Chapter 16: I'm Okay

8.8K 323 32
                                    

"That's how I see it, dude. Trie is madly in love with you. Can't you see the angst in her eyes as she speaks? "

Hindi kumibo si Henrik. Sinabi na sa kaniya ito noon ni Trinity na mahal siya nito pero hindi niya binigyan ng pansin. Iisa lang ang nasa puso niya, si Lianne. Ang hirap kalimutan ng babae kahit anong pilit niya, hindi niya basta-basta naalis sa kaniyang sistema ito.

"I'm talking to you, hey!" Binato siya ni Favio ng tubig.

Katatapos lang ng practice nila sa araw na iyon at tipong dumaan ang pinsan niyang si Favio para manood saglit.

"I prefer not to speak."

"Why not? Trie is head over heels in love with you, and you can't see it?"

"I already knew it, but let's not talk about her; after all, my heart beats for someone I can't have, and it fuck me like hell."

"Fuck you like hell?" Natawa naman si Favio. "And yet you allow yourself to get married with her sister?"

"I don't worry about marriage; I can divorce her after a year. That's how business works. It was a favor requested by my father, and I didn't want him bothering me all day during my practice, so I said yes, and I have no objections because I know Serenity."

"I like her."

"Trinity?"

"Yeah."

Nagkibit lang siya ng balikat. "I don't have objections. You can have her."

Napailing naman si Favio sa kaniyang sinabi. "Deal." Saka ito nagpaalam sa kaniya.

Sinundan niya lang ng tingin ang lalaki at saka tinungo ang locker. Totoong wala siyang pagtutol na nararamdaman. Kaya sinadya niyang dalhin si Favio kagabi para ipakilala ito sa babae pero hindi na pala kailangan lalo na at magkakilala na ang dalawa... Sa isang motel?

Napakuyom ang kaniyang kamao sa eksenang pumasok sa isipan niya pero kaagad niyang pinagkibit ito ng balikat. Hindi sila parehos ng nararamdaman ni Trinity at mas alam niyang magiging okay ito kapag napunta ito sa kaniyang pinsan si Favio.

Ang meron lang sa kanila ni Trinity ay isang sex at kung mas special na aspeto ang itatanong sa kaniya, wala siyang makapa.

Hanggang doon lang si Trinity.

Hindi lang siya makapaniwalang magkapatid ang dalawang babae dahil malayong-malayo ang mukha ng mga ito. Pagkakaalam din niya, mag-isang anak si Serenity.

Yeah, who gives a damn anyway?

Hindi sila nakapag-usap ng matino kanina nung pinuntahan niya ito mismo sa apartment nito.

Nagulat siya nung ibang Trinity ang kaniyang nakita. Simpleng damit at walang make up at aaminin ni Henrik, mas nagustuhan niya ang kasimplehan nito.
Mas maganda ito sa jeans at walang bahid na kulurete sa mukha.

NAPATINGIN si Trinity sa isang lalaking pumasok sa restaurant niya. Kumunot ang kaniyang noo nang makitang si Favio ito, nakapamulsa at deretsong tinungo ang side kung saan minsan umupo si Henrik at Lianne noon.

Kaagad itong nag-order at nakita niya ang pag-iling ng ulo ng kaniyang staff. Ngumiti lang ang lalaki at tumingin ito sa gawi niya pero kampante siyang hindi siya nito nakikita.

"What is he doing here?" Iyan ang naitanong niya sa sarili.

Napasunod ang kaniyang tingin sa staff niya na nalilito kung susundin ba ang sinabi ng customer nila sa umagang iyon.

"What's his order?" Siya na ang nagtanong nung pumasok ang babaeng staff niya. Dala-dala ang ballpen nito at menu sa kamay.

"He picked the top meal, Ms. Trinity, and asked if he could see you."

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon