang ang bibig ko. Alam ko naman iyon at alam ni Riza iyom pero still.. hindi gugustuhin ni Riza na umalis si Lor. Lumipat si Lor sa kinauupuan ko at kaagad na ginagap ang palad ko. Nagtama ang aming mga tingin at ngumiti siya sakin.

"I have my own life too, Clariza. At wala iyon dito. Riza knew that my life isn't here and she will understand me. I've done my part. I'm done here. Besides, I will still visit this country. I'm still the Co-CEO of EBC."

Malungkot akong ngumiti sa kaniya at marahang tumango tango.

"I'll talk to her but please.. talk to her. She's waiting for you. Patiently waiting for you Lor. This might be too late to say but.. thank you for taking care of her for the past years. Thank you so much, Lor. Tatanawin kong malaking utang na loob iyon sayo."

The Billionaire's MistressWhere stories live. Discover now