Chapter 10: Pain

10K 287 31
                                    

[Nakaraan]
------
----

Palinga-linga si Trinity, hindi mahagilap ng kaniyang mata si Henrik. Matapos niya itong hayaan na umiyak sa bleacher, iniwan siya nito at nung humabol siya papalabas, nakasakay na ito ng taxi.

Hindi na siya nakasunod kay Henrik dahil nawala na ito ng tuluyan at gusto niyang mainis kung bakit hinayaan niyang mawala sa mata niya ang lalaki. Wala siyang magawa kundi ang bumalik sa mansyon ng Williamson. Inisip niya kung saan niya hahagilapin ang lalaki.

Mabuti na lang at may concern siyang pinsan na ngayon ay nandito sa isang sikat at pribadong bar nagtatrabaho. Dahil alam nitong matindi ang tama niya sa lalaki, sinabihan siya nito na ando'n si Henrik. Kaya wala siyang sinayang na oras, agad siyang pumunta sa bar na sinasabi ng kaniyang pinsan. Nagsuot siya ng red wine low cut dress na labas ang tiyan at cleavage. Tamang classy at sexy lang para sa tulad niyang Canadian at may light brown na mata.

Muntikan pa siyang hindi pinapasok dahil napagkamalan siyang under 18. Kung 'di pa niya pinakita ang ID, hindi pa siya pinahintulutan.

"Can't see your handsome loverboy?"

Napailing na lang siya nang lapitan siya ng kaniyang pinsang waitress.

"On your left. But make sure you can handle him, Trinity. He's drunk already."

"Yeah thanks!"

Kumindat lang ito at mabilis na nawala sa kaniyang harapan. Mabilis siyang nagtungo sa kaliwang bahagi ng bar at doon nakita niya ang binata. May kalakasan ang musika ng paligid at maraming tao pero nang mga sandaling iyon, kay Henrik naging focus ang kaniyang tingin. Wala siyang ibang nakikita kundi ang lalaki. Wala siyang naririnig kundi ang iyak nito at mga hikbi habang may hawak na sigarilyo sa isang kamay. Unang pagkakataon na nakita niyang nagsisigarilyo ito.

Parang may kung anong sumuntok sa puso ni Trinity sa nakikitang sakit na naramdaman ng binata. Kung pwede lang hilingin sa itaas na ibigay sa kaniya ang nararamdaman sakit nito total sanay na siya.

Sandali siyang napahawak sa kaniyang puso, masakit ito. May kung anong naiipit sa loob na kahit siya nahihirapan huminga sa kirot habang pinagmamasdan ang pag-iyak ni Henrik sa isang tabi.

Henrik...

Naramdaman na lang niya ang kaniyang sarili na marahang humakbang papunta sa deriksyon ng binata. Nanatiling naka-focus ang kaniyang tingin dito habang yumuyogyog ang balikat. O ang mas tamang sabihin, umiyak. Umiiyak sa sakit tulad ng lagi niyang nararamdaman.

Tahimik siyang umupo sa harap nito. Walang ni isang salita ang lumabas sa kaniyang bibig, basta lamang siyang nakatingin sa binata na tahimik na umiiyak sa isang sulok. Parang naipon lahat ng hinanakit nito kaya ganito ang reaksyon nito ngayon.

"Go away!" galit ang tono ng boses ni Henrik nang ibaba nito ang bote. Nanatiling nasa ibaba ang tingin nito at siguro, ayaw nitong makita niya na umiiyak ito.

Hindi siya umimik. Kahit itulak siya nito papalayo, hindi siya aalis. Hindi siya tatayo. Hindi niya ito iiwan. Mananatili siya at sasabayan ito sa sakit na nararamdaman. Andito lang siya, andito lang siya para damayan si Henrik. Para kunin ang sakit na nararamdaman nito ngayon.

"I said go away! Leave me alone, lady."

Hindi siya sumagot. Dinampot niya lang ang boteng nasa harapan nitong nakabukas at walang sabing tinungga ang laman n'yon. Natigilan naman ito sa kaniyang ginawa at nakuha niya ang atensyon ng binata. Nakuha nito ang ibig niyang sabihin na gusto niya itong damayan ngayon sa sakit.

Napahawak ito sa ulo at mariing napapikit. Pumapatak pa rin ang luha nito habang dinala sa bibig ulit ang inumin. Tinungga nito ng deritso at sunod ay ang paghithit ng sigarilyo habang walang tigil na pumatak ang mga luha nito.

"Pain doesn't mean you need to stop here," panimula niya.

"You don't understand." mapaklang saad nito nang magmulat ng mata at deritso siyang timingnan. Tagos hanggang kaluluwa ang ginawa nitong pagtitig at hindi niya kayang tagalan ang titig na ginawad ng binata.

I understand Henrik, all of it. Malungkot siyang napailing. Hindi niya kayang isantinig ang bulong ng kaniyang puso dahil alam niyang sirado ang isip ng binata sa kahit anong sasabihin niya.

Isa pa, hindi siya nandito para pagsabihan ito at bigyan ng kahit anong advices dahil hindi ito ang kanyang pimunta. Iba ang kaniyang pakay at 'yon ay kunin ang atensyon ni Henrik. Ito na 'yong pagkakataon na matagal niya ng hinihintay mangyari.

Tulad ng kaniyang plano, hinayaan niyang nag-inom at naglasing si Henrik. Nakikinig sa mga hikbi at mga salitang lumabas sa bibig nito na kahit hayop ay masasaktan.

Dalawang shots lang ang kaniyang ininom. Tama lang na may matitirang katinuan sa kaniya. Nang makitang lupaypay na ang lalaki, tinawag niya ang kaniyang pinsan para tulungan siya nitong itayo ang lalaki. Matangkad at malaki ang pangangatawan ni Henrik at sa height niyang 5'9, maliit pa rin siya kumpara sa height nitong 6'4. Lalo na at parang barbie ang kaniyang pangangatawan.

"Sweet Jesus, Trinity!"

Natawa siya sa reaksyon ng kaniyang pinsan matapos nilang ilabas ang binata. Nagpahatid sila mismo sa bahay nito at dahil kaibigan niya ang kaniyang pinsang ito, sinabayan siya nito sa kaniyang kagagahan sa lalaki.

Ito na mismo ang nagdrive ng sasakyan para sa kanila at doon sila hinatid sa bahay bahay nito. Binilinan pa siya ng kaniyang supportive cousin na huwag na huwag siyang iiyak pagkatapos sa kagagahang plano niya. Magpinsan nga talaga sila ng babae, dahil alam agad nito ang tumatakbong plano sa kaniyang utak.

It's now or never. May mangyayari sa kanila ngayon gabi ni Henrik. Kung kinakailangan na gawin niyang mababa ulit ang sarili para rito, gagawin niya. Pipikutin niya si Henrik!

Nagpatulong siya kay Michell na kaniyang pinsan na ipasok ang binata sa loob ng bahay nito. Malaki ang bahay ng pinsan niya at may limang silid. Mag-isa lang ito sa bahay ngayon dahil nasa ibang bansa ang magulang nito at isa pa, nag-iisang anak ito. Kaya walang problema kung dito sila matutulog ngayon gabi ni Henrik.

"Do you think there's a paparazzi following us?"

"Nope." Mabilisang sagot ni Michell. "And to tell you frankly, Trinity dear, what you're going to do is damn stupid! It's like you're raping him! What if Capt. Gustavsson will sue you?"

"He will not," ganting sagot niya.

Napairap ito sa hangin. "Oh sweet Jesus! I should have not told you. You're giving me headache, dear!"

Natawa siya at hindi na hinayaan si Michell na magsalita pa. magkasing-edad lang sila ng dalaga at close sila kaya alam niyang maiintindihan siya nito. Agad niyang tinulak papaalis ang dalaga sa sariling bahay nito.

"Wow really? Its my house, hey!"

"I know, I know! And you have still work to do. Go!"

Nag-ikot ito ng eyeballs at muli siyang binantaan. Nag-alala ito para sa kaniya, naiintindihan niya pero ano nga ba ang laban niya sa puso niyang nagmahal lang naman? Matagal niyang hinintay ang pagkakataong ito at ito na 'yon kaya hinding-hindi siya uurong at magba-back out. Kailangan, may mangyari sa kanila ngayon gabi,

DOMINANT SERIES 9 : Intertwined (Completed) HENRIK GUSTAVVSON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon