Chapter 59: Nalilito

6.8K 260 25
                                    

MASAKIT ANG buong katawan ni Trinity nang magising siya kinabukasan. Binalak niyang magpahinga sana buong araw nang bigla niyang ma-realize na wala siya sa silid ni Rowan!

"Teka-!"

Para siyang sinabuyan nang asido nang maalala ang mainit na pag-angkin sa kaniya ni Henrik kagabi at kung paano niya nagustuhan bawat haplos at halik na binigay nito.

Kung paano napuno niya nang ungol ang buong kabahayan sa bawat pagsamba at pag-angkin nito sa kaniya. At kung paano nakalimutan niyang si Rowan ang mahal niya at hindi si Henrik!

"Si Rowan!"

Nang maisip ang asawa niyang iniwan niya kagabi para lang sugurin si Henrik dahil sa sobrang galit niya, nagmadali siya agad na bumaba sa kama para lang mahulog.

Nanlalanta ang kaniyang mga tuhod at walang lakas ang mga iyon. Masakit din ang balakang niya at lalo na sa parteng pribado ng kaniyang katawan.

Napansin din niyang madami siyang kissmark sa katawan at wala siyang saplot.

Oh my! Anong ginawa ko?!

"Good morning."

Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya nang dumako ito sa kama. Nando'n si Henrik at lantad ang malapad nitong katawan, tanging kumot lang ang nakatabing sa alaga nito na ngayon ay tayong-tayo na.

Biglang nag-init ang kaniyang magkabilang pisngi at mabilis na binawi ang tingin dito. Pinilit niyang tumayo para makaalis sa lugar na iyon pero kasingbilis ng kidlat ang naging kilos ni Henrik, nasa harapan niya na agad ito.

Muli siyang nagulat nung bumati sa kaniya ang malaki nitong alaga. Tayong-tayo ito!

Napalunok siya.

"Where are you going? I thought we'd made it clear that you're mine from now on?" Yumukod ito at marahang hinawakan ang kaniyang pisngi. "Now, look at me."

"You don't own me!" Winakli niya ang kamay nito.

"Really? Do you want me to claim your body again so you can swallow what you say, Trie?"

Hindi siya nakaimik. Ano pa nga ba ang pinaglalaban niya? Kasalanan niya rin naman kung bakit siya sumugod dito kagabi at pinagsasalitaan ito ng kung anu-ano. Natural na naubos niya ang pasensya ng lalaki at—

"G-gusto ko ng umuwi!"

"Hmm, yeah. Do you want me to carry you up to your house?"

"No!"

Marahan itong natawa. "Okay-okay, I'm joking, Karlëk. I'll let you say goodbye to your husband at home for the time being.
Obviously, I'm your real husband; that other is not, and we don't have a document stating that we are divorced. So, if I were you, hurry back to this house with our twins before I turn into a nightmare you don't want to happen. . ." Saka ito bumalik sa kama at padapang humiga ro'n. "Go, now!"

Nakahinga siya nang malalim. Para siyang kandilang nauupos sa boses at mga titig ni Henrik. Pero hindi na siya dapat magtagal pa rito. Kailangan niya nang umuwi! Alas-dyes na nang umaga at magtataka si Rowan nito, pati ang mga anak niya.

My god! Nang maalala niya si Eliam at Emmett, bigla siyang nagkaroon ng lakas na tumayo at nagpalit ng damit. Nakakahiya! Paano ako makakalabas nito ngayon sa bahay niya na tanging pantulog at roba ang suot?!

Pero bahala na!

Matapos makapagbihis ay mabilis siyang lumabas sa silid ni Henrik at tinungo ang hagdanan. Masakit ang buo niyang katawan pero ininda niya ito.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Where stories live. Discover now