Chapter 27: Milk

7.4K 292 24
                                    

Masayang kausap ni Trinity ang kaniyang aguelo at aguela nang gabing iyon. Totoong masaya siya kapag kaharap ang dalawang matanda dahil alam niyang hindi niya na kailangan umarteng okay sa harap ng mga ito.

Nakapagdesisyon din siyang huwag sabihin sa mga ito ang totoong kalagayan niya ngayon. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Mas maganda 'yong mamatay siya na walang nakakaalam at isahan sakit lang ang ibibigay niya sa mga ito.

Nakipagkwentuhan muna siya sa mga ito bago siya nagpasyang magpahinga sa kaniyang silid. Ang silid na kung saan andoon lahat ng kabaliwan niya noon ni Henrik. Ang silid niya na lahat ng poster, jersey, stolen pictures ni Henrik ay nakapaskil.

Napapikit siya nang tumama ang kaniyang likod sa malambot na kama. Ah, feels heaven! Iba talaga ang kwarto na nakasanayan niya. Ito lang 'yong tanging silid na nagbibigay ng pampakalma sa kaniyang katawan.

Inabot niya ang human size unan na si Henrik at niyakap iyon. Hindi na siya nag-abalang palitan o itago ang kabaliwan niya sa lalaki, dahil ito ang dahilan kung bakit nagsumikap siya noon sa kabila ng masasakit na salitang nakukuha niya noon nag-aaral.pa lang siya.

Kung malalaman at makita kaya ni Henrik itong silid niya? Ano kaya ang magiging reaksyon nito? Natawa siya. Kahit si Serenity ay walang alam sa kabaliwan niya kay Henrik. Ang tanging nakakaalam lang ay ang kaniyang aguelo at aguela.

Biglang bumalik sa kaniyang isipan ang nangyari kanina...

"Stop, Henrik! Stop!" Tinulak niya ito at piniliglt niyang kumawala sa halik at yakap ni Henrik. Tama na, mag-iiyak lang siyang parang bata. Wala naman silang label. Kung meron man, just fucking homies.

"Listen to me, Trie..."

"No! You should listen to me." Hindi niya na mapigilan sumigaw sa galit. Naiinis siya at nagagalit sa sitwasyon niya ngayon. "I love you but it's not right at all. I'm dying and that's the truth. I love you but I don't want you to stay for me because I'm sick. I love you and the best thing you could do is marry my sister instead. She loves you Henrik. Serenity loves you since we were kids. I hope you will consider that."

"Trie... My mind is fixed. You can't force me to marry her. I already chose you. I chose us. I chose to fight with your pain. And my feelings? To tell you honestly, I'm scared. I'm scared before, but I'm more terrified to see you dying. I know we met in different situations and started as fucking homies. We fuck. No label. Just fucking and its greats! Like who the hell would not? But please, don't push me away. Let me stay."

Natigilan siya sa sinabi ni Henrik. Tumigil din ang luha niya. Iba ang sinasabi ngayon ng kaniyang puso at isipan. "S-serenity will be s-shattered."

"And you as well."

"It's all right, I can manage myself." Akmang aalis siya sa harapan nito pero mabilis nahapit ni Henrik ang kaniyang braso at pinaharap siya rito. Tinitigan siya nito sa mata at nasisilong siya sa gintong mata ng binata.

God!

"Yes, I know you're capable of handling yourself. You're strong and self-assured, but I can't let you go around in circles waiting for your death."

"Why are you so worried about my death?"

"Because who else would want that?"

"Me?"

Nagtagis ang bagang nito at humigpit ang pagkakahawak nito  sa kaniyang braso. Kitang-kita niya ang kakaibang emosyon sa mata nito ngayon. "No. You can't. You're too young. You and I have a good life ahead of us. Let's get married, Trie. I'm serious. I want us."

"Please give me some time to think."

"Okay."

"I swear to you. Allow me time to think, and please give me 7 days to think about it by not showing up. Give me some space."

"Trie..."

"Do whatever I want!"

"Okay-okay." Binitawan siya nito at bumalik sa sofa. Umupo ito roon at matiim siyang tinitigan ngayon na para bang minemorya ang kaniyang mukha.

Tinaasan niya ito ng kilay. "What?"

"Nothing. After knowing that you're dying, I've had a sort of realization over the past few days."

"What kind of realization?"

"That it'll be too late for me."

"Late from?"

"How important that person is to me. That it will be too late for me to express my love for her. That I was preoccupied with chasing someone's love while she waited for me to love her back. That realization hits me, and I'm determined to put things right."

Parang may bumikig sa kaniyang lalamunan. Parang buhangin na kay hirap lunukin at pati mga mata niya ay naapektuhan. Nanubig iyon pero kaagad siyang tumingin sa kesame. Kinalma ang sarili, pati ang puso niyang nalulunod na yata sa mga salitang sinabi ni Henrik.

Siya ang ibig sabihin ni Henrik at tama ba ang naramdaman niyang kasiyahan ngayon? Mabilis siyang tumalikod at nagmadaling pumasok sa kaniyang silid.

Napadilat siya ng mata at mabilis na umupo. Paulit-ulit pa rin na umeecho sa kaniyang teynga ang mga katagang binitawan ni Henrik kaninang umaga.

7 days, 7 days ang kaniyang hiningi para bigyan siya ni Henrik ng panahon para makapag-isip pero alam niya na ang sagot ngayon. Alam niya na kung ano ang sasabihin.

Nagpatugtog siya ng musika sa gabing iyon para makatulog at sa tulong ng musika ni Adele, nakatulog siya ng mahimbing at hindi umiiyak.

Nagising lang siya kinabukasan na masama ang pakiramdam at walang ganang kumain.

"Why aren't you eating your food, Trinity sweety? You don't like it?" Tanong ng aguela niya.

Nasa harap sila ng pagkain ngayon at magana ang dalawang matanda na kumakain. Siya lang ang hindi gumagalaw. Nakatitig lang siya sa kaniyang plato na may dalawang pancake at honey.

"I don't feel like eating, Nana."

"Drink this glass of milk." Saka naman inabot ng aguelo niya ang isang baso na may gatas.

Nakangiting tinanggap niya ito. Kapag nandito siya sa bahay ng dalawa, alagang-alaga siya kaya mahal na mahal niya ang mga ito.

Pero nang inumin niya ang gatas, bigla niya rin niluwa iyon pabalik. Napangiwi siya at mas lalong hindi maipinta ang kaniyang mukha.

Nagmadali siyang tumayo at deretsong tinungo ang lababo para iluwa ang natirang lasa ng gatas sa kaniyang bibig. Nagmugmog pa siya para lang masiguradong walang matirang lasa ng gatas.

Kaagad naman na lunapit ang aguela niya at hinagod ang kaniyang likod. Puno ng pag-alala ang mukha nito ngayon.

"Is there something you want to tell us?"

Humarap siya dito at umiling. Baka sa sakit niya lang ito. Ganito talaga kapag may tumor at malapit ng namamatay.

"Nothing, Nana. I'm okay. I'll be right back!"

Tumango naman ito ngumiti. Tinitigan siya ng ilang segundo saka bumalik sa hapag-kainan para ipagpatuloy ang naudlot na pagkain.

Habang siya ay nagpunta sa banyo at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Masarap naman ang tulog niya kagabi pero bakit masama ang kaniyang pakiramdam ngayon?

Napabuntong-hinga si Trinity at napasabunot sa buhok. She guess kailangan niyang masanay.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Where stories live. Discover now