Chapter 36: Limang Porsyento

6.4K 291 26
                                    

BAGSAK ang balikat na pumasok si Trinity sa sasakyan ni Favio. Tapos na silang mag-usap ng kaniyang Ina at nakokonsesnya siya kung bakit sinabi niya rito. Inexplain niya sa Ginang ang kaniyang kalagayan  at mali yata siya kung bakit niya ito ginawa dahil nawalan ito ng malay, dahilan para mag-alala ang pamilya nito at pinakiusapan siyang bumalik na lang sa susunod na araw.

"Next location?"

"Henrik."

"Okay."

Ngumiti siya kay Favio saka sinandal ang sarili sa headrest ng upuan. Babalik siya sa susunod na araw kapag okay na ang Ginang. Sa ngayon ay pupuntahan niya si Henrik para yayain ito na sabay silang kumain tatlo ng dinner. Wala lang, gusto niya lang makasama ang lalaki ngayon. Ewan at ganito ang nararamdaman niya. Ganito siguro talaga kapag may taning na ang buhay.

Dalawang oras ang kanilang binyahe ulit pabalik sa downtown at dumeretso na agad sila sa kung saan nag-ensayo ang asawa niya.

Kaagad niyang kinuha ang phone niya at tinawagan si Henrik. Hindi na siya bumaba sa kotse ni Favio dahil na rin sa pagod. Isang ring lang at mabilis na sinagot ito ni Henrik.

"Kärlek!"

Napangiti siya nang bumungad ang masiglang boses ng asawa niya. "Done practice? Let's dine together with Favio."

"Ah Trie..."

"Yes?"

"I'm with Lianne and Aerush Li."

"Oh, that's okay."

"But I'll be there in a minute. Where are you?"

"I'm home. Its okay Henrik. Take your time, okay? Send my hi to Lianne and her daughter."

"I will."

"Bye! Take—"

"Daddy Henrik! Come on, let's play!"

Mula sa kabilang linya, narinig niya ang matinis na boses ng batang babae. Lihim siyang napangiti at pinatay ang tawag. Alam niyang busy ang asawa niya at hindi niya na ito hihintayin na magsabay silang mag-dinner dahil paniguradong sa bahay ito ng McCluskey kakain.

"So?" untag sa kaniya ni Favio.

"Ah, Henrik is with Lianne."

"McCluskey's wife?"

"Yep."

"All right, what's next?"

"Send me home. I'm tired and need to rest for the time being."

"Noted."

At pinagana na ng lalaki ang makina ng sasakyan nito at nilibang na lang niya ang sarili sa panonood ng mga establishment, na kanilang nadadaanan.

Kung noon ay nagseselos siya kay Lianne, ngayon, wala na siyang rason para magselos. Hindi nakakabuti sa kaniyang kalagayan ang magselos at isa pa, alam niyang mahal na mahal ng babaeng si Lianne ang asawa nitong si Captain McCluskey.

Pagdating ng bahay nila ni Henrik, hindi na nagpaunlak pa si Favio na pumasok. Kaagad na itong nagpaalam dahil may pupuntahan daw ito at naintindihan naman niya. Masyado nga siyang abala sa lalaki pero dahil kay Henrik kaya siya nito sinamahan.

Dumeretso siya sa master bedroom nila ni Henrik at nag-shower. Init na init siya at kailangan niya ng preskong katawan bago humiga sa malambot nilang kama mag-asawa.

Habang nakatapat siya sa shower, kasabay naman ang pagdaloy ng eksena nila ni Serenity kanina sa coffee shop nito. Napabuntong-hinga siya. Basang-basa niya sa kislap ng mga mata nito ang poot para sa kaniya.

Kung sakaling mawala nga siya pagkatapos niyang maisilang ang anak nila ni Henrik, mapopoot pa rin ba ito? Magagalit? Hindi niya alam.

Pinilig na lamang niya ang ulo at ayaw niyang isipin na ito. Nakakasama rin ito sa kalagayan niya kaya hangga't maari, dapat kalmado siya at ayaw niyang ma-trigger lahat ng sistema ng utak niya.

Nang matapos siyang mag-shower, dumeretso na siya walk in closet at kumuha roon ng damit pantulog at roba. Nagpatuyo na rin siya ng buhok at pinusod niya ito saka siya nagtungo sa kama at humiga roon. Pero ilang sandali lang ay tumunog ang kaniyang phone sa tabi ng side table. Mabilis niya itong inabot at tiningnan kung sino ang tumawag.

Napangiti siya sa pangalan rumehistro; si Amara. Ang lukaret niyang kaibigan. Sinagot niya ito para lang matawa nang marinig na nag-aaway na naman ito at si Azael.

"Bwesit ka talaga, Azael! Kita mong kausap ko pa si Trinidad! Huwag ka ngang kalabit nang kalabit d'yan at namumuro na ako diyan sa pagmumukha mo!"

"Baliw talaga kayong mag-asawa. Mag-usap muna kayo ng matino kaya 'no?"

"Wait lang Trinidad." Saglit itong nawala sa kabilang linya at nung magsalita na ito ay tahimik na sa paligid nito. Nawala na si Azael. "Ayan, pinalayas ko ang asawa ko. Namamaga na ang ano ko Trinidad sa pesteng Azael na 'yon! Baog naman."

Ang lakas nang halakhak niya sa sinabi ni Amara. Gage talaga 'tong kaibigan niya! Noon lang ay ayaw na ayaw nito kay Azael at sobrang seryuso nito sa buhay at ngayon, baliktad na. Siya naman ang seryuso at ito naman ang baliw.

Saglit lang sila nag-usap dalawa. Kumustahan lang at tinatanong ang kaniyang kalagayan. Mas nagiging padalas na nga ang pagtawag sa kaniya lagi ni Amara at gusto naman niya iyon.

Matapos ibaba ang tawag ng kaibigan, saka naman biglang may pumasok na tawag at sinagot niya ito.

"How are you doing?"

"I'm fine."

"That's good to hear. I'm calling to see if you still want—"

"I'm all in." Deretsahang sagot niya. Natatakot siya pero gagawin niya ito para sa anak nila ni Henrik.

"You should be aware of the ramifications. This surgery will kill both you and your baby."

"I understand. But I will go to any mile to save the child that is growing inside me."

"I see your point. Then we'll meet up again one of these days."

"Thank you, Doc."

"Thank me when you survive this dangerous surgery. It's possible that you won't be able to wake up after this. You have only 5% chance of survival, and a 95% chance of dying on the operating room."

Nakagat niya ang labi. Alam niya, sinabi na nito iyon nung una palang at hindi na kailangan pa na i-remind sa kaniya ang aabutin niyang kamatayan sa gagawin surgery. Maliit man ang tsansang mabuhay pero kakapit siya sa porsyentong iyon para lumaban.

"I'm... I'm r-ready."

"All right. I see determination in my patient and that's what I admire most. For the time being, I'll say goodbye. I'll call you again, Mrs. Gustavsson." Saka ito nawala da kabilang linya.

Napatitig na lamang siya sa phone niya nang mamatay ang tawag. Ando'n ang hindi matatawarang kaba at takot pero hindi siya magpapadala sa takot na ito. Ngayon pa ba? Ngayon pa ba kung saan may 5% na pwedeng mailigtas ang anak niya.

Don't worry baby, kakayanin ko 'to para sa 'yo, okay? I love you kahit hindi pa kita nakikita.

Masuyo niyang hinaplos ang tiyan at napangiti. Saka naman bumukas ang pintuan at pumasok doon ang asawa niyang nakangiti at may dalang pasalubong.

"Kärlek, sorry it took me hours before—"

"Hey-hey! No need to say sorry." Tinawanan niya ito at kaagad na lumapit sa lalaki saka ito binigyan ng halik sa labi. "I miss you."

"And I love you." Hinalikan naman nito ang kaniyang noo. "I ordered foods. Let's eat?"

Sakto, gutom na rin siya. Mabilis siyang tumango at tinanggap ang bulaklak nitong pasalubong. Ang bango! Parang pwede sa lamay niya...

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon