Chapter 8: Trie

9.1K 323 14
                                    

Matagal nakatitig si Trinity sa kaniyang cellphone nang tanghaling 'yon. Tapos na siya sa kaniyang ginagawang dessert at nabibilang lang sa kamay ang customer sa araw na iyon.

Hinayaan niya ang kaniyang mga tauhan na magkwentuhan muna at magbiruan. Hindi siya gano'n kastrikto basta nagagampanan lang ng mga ito ang trabaho.

Dalawang numero ang kaniyang tinitigan, kay Henrik at kay Serenity. Gusto niyang tawagan ang kahit saan sa numero na iyon pero parang may kung anong pumipigil sa kaniya. Hindi niya magawa. Kaya ang ending, pinatay na lamang niya ang kaniyang phone at sinilid ito sa kaniyang bulsa. Kakalimutan niya ang nakita ngayong araw.

Naging masigla siya ulit at nagpaalam sa mga staff niya. Bitbit ang bag at susi ng kaniyang sasakyan na bigay pa ng kaniyang aguela, dumeritso na siya sa isang Hospital. May importante siyang pakay pero mabilis lang siya ro'n. Hindi niya kayang tagalan ang paligid ng Hospital kaya siguro hindi siya kumuha ng kurso bilang Doctor.

Masaya siya sa binalita ng kaniyang Doctor. Personal Doctor to be exact. Kaya sa araw na iyon, bumalik siya ng restaurant na may ngiti sa labi. Hindi na rin siya nagtaka nang wala na siyang natatanggap na mga text and call messages galing kay Henrik. Sino nga a siya, right? Pero isa sa mga araw na ito, dadalaw siya sa lalaki. Dadalaw siya bago siya pupunta ng Pinas at kulitin si Amara na dalhin siya ulit sa Tagaytay.

Ang Tagaytay ang unang naging paborito niyang lugar sa Pinas at nasasabik na siyang makita ang lugar na ito.

-

"HEY! Careful."

Napaatras si Trinity nang bahagya sa baritonong boses na iyon. Nagtama ang mata nila ng lalaking ilang linggo niyang iniiwasan at parang sa isang iglap lang, ang lahat ng araw at pagtitiis niyang huwag makita ito ay biglang naglaho. Lalo na at hawak nito ang kaniyang beywang, magkalapit ang kanilang katawan at amoy na amoy niya ang mabangog pabango ni Henrik.

"Trie?"

Sumikdo ang puso niya sa paraan ng pagtawag ni Henrik sa kaniyang pangalan. Bago pa siya traydurin ng kaniyang puso, ngumiti na siya ng ubod tamis sa lalaki.

Tinraydor na siya ng kaniyang katawan na muntikan mabuwal nung papasok siya sa kaniyang restaurant. Hindi pwedeng traydurin siya ng kaniyang puso dahil masasayang ang mga araw na pagtitikis niya sa sarili para rito.

"Henrik!" Niyakap niya ito nang mahigpit at agad na hinila paalis sa loob ng Trinia's Hide Out. Hindi sila pwede sa loob at makikita sila ng mga staff niya.

"How... How are you? Bakit hindi mo ako nagawang kumustahin? I was even worried about you."

Natigilan naman siya sa nahimigan pag-alala sa boses ng binata. Lalo na nung tinitigan niya ang mga mata nito na puno ng pagtatanong sa kaniya.

"May problema lang inasikaso but hey, handsome! I'm pretty okay and gotcha, you fall on my trick earlier." Ngumiti siya ng malambing at humilig sa dibdib nito. Walang makakakita sa kanila dahil nasa loob sila ng sasakyan nito. "Kunwari natapilok ako but the truth is, I already saw you. Kaya mabilis akong nakisabay pumasok and boom! You fall again, Mr. Gustavvson."

Matagal ito nakasagot pero ilang segundo lang ay natawa sa kaniyang sinabi. "You got me again."

Napangiti siya sa likod ng kaniyang isipan. Napaniwala niya si Henrik. Ang lalaking kung kabutihan lang ng puso ang pag-uusapan, pambato niya ito.

"Buy hey, kailan ka lang nakabalik dito?"

"About 2 days ago?"

Kumunot ang noo nito at pinag-aralan ang sinabi niya. "You're lying."

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Where stories live. Discover now