Chapter 1 : Too Much

26.7K 571 20
                                    

Pigil ang luha at nakangiting hinarap ni Trinity si Henrik. Sa kaniyang mukha, walang mababakas na sakit. Para siyang isang dalagang binayayaan ng panahon sa gandang taglay niya na meron ngayon. Pero, hindi basihan ang kagandahan niya ngayon na tinatamasa para tuluyan pagtuunan ni Henrik ang kaniyang damdamin para rito.

Sa lalaki, isa lamang siyang babae. Walang espisyal. Walang pwedeng ipagmayabang. Isa lamang siyang babaeng pinagkaloob ang sarili sa binata na walang anuman katugon. Walang label. Wala siyang pinaghahawakan.

“Hey?”

“Hey!” bigla siyang nanumbalik sa reyalidad nang maalalang nasa harapan niya ang lalaking kay tagal niyang pinangarap. Lalaking kay tagal niyang inaasam-asam na pansinin siya at heto, nagkatotoo ang bagay na iyon. Pero bakit hindi siya masaya? Bakit hindi niya damang-dama ang salitang iyon?

“You look bothered,” puna nito at akmang aabutin ang kaniyang pisngi pero umiwas siya.

Agad siyang nagbaba ng tingin at umatras. Nagkunwari siyang tiningnan ang kaniyang cellphone na hawak at may natanggap na message mula sa kaibigan.

“Its Patricia!” masayang saad niya pero sa totoo wala siyang maramdamang saya. Wala rin siyang kilalang Patricia. “I'll give her a call first. Excuse me. Hmm?” nagkunwari siyang ilagay sa teynga ang kaniyang phone at may sinagot na tawag. Tuluyan siyang lumayo sa lalaki at nang makita nitong may kausap siya, pumasok na ito sa sarili nitong silid.

Saka lamang niya nagawang umiyak sa naramdaman sakit nung wala na ito sa paligid. Parang gripong nabuksan ang kaniyang mga luha dahil sunod-sunod sa pagpatak ang mga ito, na para bang nakipaghabulan sa kaniya.

Agad niyang pinunasan ang ebidensyang umiyak siya nang lumabas ulit si Henrik at sumulpot sa bukana ng kaniyang silid. Tulad pa rin ng dati, kung gaano niya ito kagusto simula nung high-school pa siya, mas lalong nagsusumigaw sa puso niya ang salitang kulang ang gusto para maiparating kay Henrik na mahal niya ito.

“Can I Invite you for dinner?”

Sandali siyang nag-isip. Kung pipiliin niyang magmukmok sa isa sa mga silid na nasa bahay na ito, mas lalo lamang siyang maiiyak. Kaya tumango siya at malambing na ngumiti rito.

“Good!” Ngumiti ito. “We'll be leaving by 7 tonight.” hindi na ito nag-abalang tingnan ang orasan nitong suot at agad ng tumalikod.

“Henrik, wait!” Humabol siya hanggang hallway.

Agad itong huminto at lumingon sa kaniya. “Hmm?”

“Nothing.” Ngumiti siya.

Tumango lang ito at deri-deritso ng pumasok sa loob ng silid nito. Habang siya ay nag-lock ng pintuan at deritsong tinungo ang malambot na higaan. Pasalampak niyang tinapon ang sarili ro'n. Nagiging manhid na yata siya. Pero bakit damang-dama niya ang sakit kung manhid na siya sakali?

Parang ulan na walang awa sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Sa nanlalabo niyang tingin dahil sa luhang ayaw magsitigil, pansin niyang may isang oras siya para maghanda. Imbes na lunurin ng tuluyan ang kaniyang sarili, mas pinili niyang tumayo at nagpunta sa shower room. Kailangan niyang maging magandang-maganda ngayon. Wala na ang dating bakas ng isang Trinity Williamson na babaeng matabang-mataba. Isa na siya ngayong babaeng mataas ang tingin sa sarili at kayang makipagsabayan sa lahat ng mga naggagandahang babae ngayon.

-

Nakasuot siya ng white elegant satin halter dress. Litaw na litaw ang kaniyang likuran at mahahabang legs. Nagmistula siyang diwata na kakababa lang sa kaniyang trono nung pumasok sila ni Henrik sa isang sikat na dining restaurant na pinangalanang Silver Garden.

Agad silang inasikaso ng waiter at tinuro sa kanila ang deriksyon kung saan sila pwedeng umupo. Habang siya ay tahimik lamang na naglalakad sa tabi ni Henrik at hawak siya sa braso.

Marami ang napalingon sa kanila, napatingin at humanga. Either sa kaniyang kagandahan o sa kakisigang taglay ng kasama niyang captain ng New Jersey Devils. Ang captain ng Ice Hockey.

“I don't know why they are looking at us. Maybe, they are fascinated by your beauty. But sorry for them, your beauty belongs to me.” pabulong na saad ni Henrik sa kaniya, sapat lang na makikiliti ang kaniyang puso sa sinabi nito.

Ngumiti lang siya ng matamis at hinilig ang ulo sa balikat nito. Parang dati lang, ang taas ng tingin niya sa binata. Parang dati lang, napupuno pa ang kaniyang silid sa mga larawan at jersey nito. Halos lahat ng laro nito, live or sa TV, pinapanood niya. Naging dying hard fan siya nito. Naging stalker minsan at natigil lang iyon nung pinadala na siya sa Australia para mag-aral.

“You okay?” untag nito sa kaniya nung makaupo sila.

“I am, of course.”

Tumango naman ito. “Kung masama ang pakiramdam mo, just tell me okay? So we could cancel this and maybe—”

“Shhh... Ano ba!” Natawa siya. “We're here. Ikaw yata 'tong hindi okay, eh.” pabirong anas niya.

“Me? Cʼmon. Alam mong sa tuwing nandiyan ka sa paligid, iba ang nararamdaman ko. You have this aura that makes everyone's happy. You make me happy.”

Ngumiti lamang siya ng matamis at hindi na muling sumagot pa sa sinabi ni Henrik. Alam niya iyon, sinabi na ito ni Henrik sa kaniya at paulit-ulit na sinasabi.

Tinawag niya ang waiter at hiningi ang menu. Agad siyang nagbukas at naghanap ng pagkaing makikisabay sa nararamdaman niyang sakit. Kasabay ng pagpayat at pagbago ng kaniyang katawan, ay ang pagsabay ng pagbago ng lahat. Natuto siya kung paano magtago ng nararamdaman sakit. Natuto siyang paano ngumiti kahit nasasaktan. Natuto siyang kontrolin ang bibig kahit gusto niyang magsalita. Natuto siyang maging tahimik sa isang tabi kahit ang dami niyang gustong sabihin. Maraming nagbago. Siya, nagbago.

Nag-order lang siya ng Sheet-Pan Potato Hash with Fixins at red wine. Isang dark chocolate sa kaniyang dessert habang si Henrik ay steak at wine.

Tahimik silang kumakain sa gabing iyon nang tumunog ang cellphone ng binata. Sandaling natigilan ito at tumingin sa kaniya. Ngumiti naman siya bilang tugon na okay lang sa kaniya kung sagutin nito ang tawag.

“Are you sure?”

“Yeah, why not? Who knows, if it's important?”

Tumango naman ito at kinuha ang phone sa bulsa ng suot nitong pantalon. Matagal itong napatitig sa screen at kung hindi pa siya nagsalita, hindi ito mababalik sa hwesyo.

“Sagutin mo na. Kanina pa 'yan ring nang ring, Henrik.” nakangiti pa rin siya.

“Yeah, yeah. Excuse me for awhile, ha?” Tumayo ito at sinagot ang tawag habang nakasunod ang kaniyang tingin dito.

Kaswal niyang binalik ang kaniyang tingin sa pagkain pero tuluyan na siyang nawalan ng gana. Pinilit na lamang niyang ubusin iyon dahil hindi sa namamahal siya sa presyo ng pagkain inorder niya, kundi ang isipin gusto niya ng matapos agad at para mauna ng umuwi. Aalis pa siya nito pagkatapos.

Tamang-tama na tapos na siya sa kaniyang pagkain nang dumating si Henrik. Napakunot ito nang tingnan siyang tapos na siya at ang dark chocolate cake na lang ang kaniyang kinakain.

“Tapos ka na?”

“Yeah.” Natawa siya sa reaksyon nito. “My Mom called me. Kailangan na akong umuwi.” sumulyap siya sa kaniyang relong suot. “At kailangan ko pa umabot sa flight, Henrik. Malayo ang Pinas sa Pensylvannia.”

“Do you want me to come?”

“No?” pabirong inirapan niya ito. “Anong gagawin mo sa'min? Your life is in here. You're the captain. But don't worry baby, babalik din ako agad dito. You know how addicted I am to you, right? Can't last even a day.” Natawa siya at gano'n din ito.

“Okay-okay, but you will promise to give me a call, ha?”

“Promise.”

Inabot naman nito ang kaniyang kamay at maingat na hinalikan iyon. Kung alam lang ni Henrik na hindi na siya babalik. Kung alam lang nito na  hindi sa Pinas ang deriksyon niya. Kung alam lang nito na ito na amg huling gabing magkakasama sila.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Where stories live. Discover now