Chapter 44: Come Back To Me

6.4K 248 12
                                    

NAGPAPAHANGIN si Henrik nang gabing ito sa terasa habang umiinom ng kape. Nasa beach house sila ngayon at malaki ang nasabing beach house. Dalawang palapag ito at napapalibutan ng mga niyog at iba't ibang klase ng mga halaman ang paligid. Kulay dilaw ang mga ilaw na mas lalong nagbibigay ng kakaibang ambiance. Modern beach house ito halos salamin ang buong bahay.

Sa harap ng bahay ay makikita ang magandang tanawin at dagat ng Palawan. Habang sa gilid ng bahay ay isang malaking pabilog na swimming pool at Jacuzzi.

Nagbabalak siyang maligo ng dagat pero tinatamad siya ngayon kaya heto, umiinom siya ng kapeng barako at masasabi ni Henrik na napakasarap ng kapeng ininom niya ngayon.

"Hey?"

Napalingon si Henrik. Nakita niya ang babaeng nagngangalang Misty na gustong ipa-date sa kaniya ni Favio. That asshole!

"Hey."

"Your first time here in Philippines?"

"My third."

Napa-oh naman ito at namalagi sa kanila ang katahimikan. Napansin din ni Henrik na may dala itong tasa ng kape at malayang umiinom.

"I like you." Agarang saad ni Misty sa kaniya.

Tumingin lang siya sa babae at tumango sa sinabi nito. Sanay na siyang sabihan ng ganito. "I like this coffee, too."

"No, I mean, I like you. Favio just told me about you, and I want to meet you and get to know you right away. There's something in you that stirs me, and maybe because we've experienced the same thing? I guess." Natawa ito pero kaagad din sumeryuso. "I like you, and I mean it.

"What do you mean by experiencing the same thing?"

"My husband passed away shortly after our one-year anniversary. He was very sick, had a brain tumor, and I tried everything to save him, but no matter what I did, death was difficult to fight. It felt like I was in a battle with death not to take him from me, but in the end, I'm still the loser. He was taken from me. . . and I could do nothing to stop it." Biglang pumiyok ang boses nito, palatandaan na umiyak ito pero kaagad nitong hinamig ang sarili.

"I'm sorry."

"No no! You don't have to." Ngumiti ito nang sumulyap sa kaniya. "I hope he's happy in paradise now. I still feel his presence and know he is sad for me, but here I am. Trying to be happy here in Palawan while running my hotel and beach resort."

"You are courageous, and I admire you for that."

"I'm grateful,"

"I assumed you were somewhat strict,"

"Me, strict? You're so mean to me!" Ang lakas nang halakhak nito at nakuhang humampas sa balikat niya. "My face has such an inviting charm!"

"Sorry. I misread you." Hindi rin mapigilan ni Henrik ang matawa. Magaan kausap ang babae at mukhang magiging kaibigan niya rin ito. "But Now I just appreciate your kindness.

"Perhaps I'm just being kind to you and Favio." Marahan nitong ininom ang kape at tumingin sa dagat.

"How were you and my cousin met by the way?"

"Last month I visited Pittsburgh then I ran into him in a coffee shop, and we hit it off right away. What I mean, we became instant friends!"

Tumango siya. Inubos agad ang kape at mabilis na nagpaalam sa babae para punasok sa kaniyang silid.  Ngumiti lang si Misty at kumaway.

Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang silid sa kabilang dulo ng bahay, kung saan magkatabi lang sila ni Favio. Hindi niya na nakita ang lalaki pagkatapos nilang kumain ng hapunan kasama si Misty. Marahil ay kausap nito si Serenity sa phone.

Kaagad siyang humiga sa malambot na kama matapos ilagay sa center table ang tasa. Malamig ang silid at nakaka-relax. Kahit nagkape siya ay para siyang hinihila para matulog.

Sunod-sunod na naghikab si Henrik at kasunod nito ay ang pagpikit ng mga mata niya. . . Kasabay ang pagdalaw ng isang panaginip.

"Henrik? Hey, Henrik."

Napalingon siya. Naglalakad siya sa buhanginan nang marinig niya ang malambing na boses ni Trie, tumatawag sa kaniya.

"Karlëk?"

"Yes! It's me." Gumuhit ang masayang ngiti nito at mabilis na tumakbo papalapit sa kaniya. Niyakap siya nito nang mahigpit. "I miss you so much! How are you?" Tumingin ito sa kaniya at nilaro ang buhok niya sa kamay nito.

"I'm not okay. Since you left, my whole world shattered."

"Aw Henrik." Hinaplos naman nito ang pisngi niya at masuyong hinalikan ang kaniyang labi. "I love you, I love you so much. I wanna stay with you forever if only I could."

"Then please let me come with you, Trie."

"No."

"Karlëk. . ."

"Goodbye baby." Malungkot itong ngumiti at bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. "We can't be together. You can't be with me." Saka ito tumalikod.

"No, please Trie!"

Sinubukan niya itong habulin pero malayo na ito. Gusto niyang hawakan ang kamay ng asawa pero kahit anong gawin niyang habol dito, hindi niya ito maabutan. Mas lalo itong lumayo. Para itong isang lobo na tuluyan nang tinangay ng hangin paakyat ng langit na kahit anong gawin ni Henrik, ay malabo ng makuha niya pa ito pabalik.

"Trie! Trie please?! Trie comeback to me, please come back to me."

Wala siyang magawa kundi ang umiyak habang ang mga tuhod ay nakaluhod sa buhanginan. Pinagmasdan niya ang asawa hanggang sa nawala na ito ng tuluyan.

"Henrik? Hey! Hey."

Isang malakas na sampal ang nagpagising kay Henrik. Habol ang hininga nang magmulat siya ng mga mata at nakita niya si Misty imbis na si Trinity.

Biglang sinakal ang puso niya sa sobrang sakit. Doon lang din niya napansin na umiiyak siya.

Fuck this!

Kahit sa panaginip, nasasaktan pa rin siya. Kahit sa panaginip, hindi niya pa rin matanggap ang pagkawala ng kaniyang asawa. Kahit sa panaginip, hinahabol niya pa rin ito.

"I'm sorry for storming in. This door was open when I passed by, and I noticed you having nightmares. I tried to wake you up but you kept groaning and calling names. So please accept my apologies if I hit you only to wake you up."

Tumango lang si Henrik. Pinunasan ang mga mata at nakaramdam siya ng hiya sa babaeng nagngangalang Misty.

"Wait, I'll bring you a water."

Bago pa ito napigilan ni Henrik, nakaalis na ito. Napabuntong-hinga na lang siya at napasandal. Si Misty ang may ari nitong private beach house na tinutuluyan ngayon nila ni Favio pero dahil kaibigan raw nito si Favio at bisita, kaya libri na lahat pati accomodations.

Ilang minuto lang ay bumalik na si Misty, may dalang malamig na bottled water at kaagad na binigay sa kaniya matapos nitong buksan ito.

"Thanks."

"Don't mention it."

Nilagok niya agad ang laman ng tubig at tuluyan pinakalma ang sarili.

Kailan ba niya mapapatawad ang sarili?

Trie, I miss you. Come back to me, please.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon