Chapter 31: Para Sa 'Yo

6.8K 301 38
                                    

Namalagi pa sila nang ilang oras doon ni Henrik at labis ang saya ni Trinity na naramdaman, totoo iyon. Dahil lahat ng galaw at kislap ng mata ni Henrik laban sa kaniya ay totoo iyon. Walang pagkukunwaring nakikita niya.

Kung awa man ito o pagmamahal, wala na siyang pakialam. Mas naka-focus ang atensyon niya sa buhay na nagsimulang tumibok sa kaniyang sinapupunan. Ito ang mas mahalaga sa kaniya ngayon at dalangin niya na sana ay malagpasan niya lahat hanggang sa maisilang ang anak niya. Kahit makita lang ito saglit ay masaya na siya roon.

"Trie?"

"Hmm?" Napalingon siya kay Henrik. Nasa harap sila ng food truck. Maraming nakapilang mga bata pero nung makita ng mga ito na si Henrik ang nasa likuran, kaagad na pinauna ng mga bata ang asawa niya. Tulad nung naunang dalawang bata, sinenyasan lang ito ni Henrik na huwag maingay at kaniya-kaniyang tango ang mga ito na kinikilig.

"Here's your order, Ma'am."

Malugod naman niyang tinanggap ang pagkain. Ang sarap pala magmahal ng walang sakit na alalahanin. Nakangiting kinain niya ang tacos sa harap nito at nagustuhan niya ang lasa.

"Masarap!"

"Really? Do you want me to buy you again? Wait here-"

"No, no Henrik!" Natatawang pinigilan naman niya ito sa braso. Sabay tuloy silang napatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. Namula siya at kaagad na tinanggal ang kamay. Mag-asawa na sila pero ngayon pa siya nagiging awkward?

"I'm happy."

Nagtaas siya ng tingin. Kitang-kita sa kislap ng mata nito ang sayang sinabi nito. Sumasabay kasi sa sinag ng araw ang kislap gintong mata nito.

"I'm happy as well."

Ngumiti ito at namulsa. Binawi ang tingin at inayos ang buhok. Kung titingnan, para itong binatilyong pinansin ng crush. Gusto niya tuloy matawa pero hindi niya ginawa. Mas pinansin niya ang paglamon ng waffle. Baka nga isang buwan lang nito, tataba na siya.

"We have a game coming up on Friday. Will you be free to me?"

"Ha?"

"Does that mean it's a no?"

"This is the first time you've asked me to accompany you."

"You're now my wife. I need your presence! Please?" Nangislap ang mata nito at ang sarap nitong sapakin sa pa-pout lips nitong nalalaman.

"I'll think about it."

"All right, okay." Bigla naman itong nalungkot at laglag ang balikat. Umayos ito ng upo at malungkot na napatingin sa mga kabataan na masayang kumakaway sa kanila.

Napairap na lang siya sa hangin. Kung umarte ito, parang hindi siya sinaktan noon. "It's a definite yes."

"Wow!" Akmang hahawakan siya nito pero kaagad niyang tinaas ang kamay.

"No. Stop! I'm eating."

Tumango lang si Henrik at ngingiting pinagmasdan siya habang sumusubo. Nagkibit siya ng balikat at muling pinagpatuloy ang pagkain niya. Saka na sila mag-usap! Hindi naman ito kasingsarap ng tacos na kinakain niya ngayon, eh.

FRIDAY. Tulad ng pinangako niyang sasama siya kay Henrik sa game nito. Kalaban ng team nito ay ang Toronto Maple Leaf.

Hindi na siya nagulat nung maraming nagtaka na magkasama sila. Halos lahat ng mga fans ni Henrik ay napapatingin sa kaniya lalo na at hapit ni Henrik ang kaniyang bewyang. Para bang pinapakits nito sa mga mata ng tao na siya ang bagong nagmamay-ari at nakakatanging babae na para lamang dito.

May mga ilan na naglakas na kumuha ng larawan, at may ilan na naglakas loob na lumapit sa binata para makipanayam pero hindi ito inintindi ni Henrik. Dere-deretso lang ito sa paglalakad habang kasama siya.

Kung sabagay, hindi niya masisisi ang mga tao ngayon kung bakit. Hindi rin naman basta-basta ang kaniyang ganda ngayon. Perfect na nga sana kung wala siyang tumor pero hindi siya magpupukos diyan banda.

Simple lang ang suot niya ngayon, boots, jacket, fitted jeans and bonnet plus scarf pa. Hindi pa nga siya naka-sexy dress nito.

"Is that the rumored hidden wife of Captain Henrik?"

"Oh my goodness, she's stunning!"

"And look at them! They were wearing wedding rings."

"Oh no! Henrik is mine!"

"He's mine, bitch!"

Napailing na lang si Trinity at natawa sa sarili sa narinig na bulung-bulungan ng tatlong babae na kanilang nadaanan sa hallway. Dahil diyan din siya nanggaling noon. Mas malala pa nga, pero ngayon. Nasa kaniya na si Henrik.

Hinatid lang siya ni Henrik sa kaniyang upuan na malalit sa ice rink dahil iyon ang kaniyang gusto. Hindi na rin siya nagtaka na andoon si Favio at nakangiti na ito nang makita siya. Bago umalis si Henrik, nagulat na lamang siya nang bigla siya nitong hinalikan sa labi!

Isang segundo lang iyon pero parang buong katawan lupa niya ay biglang nanglambot.

"Enjoy watching the game kärlek. I'll win this game for you. Para sa 'yo ang larong ito." Saka nito hinalikan din ang tungki ng kaniyang ilong at nagpaalam na agad para puntahan ang team nito.

God! Parang gusto niyang lumubog sa kinauupuan. Ang lakas tuloy ng tibok ng puso niya ngayon. Para siyang dinuduyan sa alapaap. Narinig pa niya ang ilang bulungan ng mga taong nakakita sa kanila pero hindi niya pinansin ang nga iyon. Para lang siyang tanga na nakangiti habang nakatingin sa kawalan.

"I'm thrilled for the two of you. You're both head over heels in love."

"You believe that?"

"Yeah. Look at how envious they are of you. Thinking that you own my fucking cousin!"

"Shut up!" Pinandilatan niya ito ng mata na tinawanan nito at nagkibit ng balikat. Buti na lang at hindi ito nagsuot ng jersey ngayon at naka-cap ito. Pwede kasi itong mapapagkamalan si Henrik!

Isang oras din ang tinagal bago nagsimula ang laro at kasunod niyon ay ang pag-ingay ng buong arena. Kaniya-kaniyang sigawan ng kanilang team na pambato at siyempre, hindi siya nagpapatalo!

Siya ang dating leader ng fans club noon ni Henrik sa Instagram, Twitter at Facebook! Kaya malakas din siyang sumigaw lalo na nung si Henrik na ang may hawak ng puck.

Para sa kaniya raw ang larong ito ngayon ng lalaki kaya naman ang puso niya ay nagagalak na parang tanga.

Ang lakas-lakas tuloy ng tili niya sa tuwing nababawi ng New Jersey Devil ang puck tapos napapasok sa kalaban. Ibang-iba nga ang laro ni Henrik ngayon, ganadong-ganado bawat tira nito at dependa sa rubber puck.

"Have you seen those? Trinity, there's something wrong with my cousin! Look at how tough he is on the ice."

"I don't see anything," pagkakaila niya pero ang totoo, halos sumabog na lalamunan niya kakasigaw para sa lalaki.

"Oh my god! Henrik hit a grand slam!"

Napasigaw sila ulit ni Favio na parang batang nagchicheer sa paborito nilang hockey game.

Naka-score ang team ni Henrik! 2 vs 1 na ang score at ang sarap sa pakiramdam lalo nung nagpunta sa gawi niya ang asawa at nag-thumbs up! Hindi lang iyon, nag-sign language ito ng para sa kaniya ang larong iyon sabay bigay ng huling halik sa hangin.

Tilian at sigawan ang mga kababaehan sa gawi niya sa ginawa ni Henrik.

"I love you Captain!"

"Marry me please!"

"Or marry us!"

Natawa na lang siya nang mabawi niya ang gulat na naramdaman sa ginawang halik sa hangin ng lalaki. At least, mamatay siyang naramdaman ang totoong pagmamahal ni Henrik sakali.

Sumenyas din siya sa lalaki ng thumbs up at ginantihan ang halik nito, na mas lalong ikaugong ng mga manonood sa araw na iyon! Paano ba naman kasi, sa kanila ni Henrik saglit tinutok ang camera at lahat napakilig sa kanilang dalawa.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon