Chapter 46: Wife

6.9K 263 66
                                    

Ilang beses na napahugot ng hangin si Henrik habang nakatitig sa kesame. Katabi niya sa kama si Misty na mahimbing pa rin na natutulog.

Damn it!

Napamura siya sa isip at bumangon. Hindi nagising ang babae, kaya malaya siyang nakaalis sa tabi nito.

Mali ito. Mali ito! Sobrang mali.

Dapat ay pinigilan niya ang babae. Dapat hindi siya nagpadala sa tuksong nilapit nito. Tsk!

Lumabas siya nang hotel room at nagtungo sa tabing-dagat. Pinagmasdan niya ang pag-sikat ng araw.

Hihingi siya ng tawad oras na magising si Misty. Hindi niya intesyon na gamitin ito o ano pa man. Gusto niya ang babae, pero hindi ibig sabihin nito ay mahal niya or mas hihigit pa sa gusto.

Misty is a liberated and care free woman.

Natural sa Pennsylvania ito. Nakikipag-sex ang mga tao sa oras na gusto nila. Sex for convenience. Sex for fun. Sex for nothing. Ganito ang estilo sa lugar ng Pittsburgh Pennsylvania. Liberated at carefree ng mga tao. Ang sex ay katumbas lang halik, binibigay sa daan, sa pub or club house, sa unang first date, sa unang kita. Walang halaga ang sex o kahit ilan pa ang naging katalik.

Kaya nagulat si Henrik nung unang nag-insist si Misty. Ang sabi ni Lianne, maria clara ang filipina at conservative pero ngayon aminado siyang hindi lahat. Naalala niyang lumaki sa America ang babae kaya liberated ito.

But still, it's his fault! No one to blame but him. Dapat pinigilan niya ang babae. Oh damn it! Nagkasala siya kay Trie.

Si Trie lang ang unang babaeng inangkin niya. Habulin siya ng mga babae noon pa dahil sa kaniyang gintong mata at maraming nakikiusap sa kaniyang angkinin ang mga ito, pero aloof siya sa mga babae.

Hanggang sa nahulog ang puso niya kay Lianne at nagtiis nang ilang taon sa babae, sa pag-aakalang mamahalin siya nito.

Saka dumating si Trinity na buong puso siyang pinagsisilbihan at minahal but what he did, huli niya na naisip na sobrang importante nito sa buhay niya. He lost the diamond while he was busy counting the stone.

He blame himself for that again. If only time could bring back everything, gagawin niya ito.

And now, Misty.

Another woman again. 

He likes her because she is with him. It makes him smile and laugh.

He. Likes. Her. Parang kapeng barako na nagustuhan niya agad sa unang amoy pa lang.

He. Likes. Her. Parang unang apak niya pa lang sa Pinas ay nagustuhan niya na agad ito.

He likes her, but it doesn't imply he fall in love with her right away. Pagmamay-ari ni Trie ang puso niya. Pangalan pa rin nito.

Kaya pa ba magmahal ulit ang puso niya? No. Hindi na yata. 

Habang magkahinang ang labi nilang dalawa kagabi, mukha at boses ni Trie ang kaniyang nakikita't naririnig.

Yeah, yeah.

Hindi dahilan ito para magpadala siya. Namimiss niya ang kaniyang asawa, ang mga ngiti nito, ang halik at ang mainit na pagmamahal na lagi nilang pinagsasaluhan sa kama.

Napamura siya nang malakas! He'll say sorry for everything to Misty, especially sa asawa niya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa dumako ang mga mata niya sa isang babaeng nakatayo sa kalayuan. Nakaharap ito sa araw na papalabas pa lang sa umagang iyon.

Nakasuot ang babae ng bulalaking bestida na hanggang tuhod. Ang mahabang buhok nitong may kakulutan at kulay itim ay marahang inalon-alon ng hangin. Napakaganda nitong tingnan.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Where stories live. Discover now