Chapter 41: Driving Me Insane

6.6K 275 36
                                    

Huling araw ng lamay ni Trinity, pero kung tatanungin si Henrik... Hindi niya alam kung makakaya niyang makita na tabunan ng lupa ang katawan nito mamaya sa burial service.

Nasa tabi niya lang si Lianne at ang anak nitong si Aerush Li, pinapakalma ang nagsasaktan niyang puso. Minsan ay kinakausap siya ni Zyd pero parang wala siya sa sarili, hindi siya makausap ng matino.

Pinayagan din siyang mawala nang dalawang linggo sa ice rink at buong Pennsylvania ay nakiramay sa pagkawala ng kaniyang asawa.

Kahapon lang ay dumalaw ang aguela at aguelo ni Trie pero kaagad din umalis dahil hindi kaya ng mga ito ang nasaksihan sakit. Nakiramay rin ang kaniyang pamilya at nalungkot ang mga ito sa nangyari lalo na ang kaniyang ama sa biglaan pagkawala ng asawa niya sa masakit na paraan.

Dalawa na lang ang hindi dumalaw at ito ay ang kapatid nitong si Serenity at ang ama nitong si Mr. Williamson.
Ang tanging nanatili ay siya, si Favio at ang kaibigan nitong si Amara. Hindi sila nag-uusap dalawa pero alam niyang malungkot ito sa pagkawala ng kaibigan nito.

Karlëk, tell me... T-tell me how I'm going to survive without you. Tell me how to live my life now that you're gone and I'm on my own. It's not fair that you left me. It's as if my entire universe has crumbled... and I have no idea how to fix it. Pumatak ang isang luha mula sa kaniyang mata pero dagli niya itong pinunasan.

"Bro." Tinapik siya ni Favio.

Hindi siya umimik. Nakaupo lang siya ngayon sa isang upuan paharap sa kabaong ni Trie. Nakatingin sa babaeng mahimbing lang na natutulog kasama ang anak nila sa loob ng tiyan.

"Bro, Trinity's father is here."

Sa pangalan binanggit nito, saka lang si Henrik parang natauhan. Kaagad siyang lumingon at nakita niya ang ama ni Trinity.

Nakatayo malapit sa may pintuan. Blangko ang mukha. Nagbalik siya nang tingin sa kabaong ni Trinity at marahan napabuntong-hinga.

Your father is here, karlëk...

Narinig niya ang pagtahimik nang mga taong nandoon kasabay ang marahan paghakbang ng mga paa ni Mr. Williamson papunta sa anak nito.

"T-trinity..."

Tumayo siya at sinalubong ito ng isang pakikipagkamay para ibigay rito ang kaniyang respito.

"I still find it difficult to imagine that I would ever see my daughter dead and lying in a coffin."

"Please accept my apologies, sir."

"I... I refused to believe what I had seen on the news since my d-daughter Trinity was talking to me in my office that morning. My brain was still reeling from what happened... To her."

Hindi siya dumugtong. Tumango lang siya at hinayaan ang matanda na magtungo sa harap ng anak nito.

At narinig niya ang malakas na iyak ni Mr. Williamson sa harap ng kabaong. Punong-puno ito nang pagsisisi ang boses kaya pinigilan ni Henrik ang sariling huwag madala sa lakas nang iyak ng matanda.

"I didn't know that was the l-last conversation we had... the last time I saw you alive, but what did I do as your father?" humagulhol na ito habang yakap ang patay na katawan ng anak. "I kept my heart hard out of bitterness and anger. Every time I become mad at you, I act as though you never existed. I regret not having expressed my love for you, Trinity, my daughter... and now I regret it all. I deeply regret everything... I am sorry..."

Kinalma ni Henrik ang sarili at nagtungo saglit sa restroom.

Bullshit!

Sinuntok niya nang malakas ang sementong dingding nang ilang beses hanggang sa dumugo iyon, kimkim ang boses kahit gustong-gusto niyang humiyaw, magwala, hanggang sa mawala itong sakit na kaniyang naramdaman.

I'm sorry, Trie, I'm sorry. Just like your Dad, I regret everything. Fuck! This pain, this pain is killing me karlëk... T-this pain...

Hanggang sa napagod siya sa pagpaparusa sa sariling kamay at tila sisiw na napaupo sa isang tabi. Niyakap ang sariling tuhod at doon umiyak nang walang ingay.

Sana isa na lang itong panaginip, na sa paggising niya kinabukasan ay maglalaho na dahil nasa reyalidad na siya. Sana hindi ito totoo, sana buhay pa ang asawa niya, sana nasa tabi niya ito... Sana nasa tabi siya ni Trinity.

Gusto pa sana niyang sabihin sa asawa na hindi na sila tutuloy sa New York  kundi sa Pinas ang punta nila. Hindi niya sinabi during call nilang dalawa dahil gusto ni Henrik na sa personal niya ito sasabihin. May nagrekomenda sa kaniya na magaling na surgeon, na kayang isalba ang buhay ng asawa niya at pati buhay ng anak niya. Pero huli na, inunahan siya ni Kamatayan.

Kinuha na nito ang dalawang mahalagang tao sa buhay niya. Hindi man lang siya binigyan nang pagkakataon na iligtas ang mga ito at bigyan nang masayang buhay kasama siya.

Kinuha nito ang babaeng natutunan niya nang mahalin. Ang babaeng nagturo sa kaniya kung paano kalimutan si Lianne sa puso niya. Ang babaeng sobrang espesyal sa kaniyang puso pero hindi niya nasabi rito. Pinaramdam niya lang pero puta! Ang dami pa nilang gagawin dalawa. Ang dami niya pang pangarap na gawin na kasama ito.

Kung masakit sa kaniya na makitang sumama sa ibang lalaki si Lianne imbes sa kaniya, mas masakit ito ngayon dahil ang lalaking sinamahan ng babaeng mahal niya ay si Kamatayan pa!

Damn it!

Parang gustong niyang sumama na rin sa kabilang-buhay at agawin ang babae. Ang sakit kasi! Durog na durog ang puso niya.

"Henrik? You're here?"

"Leave me alone, dupe." Ganting sagot niya kay Favio na ngayon ay kumatok.

"Mr. Williamson collapsed. I've already called an ambulance, and they're on their way."

"Okay, thank you for informing me. I hope he's okay."

"I hope you do as well."

Hindi sumagot si Henrik. Nanatili siyang gano'n ang sitwasyon, nakaupo sa sahig hanggang sa marinig niya ang yabag ni Favio papalayo. Saka siya tumayo, naghilamos at humarap sa salamin. Pulang-pula ang kaniyang mata at ilong pero nagsuot siya ng sunglasses para hindi makitang umiyak siya.

Tinungo niya ang pintuan at binuksan ito para lumabas. Nakita niya sa unahan si Lianne at ang anak nitong si Aerush Li, parang hinihintay siyang lumabas. Alam yata nitong umiyak siya sa loob.

"Daddy Henrik, don't cry na ha?"

Marahan siyang tumango nang sabihin ito ni Aerush at niyakap siya nang sobrang higpit.

"I'm... I'm not crying."

"Liar!"

"Hey, Aerush."

"Kasi Mommy, I hate seeing Daddy Henrik na umiiyak. I feel like crying t-too." At nagsimulang umiyak ito habang nakayakap sa kaniya.

Trie... Right now, I'm deeply affected. Please make it easier for me to understand that you are no longer here... Ang sakit! Damn it. I need your help, karlëk, the pain is driving me insane.


DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon