Chapter 23: Help You

7.6K 316 38
                                    

HUMINTO sila sa isang private cementery. Napakunot ang kaniyang noo. Ang aga naman pinakita sa kaniya ni Henrik ng kaniyang pupuntahan after 1 year. Alam niyang dito siya patutungo sa lugar na ito, no need na ipakita sa kaniya.

"Ah, you are showing me my rightful place." Sinabayan niya iyon ng tawa. Wala lang, natatawa lang siya sa katotohanan na mauuna siyang mamatay.

Tumiim naman ang mata ni Henrik sa kaniya at matagal siya bago tinitigan bago ito nagsalita. "Don't talk like that, Trie." May pagbabanta sa boses nito.

Nagkibit lang siya ng balikat habang ito ay lumabas at pinagbuksan siya ng pintuan. Kinuha rin nito ang basket of flowers sa backseat ng sasakyan.

"Anong gagawin natin dito? Kung may huli man akong dapat puntahan, iyon ay sementeryo but now, you brought me here first? What's the point? Are you showing me my grave? Well, I'm gladly wanna see it."

"Will you shut the fuck up, Trinity!" Tumaas ang boses nito at galit na hinawakan siya sa braso pero may pag-iingat pa rin na huwag siyang masaktan. "Please? Just shut the fuck up."

Tumaas ang kaniyang isang kilay habang nakatingin sa gintong mata ni Henrik. Bullshit! Mabilis niyang iniwas ang kaniyang mata. Andiyan na naman ang kakaibang tibok ng puso niya.

"Let's go. She's waiting for us." Saka pinagsaklop ni Henrik ang kanilang kamay dalawa.

Magtatanong pa sana siya pero hila-hila na ni Henrik ang kaniyang kamay. Nauna itong maglakad sa kaniya habang nakasunod siya rito. Napilitan tuloy siyang pagmasdan ang kamay nilang magkawak dalawa.

Intertwined... Biglang sinakal ang kaniyang puso. Gusto niyang bawiin ang kaniyang kamay pero parang may sariling utak ang kamay niya na manatiling gano'n, nakahawak sa kamay ni Henrik.

Mayamaya ay bigla silang huminto sa isang puntod. Natigilan siya. May kung anong kumudlit na kaba sa puso ni Trinity habang binabasa ang pangalan na nakalagay sa gravestone.

In Loving Memory of
Hanna A. Gustavsson
January 17, 1969

N

ang mabasa niya iyon, parang gustong pumatak ng kaniyang luha. Oo pala, naalala niya na. Matagal ng patay ang Ina ni Henrik. Sampung taon na ang nakaraan at kalat na kalat iyon sa media.

Nakaramdam siya ng hiya sa sarili. Masyado siyang naging agresibo. Nagbaba siya ng tingin at humingi ng paumanhin sa hangin.

"Hi, Mom." Nilagay nito ang bulaklak sa tabi ng lapida. "I brought a woman today. A woman whom I gonna marry."

"Stop—"

Biglang hinapit ni Henrik ang kaniyang beywang at mahigpit siyang hinawakan doon. Nakikiusap ang mata nitong huwag siyang sumingit sa gusto nitong sasabihin sa harap ng Ina kaya humingi siya ulit ng paumanhin sa Ina nito. Masyado yata siyang naging bastos ngayon.

"Mom, today marked the 10th anniversary of your death. I am missing you. I recall the day you constantly asked me when I was going to marry. When am I going to bring a girl and introduce her to you as my girlfriend. You asked me frequently, and I assumed you were joking..."

Nakagat ni Trinity ang labi habang nakikinig siya sa mga salitang sinasabi ni Henrik. Unang pagkakataon na makita niyang mahina ito...

"But you just surprised me when we couldn't wake you up one morning. You are no longer with us. You left us a note saying you wanted to rest in heaven. You don't want us to see you in pain due to brain tumor. That you've been keeping it hidden from us from the start. And I fucking hate myself for not realizing it. That I used to spend most of my fucking time playing hockey, and I'm sorry I wasn't there for you when you needed us the most."

Mabilis na pinunasan ni Trinity ang pumatak na luha sa kaniyang mata. Bakit siya naiyak? Bullshit. Dahil ba sa boses ni Henrik na hindi mapapantayan ng kahit sino ang lungkot na masasalamin doon?

Nung interview ang lalaki noon, wala siyang makitang lungkot sa mata nito sa news. Lahit lungkot sa boses wala rin. Tapos isang linggo lang nagdaan mula nung namatay ang Ina nito, naglaro agad ito ng Hockey at ang tanging sinabi lang nito sa harap ng camera:

We are all going to die. The goal is to create something that will last forever, not to live forever.

"Don't cry. If my Mom sees you crying, she'll get mad at me."

"I can't help it."

Ngumiti ito pero nasasalim pa rin ang lungkot sa magaganda nitong mata nang tumingin sa kaniya. "My mother died and I did nothing to help her when she's silently suffering from brain tumor, and now I don't want you to go through this battle alone, Trie; I want to be there for you. Yes, I admit it I don't believe in love anymore but I don't want anyone in my life to die because of  that shit. Marry me, Trie. Marry me, I do mean it."

Umilap ang kaniyang mata at nagsimula itong magtubig ulit. Kaya pala naging iba ang pakikitungo sa kaniya ni Henrik. Kaya pala naging ganito ka-concern ito sa kaniya ngayon. Ngayon lang niya nakuha.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa gilid kaniyang damit. Para bang doon siya kumukuha ng desisyon kung ano ang isasagot. Nakakatawa kasi. Hindi niya alam kung pasasalamatan ba niya na may sakit siya dahil tuluyan niyang nakuha ng buo si Henrik o hindi.

"Trinity..." Muling ginanap ni Henrik ang kaniyang kamay at masuyong hinawakan iyon. "Let me help you. I don't want the person who was also a part of my life will go through what my mother went through."

"N-no."

"Trie..."

No as in no. I'm not going to go along with what you're proposing. If I'm going to die in one year, what's the point of getting married? Nothing. Is it possible that getting married to me will help me get better? Henrik, you are wrong. I appreciate your help but I'm afraid I will decline your proposal. So, no." At tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya at nagmadaling umalis doon sa sementeryo.

"Trie!"

Hindi siya lumingon. Natatakot siya. Natatakot siya na baka isa pang tawag ni Henrik sa kaniyang pangalan ay baka matibag niya ang harang na kagagawa niya lang. Hindi pa ito masyadong matibay at alam ni Trinity na ilang salita lang ni Henrik ay tuluyan na siyang bibigay.

Bakit kasi ngayon lang? Bakit ngayon siya nito yayain ng kasal at sa harap pa talaga ng Ina nito?

Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang luha. Hindi nga niya alam kung para saan ang luhang iyon. Luha ba iyon ng panghihinayang o luha ng kasiyahan? Alinman sa dalawa, hindi niya alam.

Kaagad siyang umupo sa isang sementong upuan. Hindi siya bumalik sa kotse ni Henrik dahil naka-lock ito, kaya mas pinili niyang umupo sa isang sementong upuan.

"Trinity?"

"Ha?" Nagtaas siya ng tingin. Nakita niya si Favio na may dala-dalang bugkos ng bulaklak sa kamay. "Favio!"

"Hey, what are you doing here?" Kaagad nangunot ang noo nito.

"I'm with your cousin Henrik."

Tumango-tango ito na parang naintindihan ang kaniyang sinabi. "And where is he?"

Sumenyas lang siya kung saan ang lalaki. Tumango naman ang binata at sandali muna itong nag-excuse sa harapan niya. Halatang maglalagay rin ito ng bulaklak sa puntod ng Ina ni Henrik.

"You can stay inside on my car." Pahabol nito at binato sa kaniya ang car keys nito na kaagad niyang nasalo.

Perfect timing!

Dahil ayaw niyang makasama ngayon si Henrik sa sasakyan nito.

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Where stories live. Discover now